Job 27 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Job 27:1-23

1Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, 2“Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buhay na Dios na nagkait ng katarungan at nagdulot sa akin ng sama ng loob. 3Habang akoʼy may hininga at pinapahintulutan niyang mabuhay, 4hindi ako magsasalita ng masama at kasinungalingan. 5Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa rin na wala akong kasalanan hanggang sa mamatay ako. 6Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensya habang akoʼy nabubuhay.

7“Parusahan nawa ng Dios ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao! 8Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Dios kung bawiin na ng Dios ang kanyang buhay? 9Didinggin kaya ng Dios ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan? 10Matutuwa kaya siya sa Makapangyarihang Dios? Tatawag kaya siya sa kanya sa lahat ng oras?

11“Tuturuan ko sana kayo ng tungkol sa kapangyarihan ng Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga pamamaraan niya. 12Pero alam na pala ninyo ang lahat ng ito. Kaya bakit pa kayo nagsasalita sa akin ng walang kabuluhan?

13“Ito ang kapalaran na itinakda ng Makapangyarihang Dios sa taong masama at malupit. 14Kahit gaano kadami ang anak niya, mamamatay ang iba sa kanila sa digmaan at ang iba naman ay sa gutom. 15Ang matitira sa kanila ay mamamatay sa sakit, at walang magluluksa sa pagkamatay nila, kahit ang kanilang mga asawa.

16“Kahit mag-ipon ng maraming pilak at damit ang masamang tao, 17hindi rin siya ang makikinabang nito. Ang matutuwid at walang kasalanan ang magsusuot ng kanyang mga damit at ang maghahati-hati sa kanyang mga pilak. 18Ang itinatayo niyang bahay ay magiging kasinrupok ng sapot ng gagamba o kayaʼy silungan ng tagapagbantay sa bukid. 19Matutulog siyang mayaman pero paggising niyaʼy wala na ang kanyang kayamanan. 20Darating sa kanya ang takot na parang rumaragasang baha at tatangayin siya ng ipu-ipo pagsapit ng gabi. 21Tatangayin siya ng hangin na mula sa silangan at mawawala siya sa kanyang tirahan. 22Walang awa siyang tatangayin nito habang pinipilit niyang makatakas. 23May mga papalakpak at susutsot sa kanya para mangutya, dahil wala na siya sa kanyang tinitirhan.

New International Reader’s Version

Job 27:1-23

Job’s Final Reply to His Friends

1Job continued to speak. He said,

2“God hasn’t treated me fairly.

The Mighty One has made my life bitter.

You can be sure that God lives.

And here’s something else you can be sure of.

3As long as I have life

and God gives me breath,

4my mouth won’t say evil things.

My lips won’t tell lies.

5I’ll never admit you people are right.

Until I die, I’ll say I’m telling the truth.

6I’ll continue to say I’m right.

I’ll never let go of that.

I won’t blame myself as long as I live.

7“May my enemies suffer like sinful people!

May my attackers be punished like those who aren’t fair!

8What hope do ungodly people have when their lives are cut short?

What hope do they have when God takes away their lives?

9God won’t listen to their cry

when trouble comes on them.

10They won’t take delight in the Mighty One.

They’ll never call out to God.

11“I’ll teach all of you about God’s power.

I won’t hide the things the Mighty One does.

12You have seen those things yourselves.

So why do you continue your useless talk?

13“Here’s what God does to sinful people.

Here’s what those who are mean receive from the Mighty One.

14All their children will be killed by swords.

They’ll never have enough to eat.

15A plague will kill those who are left alive.

The widows of sinful men

won’t even weep over their own children.

16Sinners might store up silver like dust

and clothes like piles of clay.

17But people who do what is right will wear those clothes.

People who haven’t done anything wrong

will divide up that silver.

18The house an evil person builds is like a moth’s cocoon.

It’s like a hut that’s made by someone on guard duty.

19Sinful people lie down wealthy, but their wealth is taken away.

When they open their eyes, everything is gone.

20Terrors sweep over them like a flood.

A storm takes them away during the night.

21The east wind carries them off, and they are gone.

It sweeps them out of their houses.

22It blows against them without mercy.

They try to escape from its power.

23It claps its hands and makes fun of them.

It hisses them out of their houses.”