Job 38 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Job 38:1-41

Nagsalita ang Panginoon

1Pagkatapos, sinagot ng Panginoon si Job mula sa ipu-ipo, sinabi niya,

2“Sino ka na nag-aalinlangan sa aking karunungan? Ang mga sinasabi moʼy nagpapatunay lang na wala kang nalalaman. 3Humanda ka. Sagutin mo ang aking mga tanong.

4“Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin. 5Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito? 6Sino ang may hawak ng pundasyon ng mundo? At sino ang naglagay ng pundasyon na ito 7habang sama-samang umaawit ang mga bituin sa umaga at nagsisigawan sa tuwa ang lahat ng anghel?38:7 lahat ng anghel: sa literal, lahat ng anak ng Dios.

8“Sino ang naglagay ng hangganan sa dagat nang bumulwak ito mula sa kailaliman? 9Ako ang naglagay ng makapal na ulap at kadiliman bilang takip ng dagat. 10Nilagyan ko ng hangganan ang dagat; parang pintuang isinara at nilagyan ng trangka. 11Sinabihan ko ang dagat, ‘Hanggang dito ka lang at huwag kang lalampas; hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’

12“Minsan ba sa buhay mo Job ay nautusan mo ang umaga na magbukang-liwayway 13para ang ningning nito ay lumiwanag sa buong mundo at mapatigil ang kasamaang ginagawa kapag madilim? 14At dahil sa sikat ng araw, ang daigdig ay malinaw na nakikita katulad ng marka ng pantatak at lukot ng damit. 15Ang liwanag ay nakakapigil sa masasama, dahil hindi sila makakagawa ng karahasan sa iba.

16“Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukal na nasa ilalim ng dagat o sa pinakamalalim na bahagi ng dagat? 17Naipakita na ba sa iyo ang mga pintuan patungo sa lugar ng mga patay? 18Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sabihin mo sa akin kung alam mo ang lahat ng ito!

19“Alam mo ba kung saan nanggaling ang liwanag at dilim? 20At kaya mo ba silang pabalikin sa kanilang pinanggalingan? 21Oo nga pala, alam mo ang lahat ng ito dahil ipinanganak ka na bago pa likhain ang mga ito at matagal na panahon ka nang nabubuhay!

22“Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo? 23Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan. 24Alam mo ba ang daan patungo sa lugar na pinanggagalingan ng kidlat,38:24 kidlat: o, liwanag. o sa lugar na pinanggagalingan ng hanging silangan? 25Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo? 26Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao? 27Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang para tumubo ang mga damo? 28Sino ang ama ng ulan, ng hamog, 29at ng yelong mula sa langit? 30Ang tubig ay nagyeyelo na kasingtigas ng bato, pati na ang itaas na bahagi ng dagat.

31“Kaya mo bang talian o kalagan ng tali ang grupo ng mga bituin na tinatawag na Pleyades at Orion? 32Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? Maituturo mo ba sa grupo ng mga bituing tinatawag na Malaki at Maliit na Oso ang kanilang daan? 33Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa kalangitan?38:33 tuntuning … kalangitan: Ang ibig sabihin nito ay ang “batas ng kalikasan.” Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa mundo?

34“Mauutusan mo ba ang ulap na umulan? 35Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap? Mapapasunod mo kaya ito? 36Sino ang nagbibigay ng karunungan at pang-unawa ng tao? 37Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap? Sinong makakapagbuhos ng tubig mula sa langit 38upang ang mga tuyong alikabok ay maging buo-buong putik?

39“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon para sila ay mabusog 40habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? 41Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa akin?

New International Reader’s Version

Job 38:1-41

The Lord Speaks

1The Lord spoke to Job out of a storm. He said,

2“Who do you think you are to disagree with my plans?

You do not know what you are talking about.

3Get ready to stand up for yourself.

I will ask you some questions.

Then I want you to answer me.

4“Where were you when I laid the earth’s foundation?

Tell me, if you know.

5Who measured it? I am sure you know!

Who stretched a measuring line across it?

6What was it built on?

Who laid its most important stone?

7When it happened, the morning stars sang together.

All the angels shouted with joy.

8“Who created the ocean?

Who caused it to be born?

9I put clouds over it as if they were its clothes.

I wrapped it in thick darkness.

10I set limits for it.

I put its doors and metal bars in place.

11I said, ‘You can come this far.

But you can’t come any farther.

Here is where your proud waves have to stop.’

12“Job, have you ever commanded the morning to come?

Have you ever shown the sun where to rise?

13The daylight takes the earth by its edges

as if it were a blanket.

Then it shakes sinful people out of it.

14The earth takes shape like clay stamped with an official’s mark.

Its features stand out

like the different parts of your clothes.

15Sinners would rather have darkness than light.

When the light comes, their power is broken.

16“Have you traveled to the springs at the bottom of the ocean?

Have you walked in its deepest parts?

17Have the gates of death been shown to you?

Have you seen the gates of the deepest darkness?

18Do you understand how big the earth is?

Tell me, if you know all these things.

19“Where does light come from?

And where does darkness live?

20Can you take them to their places?

Do you know the paths to their houses?

21I am sure you know! After all, you were already born!

You have lived so many years!

22“Have you entered the places where the snow is kept?

Have you seen the storerooms for the hail?

23I store up snow and hail for times of trouble.

I keep them for days of war and battle.

24Where does lightning come from?

Where do the east winds live that blow across the earth?

25Who tells the rain where it should fall?

Who makes paths for the thunderstorms?

26They bring water to places where no one lives.

They water deserts that do not have anyone in them.

27They satisfy the needs of dry and empty lands.

They make grass start growing there.

28Does the rain have a father?

Who is the father of the drops of dew?

29Does the ice have a mother?

Who is the mother of the frost from the heavens?

30The waters become as hard as stone.

The surface of the ocean freezes over.

31“Can you tie up the cords of the Pleiades?

Can you untie the belt that Orion wears?

32Can you bring out all the stars in their seasons?

Can you lead out the Big Dipper and the Little Dipper?

33Do you know the laws that govern the heavens?

Can you rule over the earth the way I do?

34“Can you give orders to the clouds?

Can you make them pour rain down on you?

35Do you send the lightning bolts on their way?

Do they report to you, ‘Here we are’?

36Who gives the ibis wisdom?

Who gives the rooster understanding?

37Who is wise enough to count the clouds?

Who can tip over the water jars of the heavens?

38I tip them over when the ground becomes hard.

I do it when the dirt sticks together.

39“Do you hunt for food for mother lions?

Do you satisfy the hunger of their cubs?

40Some of them lie low in their dens.

Others lie waiting in the bushes.

41Who provides food for ravens

when their babies cry out to me?

They wander around because they do not have anything to eat.