Job 18 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 18:1-21

Nagsalita si Bildad

1Pagkatapos, sumagot si Bildad na taga-Shua,

2Job, hanggang kailan ka ba magsasalita ng ganyan? Ayusin mo ang sinasabi mo at saka kami makikipag-usap sa iyo. 3Ang tingin mo ba sa amin ay para kaming mga hayop na hindi nakakaunawa? 4Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Dios ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kinaroroonan nila?

5“Sa totoo lang, ang taong masama ay tiyak na mamamatay. Ang tulad niyaʼy ilaw na hindi na magbibigay ng liwanag. 6Magdidilim sa kinaroroonan niya, dahil mamamatay ang ilawang malapit sa kanya. 7Noon ay may katatagan siya pero ngayon ay bumabagsak. Ang sarili niyang plano ang siya ring sisira sa kanya. 8Siya mismo ang lumakad papunta sa bitag at nahuli siya. 9Hindi na maalis doon ang mga paa niya. 10Inilagay ang bitag sa dinadaanan niya, at tinabunan ng lupa. 11Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta. 12Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda para ipahamak siya. 13Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay. 14Pinaalis siya sa tahanang kanlungan niya at dinala sa harap ng nakakatakot na hari. 15Mawawala ang tirahan ng masama dahil masusunog iyon sa nagniningas na asupre. 16Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na natuyo ang mga ugat at mga sanga. 17Makakalimutan siya ng lahat dito sa daigdig at wala nang makakaalala pa sa kanya. 18Palalayasin siya mula rito sa maliwanag na daigdig patungo sa madilim na lugar ng mga patay. 19Wala siyang magiging anak o apo at walang matitirang buhay sa pamilya18:19 pamilya: o, bayan. niya. 20Ang mga tao sa saanmang lugar18:20 sa saanmang lugar: sa literal, sa silangan at sa kanluran. ay magtataka at matatakot sa mga nangyayari sa kanya. 21Ganyan nga ang sasapitin ng taong masama na hindi kumikilala sa Dios.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 18:1-21

比勒达发言

1书亚比勒达回答说:

2“你要狡辩到何时呢?

你先想清楚,然后我们再谈。

3为何你把我们当作牲畜,

把我们视为蠢货?

4你这气得要撕碎自己的人,

大地会因你而荒凉吗?

磐石会因你而挪移吗?

5“恶人的光必熄灭。

他的火焰不再闪耀。

6他帐篷中一片黑暗,

他上面的灯光熄灭。

7恶人强劲的步伐变得蹒跚,

他必被自己的阴谋所害。

8他自陷网罗,

步入圈套。

9套索缠住他的脚跟,

网罗紧紧地罩住他。

10土里埋着绊他的绳索,

路上有陷阱等待着他。

11恐惧四面笼罩着他,

步步紧追着他。

12他饿得气力衰竭,

灾祸随时临到他。

13疾病侵蚀他的皮肉,

死亡吞噬他的肢体。

14他被拖出安稳的帐篷,

被押到冥王18:14 冥王”希伯来文是“恐怖之王”。那里。

15他的帐篷燃烧着烈焰,

他的居所撒满了硫磺。

16他下面的根茎枯干,

上面的枝子枯萎。

17他从世上销声匿迹,

无人记得他的名字。

18他从光明中被赶入黑暗,

他被逐出这个世界。

19他在本族中无子无孙,

他所居之地无人生还。

20他的下场令西方的人震惊,

令东方的人战栗。

21这就是不义之人的结局,

不认识上帝之人的下场。”