Josue 5 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Josue 5:1-15

Ang Pagtutuli

1Nabalitaan ng lahat ng hari na Amoreo sa kanluran ng Jordan at ng lahat ng haring Cananeo sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo kung paanong pinatuyo ng Panginoon ang Ilog ng Jordan nang tumawid ang mga Israelita. Kaya natakot sila at naduwag sa pakikipaglaban sa mga Israelita.

2Nang panahong iyon, sinabi ng Panginoon kay Josue, “Gumawa ka ng mga patalim na gawa sa bato, at tuliin ang mga Israelita.” (Ito ang ikalawang pagkakataon na tutuliin ang mga Israelitang hindi pa tuli.) 3Kaya gumawa si Josue ng mga patalim, at tinuli ang mga lalaking Israelita roon sa lugar na tinawag na Bundok ng Pinagtulian.

4-6Ito ang dahilan kung bakit tinuli ni Josue ang mga lalaki: Nang umalis ang mga Israelita sa Egipto, ang lahat ng lalaki ay natuli na. Pero ang mga isinilang sa loob ng 40 taon na paglalakbay nila sa ilang ay hindi pa natutuli. Nang panahong iyon, ang mga lalaking nasa tamang edad na para makipaglaban ay nangamatay dahil hindi sila sumunod sa Panginoon. Sinabi sa kanila ng Panginoon na hindi nila makikita ang maganda at masaganang lupain5:4-6 masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. na ipinangako niya sa mga ninuno nila. 7Ang mga anak nilang lalaki na pumalit sa kanila ang tinuli ni Josue, dahil hindi pa sila tuli nang panahong naglalakbay sila. 8Matapos silang matuli, nanatili sila sa mga kampo nila hanggang sa gumaling ang mga sugat nila.

9At sinabi ng Panginoon kay Josue, “Sa araw na ito, inalis ko sa inyo ang kahihiyan ng pagiging alipin nʼyo sa Egipto.” Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal5:9 Gilgal: Maaaring ang ibig sabihin, inalis. hanggang ngayon.

10Noong gabi nang ika-14 na araw ng unang buwan, habang nagkakampo pa ang mga Israelita sa Gilgal, sa Kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Pista ng Paglampas ng Anghel. 11Kinaumagahan, kumain sila ng mga produkto ng lupaing iyon: binusang trigo at tinapay na walang pampaalsa. 12Mula nang araw na iyon, tumigil na ang pagbagsak ng “manna”, at wala ng “manna” ang mga Israelita. Ang pagkain nila ay galing na sa inani sa lupain ng Canaan.

13Nang malapit na si Josue sa Jerico, bigla niyang nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap niya na may hawak na espada. Tinanong siya ni Josue, “Kakampi ka ba namin o kalaban?” 14“Hindi,” sagot ng lalaki. “Naparito ako bilang pinuno ng mga sundalo ng Panginoon.” Nagpatirapa si Josue bilang paggalang sa kanya at nagtanong, “Ginoo, ano po ang gusto nʼyong ipagawa sa akin na inyong lingkod?” 15Sumagot ang kumander ng mga sundalo ng Panginoon, “Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal na lugar ang kinatatayuan mo.” At sinunod ni Josue ang iniutos sa kanya.

Persian Contemporary Bible

يوشع 5:1-15

ختنه در جلجال

1در سمت غربی رود اردن، اموری‌ها و در امتداد ساحل دريای مديترانه کنعانی‌ها سكونت داشتند. پادشاهان آنها وقتی شنيدند كه خداوند به خاطر بنی‌اسرائيل راه خشكی از ميان رود اردن پديد آورده تا از آن عبور كنند، سخت ترسيدند و جرأت مقابله با اسرائيل را از دست دادند.

2‏-3در اين موقع خداوند به يوشع دستور داد كه تمام پسران و مردان اسرائيل ختنه شوند. خداوند به ايشان فرمود كه برای انجام اين عمل از سنگ چخماق استفاده كنند. محلی كه اسرائیلی‌ها در آن ختنه شدند «تپهٔ ختنه» ناميده شد. 4‏-5دليل اين كار اين بود كه تمام مردانی كه به سن جنگيدن رسيده بودند و موقع بيرون آمدن از مصر ختنه شده بودند، همگی در بيابان مرده بودند و پسران آنها كه پس از خروج از مصر متولد شده بودند، ختنه نشده بودند. 6قوم اسرائيل چهل سال در بيابان سرگردان بودند تا اينكه تمام مردانی كه هنگام بيرون آمدن از مصر به سن جنگيدن رسيده بودند، مردند. آنها چون خداوند را اطاعت نكردند، او هم قسم خورد كه نگذارد وارد سرزمينی شوند كه وعدهٔ آن را به اجدادشان داده بود زمينی كه شير و عسل در آن جاری است. 7پس يوشع پسرانی را كه بزرگ شده بودند و می‌بايست جای پدران خود را بگيرند، ختنه كرد.

8پس از انجام عمل ختنه، همگی در خيمه‌های خود به استراحت پرداختند تا بهبود يابند. 9سپس خداوند به يوشع فرمود: «امروز ننگ ختنه نشدن را از روی شما برداشتم.» جايی كه اسرائيلی‌ها ختنه شدند، جلجال (يعنی «برداشتن») ناميده شد و تا به امروز به همان نام باقی است.

10هنگامی كه قوم اسرائيل در جلجال واقع در دشت اريحا اردو زده بودند، شب چهاردهم ماه، عيد پِسَح را جشن گرفتند. 11روز بعد به خوردن محصولات سرزمينی كه وارد آن شده بودند پرداختند و از گندم آنجا نان فطير پختند. 12پس از آن، نان آسمانی كه به «مَنّ» معروف بود قطع گرديد و ديگر هرگز ديده نشد! قوم اسرائيل پس از آن برای خوراک، از محصولات سرزمين كنعان استفاده می‌كردند.

يوشع و مرد شمشير به دست

13روزی يوشع كه به شهر اريحا نزديک شده بود، چشمش به مردی شمشير به دست افتاد. يوشع به سوی او رفت و پرسيد: «دوست هستی يا دشمن؟»

14آن مرد به يوشع گفت: «من فرماندهٔ لشكر خداوند هستم.» يوشع روی بر زمين نهاد و سجده كرده، گفت: «هر امری داری به بنده‌ات بفرما.»

15او به يوشع گفت: «كفشهايت را درآور، زيرا جايی كه ايستاده‌ای مقدس است.» يوشع اطاعت كرد.