Job 22 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 22:1-30

Nagsalita si Elifaz

1Pagkatapos, sumagot si Elifaz na taga-Teman,

2“May maitutulong ba ang tao sa Dios, o kahit ang taong marunong? 3Matutuwa kaya ang Makapangyarihang Dios kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo? 4Sinasaway ka at hinahatulan ng Dios hindi dahil may takot ka sa kanya, 5kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan mo at walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan. 6Walang awa mong kinukuha ang damit ng iyong kapwa bilang garantiya sa kanyang utang sa iyo. 7Hindi mo binibigyan ng tubig ang nauuhaw at hindi mo rin binibigyan ng pagkain ang nagugutom. 8Ginagamit mo ang iyong kapangyarihan at kadakilaan sa pangangamkam ng lupa. 9Kapag humihingi sa iyo ng tulong ang mga biyuda, pinauuwi mo silang walang dala. Pinagmamalupitan mo pa pati ang mga ulila. 10Iyan ang mga dahilan kung bakit napapalibutan ka ng patibong at dumarating sa iyo ang biglang pagkatakot. 11Iyan din ang mga dahilan kung bakit nadiliman ka at hindi nakakita, at inaapawan pa ng baha.

12“Ang Dios ay nasa kataas-taasang langit, mas mataas pa sa pinakamataas na bituin. 13Kaya sinasabi mo, ‘Hindi alam ng Dios ang ginagawa ko. Paano siya makakahatol kung napapalibutan siya ng makapal na ulap? 14Napapalibutan nga siya ng makapal na ulap, kaya hindi niya tayo makikita habang naglalakad siya sa itaas ng langit.’

15“Patuloy ka bang susunod sa pag-uugaling matagal ng sinusunod ng taong masasama? 16Namatay sila nang wala pa sa panahon; katulad sila ng pundasyon ng bahay na tinangay ng baha. 17Sinabi nila sa Makapangyarihang Dios, ‘Hayaan mo na lamang kami! Ano bang magagawa mo para sa amin?’ 18Pero ang Dios ang pumuno ng mabubuting bagay sa bahay nila. Kaya anuman ang ipapayo nitong mga taong masama ay hindi ko tatanggapin.

19“Kapag nakita ng mga taong matuwid at walang kasalanan ang kapahamakan ng mga taong masama, matutuwa sila at magdiriwang. 20Sasabihin nila, ‘Napahamak na ang mga kaaway natin, at natupok sa apoy ang kayamanan nila.’

21Job, magpasakop ka sa Dios at makipagkasundo ka sa kanya upang pagpalain ka niya. 22Tanggapin mo ang kanyang mga itinuturo at ingatan mo sa iyong puso ang kanyang mga salita. 23Kung manunumbalik ka sa Dios na Makapangyarihan, at aalisin ang kasamaan sa sambahayan mo, pagpapalain ka niyang muli. 24Huwag mong pahalagahan ang iyong kayamanan; ituring mo ito na parang buhangin o batong nasa ilog. 25At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak. 26At saka mo matatagpuan ang kaligayahang nagmumula sa Makapangyarihang Dios, at hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya. 27Manalangin ka sa kanya at didinggin ka niya. Tuparin mo ang iyong mga pangako sa kanya. 28Anuman ang binabalak mong gawin ay mangyayari at magiging maliwanag ang iyong daan. 29Kung may taong nanghihina, at kung idadalangin mo sa Dios na palakasin siya, tutulungan niya ang taong iyon. 30Pati ang mga taong nagkasala ay ililigtas niya sa pamamagitan ng buhay mong matuwid.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 22:1-30

以利法再次回答

1提幔以利法回答说:

2“人对上帝能有何益处?

即使智者对祂又有何益?

3全能者岂会因你为人公义而喜悦,

因你行为纯全而获利?

4祂岂会因你敬虔而惩罚你、审判你?

5你岂不是罪恶深重,

过犯无数?

6你无故强取弟兄的物品作抵押,

剥去贫寒者的衣服。

7你不给口渴的人水喝,

不给饥饿的人食物。

8土地归了权贵,

只让显要占有。

9你让寡妇空手而去,

你打断孤儿的臂膀。

10因此你周围布满网罗,

恐惧突然笼罩你。

11黑暗遮掩你的视线,

洪水淹没你。

12“上帝岂不在高天之上吗?

看,天上的星宿何其高远!

13你却说,‘上帝知道什么?

祂怎能隔着幽暗施行审判?

14当祂在穹苍巡弋时,

密云挡住祂的视线。’

15难道你要走恶人的古道,

步他们的后尘?

16他们死期未到便已夭逝,

他们的根基被洪涛卷走。

17他们对上帝说,‘离开我们吧!

全能者能把我们怎么样?’

18然而,是上帝把美物充满他们的家;

因此,我决不苟同他们的想法。

19义人看见他们的结局便欢喜,

无辜者见了便嘲笑,

20说,‘我们的仇敌果然被铲除,

他们的财产已被火吞噬。’

21“你要顺从上帝,与祂和好,

福乐就会临到你。

22你要接受祂的教诲,

把祂的话谨记在心。

23你若归向全能者,就必得到恢复。

你若将罪恶从帐篷中远远赶走,

24将金子扔进尘土,

俄斐的金子丢在布满石头的溪谷,

25全能者必成为你的金子,

成为你珍贵的银子。

26那时,你必从全能者那里找到欢乐,

你必抬头仰望上帝。

27你向祂祷告,祂必垂听,

你必向祂还所许的愿。

28你想做的事都会成功,

必有光照亮你的道路。

29人遭贬抑时,你说,‘使他们升高吧。’

上帝就会拯救他们,

30祂甚至会解救有罪之人,

他们必因你的手清洁而获救。”