Juan 12 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Juan 12:1-50

Binuhusan ng Pabango si Jesus

(Mat. 26:6-13; Mar. 14:3-9)

1Anim na araw bago dumating ang Pista ng Paglampas ng Anghel, pumunta si Jesus sa Betania, kung saan nakatira si Lazarus na muli niyang binuhay. 2Kaya naghanda sila roon ng hapunan para kay Jesus. Si Lazarus ay isa sa kasalo ni Jesus sa pagkain. Si Marta ang nagsilbi sa kanila. 3Kumuha si Maria ng kalahating litro ng purong pabango na gawa sa halamang nardo na mamahaling pabango. Ibinuhos niya ito sa paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak ang pabango sa buong bahay. 4Ang isa sa mga tagasunod ni Jesus na naroon ay si Judas Iscariote na magtatraydor sa kanya. Sinabi ni Judas, 5“Isang taon na sweldo ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibigay sa mahihirap ang pera?” 6Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan. 7Pero sinabi ni Jesus, “Hayaan mo siya. Ibinuhos niya ito sa katawan ko bilang paghahanda sa aking libing.12:7 Ibinuhos … libing: o, Ipatago sa kanya ang natirang pabango para sa aking libing. 8Lagi nʼyong nakakasama ang mga mahihirap, pero akoʼy hindi nʼyo laging makakasama.”

Ang Planong Pagpatay kay Lazarus

9Maraming Judio ang nakabalita na nasa Betania si Jesus. Kaya nagpuntahan sila roon, hindi lang dahil kay Jesus kundi upang makita rin si Lazarus na muli niyang binuhay. 10Kaya binalak din ng mga namamahalang pari na ipapatay si Lazarus, 11dahil siya ang dahilan kaya maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.

Ang Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem

(Mat. 21:1-11; Mar. 11:1-11; Luc. 19:28-40)

12Kinabukasan, nabalitaan ng maraming tao na dumalo sa pista na papunta si Jesus sa Jerusalem. 13Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong si Jesus. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating na ito sa pangalan ng Panginoon.12:13 Salmo 118:26. Pagpalain ang Hari ng Israel!” 14Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,

15“Huwag kayong matakot, mga taga-Zion!

Makinig kayo! Paparating na ang inyong Hari

na nakasakay sa isang batang asno!”12:15 Zac. 9:9.

16Hindi pa naiintindihan noon ng mga tagasunod ni Jesus ang ginawang iyon ng mga tao. Pero nang makabalik na si Jesus sa langit, saka lang nila naintindihan na iyon ang nakasaad sa Kasulatan.

17Marami ang nakasaksi nang muling buhayin ni Jesus si Lazarus. At ipinamalita nila ang pangyayaring ito. 18Kaya marami ang sumalubong kay Jesus, dahil nabalitaan nila ang ginawa niyang himala. 19Dahil dito, nag-usap-usap ang mga Pariseo, “Tingnan ninyo, sumusunod na sa kanya ang lahat ng tao,12:19 lahat ng tao: sa literal, buong mundo. at wala tayong magawa!”

May mga Griegong Naghanap kay Jesus

20May mga Griego ring pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Dios sa kapistahan. 21Lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida sa probinsya ng Galilea. Sinabi nila sa kanya, “Gusto po sana naming makita si Jesus.” 22Pinuntahan ni Felipe si Andres at sinabi sa kanya ang kahilingan ng mga Griego. Pagkatapos, pinuntahan nila si Jesus at ipinaalam ang kahilingan. 23Sinabi ni Jesus sa kanila, “Dumating na ang oras upang dakilain ako na Anak ng Tao. 24Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami. 25Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang hindi nanghihinayang sa buhay niya sa mundong ito alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26Ang sinumang gustong maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung nasaan ako naroon din dapat siya. Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama.”

Ipinahiwatig ni Jesus ang Kanyang Kamatayan

27Sinabi pa ni Jesus, “Nababagabag ako ngayon. Sasabihin ko ba sa Ama na iligtas niya ako sa nalalapit na paghihirap? Hindi, dahil ito ang dahilan ng pagpunta ko rito.” 28Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa Ama, “Ama, ipakita nʼyo ang inyong kadakilaan.” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Ipinakita ko na sa pamamagitan mo, at muli ko itong ipapakita.”

29Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Pero sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.” 30Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo. 31Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na si Satanas na siyang naghahari sa mundong ito. 32At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.” 33(Sinabi ito ni Jesus upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.) 34Sumagot ang mga tao sa kanya, “Nakasaad sa Kasulatan na ang Cristoʼy mabubuhay nang walang hanggan. Bakit mo sinasabing kailangang mamatay12:34 mamatay: sa literal, itataas. ang Anak ng Tao? Sino ba ang Anak ng Tao na tinutukoy mo?” 35Sumagot si Jesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, para hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta. 36Kaya sumampalataya kayo sa akin na siyang ilaw ninyo habang narito pa ako, para maliwanagan ang isipan ninyo.”12:36 para maliwanagan ang isipan ninyo: sa literal, para maging mga anak kayo ng ilaw. Pagkasabi ni Jesus nito, umalis siya at nagtago sa kanila.

Ayaw Manampalataya ng mga Judio kay Jesus

37Kahit na nakita ng mga Judio ang maraming himala na ginawa ni Jesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya. 38Sa ganoon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

“Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?

Sino sa mga pinakitaan mo ng iyong kapangyarihan ang sumampalataya?”12:38 Isa. 53:1.

39Sinabi pa ni Isaias na kaya ayaw nilang sumampalataya ay dahil:

40“Binulag ng Dios ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita,

at isinara niya ang kanilang mga isip12:40 isinara niya ang kanilang mga isip: o, pinatigas niya ang kanilang mga puso. upang hindi sila makaunawa,

dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”12:40 Isa. 6:10.

41Sinabi ito ni Isaias dahil nakita niya ang kadakilaan ni Jesus, at nagsalita siya tungkol sa kanya.

42Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Judio ang sumampalataya kay Jesus. Pero inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil takot silang hindi na tanggapin ng mga Pariseo sa mga sambahan. 43Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Dios.

Ang Salita ni Jesus ang Hahatol sa mga Tao

44Nagsalita si Jesus nang malakas: “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lang sa akin sumasampalataya kundi pati sa nagsugo sa akin. 45At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46Naparito ako bilang ilaw ng mundo, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman. 47Ang sinumang nakarinig ng aking mga aral pero hindi sumunod ay hahatulan, ngunit hindi ako ang hahatol sa kanya. Sapagkat hindi ako naparito sa mundo para hatulan ang mga tao kundi iligtas sila. 48May ibang hahatol sa ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga aral. Ang mga salitang ipinangaral ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49Sapagkat ang mga aral koʼy hindi galing sa sarili ko lang kundi galing sa Amang nagsugo sa akin. Siya ang nag-uutos kung ano ang sasabihin ko. 50At alam ko na ang mga utos niya ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya kung ano ang ipinasasabi ng Ama, iyon lang ang sinasabi ko.”

New International Reader’s Version

John 12:1-50

Mary Pours Perfume on Jesus at Bethany

1It was six days before the Passover Feast. Jesus came to Bethany, where Lazarus lived. Lazarus was the one Jesus had raised from the dead. 2A dinner was given at Bethany to honor Jesus. Martha served the food. Lazarus was among the people at the table with Jesus. 3Then Mary took about a pint of pure nard. It was an expensive perfume. She poured it on Jesus’ feet and wiped them with her hair. The house was filled with the sweet smell of the perfume.

4But Judas Iscariot didn’t like what Mary did. He was one of Jesus’ disciples. Later he was going to hand Jesus over to his enemies. Judas said, 5“Why wasn’t this perfume sold? Why wasn’t the money given to poor people? It was worth a year’s pay.” 6He didn’t say this because he cared about the poor. He said it because he was a thief. Judas was in charge of the money bag. He used to help himself to what was in it.

7“Leave her alone,” Jesus replied. “The perfume was meant for the day I am buried. 8You will always have the poor among you. But you won’t always have me.”

9Meanwhile a large crowd of Jews found out that Jesus was there, so they came. But they did not come only because of Jesus. They also came to see Lazarus. After all, Jesus had raised him from the dead. 10So the chief priests made plans to kill Lazarus too. 11Because of Lazarus, many of the Jews were starting to follow Jesus. They were believing in him.

Jesus Comes to Jerusalem as King

12The next day the large crowd that had come for the feast heard that Jesus was on his way to Jerusalem. 13So they took branches from palm trees and went out to meet him. They shouted,

“Hosanna!”

“Blessed is the one who comes in the name of the Lord!” (Psalm 118:25,26)

“Blessed is the king of Israel!”

14Jesus found a young donkey and sat on it. This is just as it is written in Scripture. It says,

15“City of Zion, do not be afraid.

See, your king is coming.

He is sitting on a donkey’s colt.” (Zechariah 9:9)

16At first, Jesus’ disciples did not understand all this. They realized it only after he had received glory. Then they realized that these things had been written about him. They realized that these things had been done to him.

17A crowd had been with Jesus when he called Lazarus from the tomb and raised him from the dead. So they continued to tell everyone about what had happened. 18Many people went out to meet him. They had heard that he had done this sign. 19So the Pharisees said to one another, “This isn’t getting us anywhere. Look how the whole world is following him!”

Jesus Tells About His Coming Death

20There were some Greeks among the people who went up to worship during the feast. 21They came to ask Philip for a favor. Philip was from Bethsaida in Galilee. “Sir,” they said, “we would like to see Jesus.” 22Philip went to tell Andrew. Then Andrew and Philip told Jesus.

23Jesus replied, “The time has come for the Son of Man to receive glory. 24What I’m about to tell you is true. Unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains only one seed. But if it dies, it produces many seeds. 25Anyone who loves their life will lose it. But anyone who hates their life in this world will keep it and have eternal life. 26Anyone who serves me must follow me. And where I am, my servant will also be. My Father will honor the one who serves me.

27“My soul is troubled. What should I say? ‘Father, keep me from having to go through with this’? No. This is the very reason I have come to this point in my life. 28Father, bring glory to your name!”

Then a voice came from heaven. It said, “I have brought glory to my name. I will bring glory to it again.” 29The crowd there heard the voice. Some said it was thunder. Others said an angel had spoken to Jesus.

30Jesus said, “This voice was for your benefit, not mine. 31Now it is time for the world to be judged. Now the prince of this world will be thrown out. 32And I am going to be lifted up from the earth. When I am, I will bring all people to myself.” 33He said this to show them how he was going to die.

34The crowd spoke up. “The Law tells us that the Messiah will remain forever,” they said. “So how can you say, ‘The Son of Man must be lifted up’? Who is this ‘Son of Man’?”

35Then Jesus told them, “You are going to have the light just a little while longer. Walk while you have the light. Do this before darkness catches up with you. Whoever walks in the dark does not know where they are going. 36While you have the light, believe in it. Then you can become children of light.” When Jesus had finished speaking, he left and hid from them.

Some Jews Believe and Some Don’t

37Jesus had performed so many signs in front of them. But they still would not believe in him. 38This happened as Isaiah the prophet had said it would. He had said,

“Lord, who has believed what we’ve been saying?

Who has seen the Lord’s saving power?” (Isaiah 53:1)

39For this reason, they could not believe. As Isaiah says in another place,

40“The Lord has blinded their eyes.

He has closed their minds.

So they can’t see with their eyes.

They can’t understand with their minds.

They can’t turn to the Lord. If they could, he would heal them.” (Isaiah 6:10)

41Isaiah said this because he saw Jesus’ glory and spoke about him.

42At the same time that Jesus did those signs, many of the Jewish leaders believed in him. But because of the Pharisees, they would not openly admit they believed. They were afraid they would be thrown out of the synagogue. 43They loved praise from people more than praise from God.

44Then Jesus cried out, “Whoever believes in me does not believe in me only. They also believe in the one who sent me. 45The one who looks at me sees the one who sent me. 46I have come into the world to be its light. So no one who believes in me will stay in darkness.

47“I don’t judge a person who hears my words but does not obey them. I didn’t come to judge the world. I came to save the world. 48But there is a judge for anyone who does not accept me and my words. These words I have spoken will judge them on the last day. 49I did not speak on my own. The Father who sent me commanded me to say all that I have said. 50I know that his command leads to eternal life. So everything I say is just what the Father has told me to say.”