Job 8 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 8:1-22

Nagsalita si Bildad

1Sumagot si Bildad na taga-Shua, 2“Hanggang kailan ka magsasalita ng ganyan? Nag-iingay ka lang at walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. 3Hindi maaaring pilipitin ng Makapangyarihang Dios ang katarungan o baluktutin ang katuwiran. 4Nagkasala ang iyong mga anak laban sa Dios kaya nararapat lamang ang natanggap nilang kaparusahan. 5Pero kung lalapit ka sa Makapangyarihang Dios, at magmamakaawa sa kanya, 6at mamumuhay nang malinis at matuwid, kahit ngayon ay agad ka niyang tutulungan at ibabalik sa mabuting kalagayan. 7At ang kayamanang ibibigay sa iyo ay higit pa kaysa sa kayamanan mo noon.

8“Tanungin mo ang mga matatanda. Alamin mo kung ano ang natutunan8:8 natutunan: o, natuklasan; o, naranasan. ng kanilang mga ninuno. 9Sapagkat parang kailan lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman, at ang mga araw natin dito sa mundo ay tulad ng anino na hindi nagtatagal. 10Pakinggan mo sila, at sasabihin nila sa iyo ang kanilang nalalaman.

11“Hindi mabubuhay ang halamang tubig kung walang tubig. 12Mamamatay iyon kahit na pasibol pa lang at hindi pa panahong putulin. 13Ganyan din ang kahihinatnan ng lahat ng taong tumatalikod sa Dios. Ang kanyang pag-asa ay mawawala. 14Ang lahat ng inaasahan at pinagtitiwalaan niya ay kasinrupok ng sapot ng gagamba. 15Kapag sinandalan ito, agad nalalagot; dumidikit ngunit mahina ang kapit. 16Kung titingnan parang mabuti ang kalagayan niya, parang tanim na sagana sa dilig at sikat ng araw. Yumayabong ito sa buong hardin 17at kumakapit ang mga ugat nito sa mga bato. 18Pero kapag nabunot na ito, hindi na pinapansin. 19Ganyan ang wakas ng buhay niya, at may tanim na tutubong muli sa lugar na kanyang tinubuan.

20“Ang totoo, hindi itinatakwil ng Dios ang taong matuwid at hindi niya tinutulungan ang taong masama. 21Patatawanin ka niyang muli, at pasisigawin sa kagalakan. 22Ipapahiya niya ang mga napopoot sa iyo at wawasakin ang kanilang sambahayan.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 8:1-22

比勒达发言

1书亚比勒达回答约伯说:

2“你要这样絮叨到何时?

你的话犹如阵阵狂风。

3上帝岂会歪曲正义?

全能者岂会颠倒是非?

4如果你的儿女得罪了祂,

祂会给他们应有的惩罚。

5但你若寻求上帝,

向全能者恳求;

6你若纯洁、正直,

祂必起身相助,

恢复你应有的家园。

7你起初虽然卑微,

日后必兴旺发达。

8“你要请教先辈,

探究祖先的经验。

9因为我们就像昨天才出生,一无所知,

我们在世的日子如同掠影。

10先辈必给你教诲和指点,

向你道出明智之言。

11“蒲草无泥岂可长高?

芦苇无水岂可茂盛?

12它们还在生长、尚未割下,

已比百草先枯萎。

13忘记上帝的人,结局也是如此;

不信上帝的人,盼望终必破灭。

14他所仰仗的虚若游丝,

他所倚靠的诚如蛛网。

15他倚靠它,它却支撑不住;

他抓紧它,它却支离破碎。

16他像阳光下生机勃勃的植物,

枝条爬满了园囿,

17根茎盘绕石堆,

深深扎入石缝。

18一旦他被连根拔起,

原处必否认见过他。

19他的生命就这样消逝8:19 他的生命就这样消逝”或译“这就是他一生的乐趣”。

地上会兴起其他人。

20“上帝决不会抛弃纯全的人,

也不会扶持邪恶的人。

21祂要使你笑口常开,

欢声不断。

22憎恨你的人必抱愧蒙羞,

恶人的帐篷必不复存在。”