Jeremias 51 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 51:1-64

Dagdag na Parusa sa Babilonia

1Ito pa ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Babilonia: “Hahamunin ko ang manlilipol para salakayin ang Babilonia at ang mga mamamayan nito.51:1 mga mamamayan nito: sa Hebreo, mga mamamayan ng Leb Kamai, na isa pang pangalan ng Babilonia. 2Magpapadala ako ng mga dayuhan para salakayin at wasakin ang Babilonia na tulad sa ipa na tinatangay ng hangin. Lulusubin nila ang Babilonia sa lahat ng dako sa araw ng kapahamakan nito. 3Hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagapana ng Babilonia na magamit ang mga pana o mga baluti nila. Wala silang ititirang kabataang lalaki. Lubusan nilang lilipulin ang mga sundalo ng Babilonia. 4Hahandusay ang mga sugatan nilang bangkay sa mga daan. 5Sapagkat ako, ang Panginoong Dios na Makapangyarihan, ang Banal na Dios ng Israel, ay hindi itinakwil ang Israel at Juda kahit na puno ng kasamaan ang lupain nila.

6“Tumakas kayo mula sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay! Hindi kayo dapat mamatay dahil sa kasalanan ng Babilonia. Panahon na para gantihan ko siya ayon sa nararapat sa mga ginawa niya. 7Para siyang tasang ginto sa kamay ko na puno ng alak. Pinainom niya ang mga bansa sa buong daigdig, at silaʼy nalasing at naging baliw. 8Biglang mawawasak ang Babilonia! Ipagluksa nʼyo siya! Gamutin nʼyo ang mga sugat niya at baka sakaling gumaling siya.”

9Sinabi ng mga Israelitang naninirahan doon, “Sinikap naming gamutin ang Babilonia pero hindi na siya magamot. Hayaan na lang natin siya at umuwi na tayo sa mga lugar natin. Sapagkat hanggang langit na ang mga kasalanan niya kaya parurusahan na siya ng Panginoon. 10Ipinaghiganti tayo ng Panginoon. Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem51:10 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. Ganito rin sa talatang 24 din. at sabihin natin doon ang ginawa ng Panginoon na ating Dios.”

11Maghihiganti ang Panginoon sa Babilonia dahil sa paggiba nito sa templo niya. Hinikayat ng Panginoon ang mga hari ng Media para wasakin ang Babilonia dahil ito ang layunin niya. Sinabi niya, “Hasain nʼyo ang mga pana ninyo at ihanda ang mga pananggalang ninyo. 12Itaas nʼyo ang watawat na sagisag ng pagsalakay sa Babilonia. Dagdagan nʼyo ang mga bantay; ipwesto ang mga bantay. Palibutan nʼyo ang lungsod! Panahon na para gawin ng Panginoon ang plano niya laban sa mga taga-Babilonia.”

13O Babilonia, sagana ka sa tubig at sagana ka rin sa kayamanan. Pero dumating na ang wakas mo, ang araw ng kapahamakan mo. 14Sumumpa ang Panginoong Makapangyarihan sa sarili niya na sinasabi, “Ipapasalakay ko kayo sa napakaraming kaaway na kasindami ng balang, at sisigaw sila ng tagumpay laban sa inyo.”

Ang Pagpupuri sa Dios

15Nilikha ng Dios ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan niya. 16Sa utos niyaʼy lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalangitan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito.

17Mga hangal at mangmang ang bawat tao na sumasamba sa mga dios-diosan. Mapapahiya lang ang mga platerong gumawa ng mga dios-diosan nila, dahil hindi naman totoong dios ang mga ito. Wala silang buhay, 18wala silang kabuluhan at dapat kamuhian. Darating ang araw na wawasakin ang lahat ng ito. 19Pero ang Dios ni Jacob51:19 Dios ni Jacob: sa literal, bahagi ni Jacob. ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang mga taong hinirang niya – Panginoong Makapangyarihan ang pangalan niya.

Ang Martilyo ng Panginoon

20Sinabi ng Panginoon, “Ikaw51:20 Ikaw: Maaaring si Cyrus, ang ginamit ng Panginoon para magtagumpay sa Babilonia. ang panghampas ko, ang panghampas ko sa digmaan. Sa pamamagitan mo, wawasakin ko ang mga bansa at kaharian, 21ang mga kabayo, karwahe at ang mga nakasakay dito. 22Sa pamamagitan mo, lilipulin ko ang mga lalaki at babae, matatanda at bata, at ang mga binata at dalaga. 23Lilipulin ko rin sa pamamagitan mo ang mga kawan at mga pastol, ang mga magbubukid at mga baka, ang mga pinuno at iba pang mga namamahala.

24Mga mamamayan ko, ipapakita ko sa inyo ang paghihiganti ko sa Babilonia at sa mga mamamayan nito dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nila sa Jerusalem. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

25“Kalaban kita, O Babilonia, ikaw na tinaguriang Bundok na Mapangwasak! Winasak mo ang buong mundo. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para wasakin at sunugin ka. 26Walang anumang batong makukuha sa iyo para gamitin sa pagtatayo ng bahay. Magiging malungkot ang kalagayan mo magpakailanman. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

27“Itaas ang watawat na tanda ng pagsalakay! Patunugin ang trumpeta sa mga bansa! Ihanda sila para salakayin ang Babilonia. Utusang sumalakay ang mga sundalo ng Ararat, Mini at Ashkenaz. Pumili kayo ng pinuno para salakayin ang Babilonia. Magpadala kayo ng mga kabayong kasindami ng mga balang. 28Paghandain mo ang mga hari ng Media, pati ang mga pinuno at mga tagapamahala nila, at ang lahat ng bansa na nasasakupan nila para salakayin ang Babilonia.

29“Parang taong nanginginig at namimilipit sa sakit ang Babilonia, dahil isasagawa ng Panginoon ang kanyang plano laban dito, na wala nang maninirahan at magiging mapanglaw na ang lugar na ito. 30Titigil ang mga sundalo ng Babilonia sa pakikipaglaban at mananatili na lang sila sa kanilang kampo. Manghihina sila na parang mahihinang babae. Masusunog ang mga bahay sa Babilonia at masisira ang mga pintuan. 31Sunud-sunod na darating ang mga tagapagbalita para sabihin sa hari ng Babilonia na ang buong lungsod ay nasakop na. 32Naagaw ang mga tawiran sa mga ilog. Sinunog ang mga kampo at natatakot ang mga sundalo.”

33Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Ang Babilonia ay tulad ng trigo na malapit nang anihin at giikin.”

34-35Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Si Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang dragon na lumulon sa amin. Binusog niya ang tiyan niya ng mga kayamanan namin. Iniwan niya ang lungsod namin na walang itinira, parang banga na walang laman. Itinaboy niya kami at hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Gawin din sana sa Babilonia ang ginawa niya sa amin at sa mga anak namin. Pagbayaran sana ng mga mamamayan ng Babilonia ang mga pagpatay nila.”

36Kaya sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, ipagtatanggol ko kayo at maghihiganti ako para sa inyo. Patutuyuin ko ang dagat at ang mga bukal sa Babilonia. 37Wawasakin ko ang bansang ito! Magiging katawa-tawa at kasumpa-sumpa ang bansang ito, at wala nang maninirahan dito maliban sa mga asong-gubat.51:37 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.” 38Ang mga taga-Babilonia ay aatungal na parang leon. 39At dahil gutom sila, ipaghahanda ko sila ng piging. Lalasingin ko sila, pasasayahin at patutulugin nang mahimbing habang panahon, at hindi na magigising. 40Dadalhin ko sila para katayin na parang mga tupa at mga kambing. 41Papaanong bumagsak ang Babilonia?51:41 Babilonia: sa Hebreo, Sheshac. Ang bansang hinahangaan ng buong mundo! Nakakatakot tingnan ang nangyari sa kanya! 42Matatabunan ng malalakas na alon ang Babilonia. 43Magiging malungkot ang mga bayan niya na parang disyerto na walang nakatira o dumadaan man lang. 44Parurusahan ko si Bel na dios-diosan ng Babilonia. Ipapasuka ko sa kanya ang mga nilamon niya.51:44 ang mga nilamon niya: Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang mga taong binihag ng mga taga-Babilonia at ang mga ari-arian na nasamsam nito. Hindi na siya dadagsain ng mga bansa para sambahin. Bumagsak na ang mga pader ng Babilonia.

45“Mga hinirang ko, lumayo na kayo sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay bago ko ibuhos ang galit ko. 46Pero huwag kayong matatakot o manlulupaypay kung dumating na ang balita tungkol sa digmaan. Sapagkat ang balita tungkol sa digmaan ng mga hari ay darating sa bawat taon. 47Darating ang panahon na parurusahan ko ang mga dios-diosan ng Babilonia. Mapapahiya ang buong Babilonia, at bubulagta ang lahat ng bangkay ng mamamayan niya. 48At kapag nangyari iyon, sisigaw sa kagalakan ang langit at ang lupa, at ang lahat ng nandito dahil sa pagkawasak ng Babilonia. Sapagkat sasalakayin ito ng mga mangwawasak mula sa hilaga. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

49“Kinakailangang wasakin ang Babilonia dahil sa pagpatay niya sa mga Israelita at sa iba pang mga tao sa buong mundo.

Ang Mensahe ng Panginoon sa mga Israelita na nasa Babilonia

50“Kayong mga natitirang buhay, tumakas na kayo mula sa Babilonia at huwag kayong tumigil! Alalahanin nʼyo ang Panginoon at ang Jerusalem kahit na nasa malalayo kayong lugar. 51Sinasabi ninyo, ‘Nahihiya kami. Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan dahil ang templo ng Panginoon ay dinungisan ng mga dayuhan.’ 52Pero darating ang araw na parurusahan ko ang mga dios-diosan ng Babilonia. At ang mga daing ng mga sugatang taga-Babilonia ay maririnig sa buong lupain nila. 53Kahit na umabot pa sa langit ang mga pader ng Babilonia at kahit tibayan pa nila ito nang husto, magpapadala pa rin ako ng wawasak dito. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 54Mapapakinggan ang mga iyakan sa buong Babilonia dahil sa pagkawasak nito. 55Wawasakin ko ang Babilonia at magiging tahimik ito. Sasalakay sa kanya ang mga kaaway na parang umuugong na alon. Maririnig ang sigawan nila sa kanilang pagsalakay. 56Darating ang mga wawasak ng Babilonia at bibihagin ang mga kawal niya, at mababali ang mga pana nila. Sapagkat ako, ang Panginoon, ang Dios na nagpaparusa sa masasama. At parurusahan ko ang Babilonia ayon sa nararapat sa kanya. 57Lalasingin ko ang kanyang mga tagapamahala, marurunong, mga pinuno, mga punong sundalo at ang buong hukbo niya. Mahihimbing sila at hindi na magigising habang panahon. Ako, ang Hari na nagsasabi nito. Panginoong Makapangyarihan ang pangalan ko.”

58Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Wawasakin ang makakapal na pader ng Babilonia at susunugin ang matataas niyang pintuan. Magiging walang kabuluhan ang lahat ng pinaghirapan ng mga mamamayan niya dahil ang lahat ng iyon ay masusunog lang.”

Ang Mensahe ni Jeremias para sa Babilonia

59Ito ang sinabi ni Jeremias kay Seraya na isa sa mga nakakataas na tagapamahala ni Haring Zedekia. Si Seraya ay anak ni Neria at apo ni Maseya. Sinabi ni Jeremias ang mensaheng ito noong pumunta si Seraya sa Babilonia kasama ni Haring Zedekia. Ikaapat na taon noon ng paghahari ni Zedekia sa Juda. 60Isinulat ni Jeremias sa nakarolyong sulatan ang lahat ng kapahamakang darating at mangyayari sa Babilonia. 61Ito ang sinabi ni Jeremias kay Seraya, “Kapag dumating ka sa Babilonia, basahin mo nang malakas sa mga tao ang nakasulat sa kasulatang ito. 62Pagkatapos ay manalangin ka, ‘O Panginoon, sinabi nʼyo po na wawasakin nʼyo ang lugar na ito para walang manirahan dito, maging tao man o hayop, at itoʼy magiging mapanglaw magpakailanman.’ 63Pagkabasa mo nito, talian mo ito ng bato at ihagis sa Ilog ng Eufrates. 64At sabihin mo, ‘Ganyan ang mangyayari sa Babilonia, lulubog ito at hindi na lilitaw pa dahil sa mga kapahamakang ipararanas ng Panginoon sa kanya. Mamamatay ang mga mamamayan niya.’ ”

Ito ang katapusan ng mensahe ni Jeremias.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Иеремия 51:1-64

1Так говорит Вечный:

– Я поднимаю губительный вихрь51:1 Или: «Я возбуждаю дух губителя».

на Вавилон и его жителей51:1 Букв.: «и жителей Лев-Камая». Лев-Камай – криптограмма, обозначающая Вавилон..

2Я пошлю в Вавилон иноземцев;

они развеют его и разграбят его землю,

обступят его со всех сторон

в день бедствий.

3Не давайте лучнику натянуть лук,

не давайте надеть кольчугу.

Не щадите юношей Вавилона,

полностью истребите его войско.

4Падут они мёртвыми в Вавилоне,

смертельно ранеными на его улицах.

5Ведь Исраил с Иудеей не оставлены

их Богом, Вечным, Повелителем Сил,

хотя их земля51:5 Или: «а земля вавилонян». и полна греха

перед святым Богом Исраила.

6Бегите из Вавилона!

Спасайтесь бегством,

чтобы не погибнуть за его грехи!

Настало время возмездия Вечного;

Он воздаст Вавилону по заслугам.

7Вавилон был золотым кубком в руке Вечного;

он напоил всю землю.

Народы пили его вино,

и вот они безумствуют.

8Вавилон внезапно падёт и погибнет.

Рыдайте о нём!

Принесите бальзам для его ран,

может быть, он исцелится.

9– Мы лечили Вавилон,

но нет ему исцеления.

Оставим его, и пусть каждый идёт в свою землю,

так как его кара достигла небес,

поднялась до облаков.

10– Вечный оправдал нас!

Пойдём и поведаем на Сионе

о делах Вечного, нашего Бога.

11Точите стрелы,

готовьте щиты!

Вечный распалил царей Мидии,

потому что решил погубить Вавилон.

Это возмездие Вечного!

Это возмездие за Его храм!

12Поднимите боевое знамя против стен Вавилона!

Усильте охрану,

расставьте дозорных,

устройте засаду!

Что Вечный задумал, то Он и сделает,

что Он сказал о жителях Вавилона, то и исполнит.

13Ты живёшь у великих вод,

богат сокровищами,

но близок твой конец,

пришло твоё время.

14Клянётся Собой Вечный, Повелитель Сил:

«Непременно наполню тебя войсками, Вавилон,

как пожирающей саранчой,

и они поднимут против тебя победный клич».

15Он создал землю Своим могуществом,

утвердил мир Своей мудростью,

распростёр небеса Своим разумом.

16Когда Он возвышает голос, шумят небесные воды;

Он поднимает тучи с края земли.

Он посылает молнии среди ливня

и выпускает ветер из Своих кладовых.

17Все люди глупы и нет у них знания;

всякий плавильщик позорит себя своими идолами.

Его изваяния лживы,

и нет в них дыхания.

18Они ничтожны и смешны;

пробьёт их час, и они будут разрушены.

19Но Вечный, Удел Якуба, не таков, как они,

потому что Он – Творец всего,

и Исраил – народ Его наследия;

Вечный, Повелитель Сил, – вот Его имя.

20– Ты, Вавилон, – Моя булава,

оружие для сражений;

тобой Я сокрушу народы,

тобой Я погублю царства;

21тобой Я сокрушу и коня, и всадника,

тобой Я сокрушу и колесницу, и возничего;

22тобой Я сокрушу и мужчин, и женщин,

тобой Я сокрушу и стариков, и юных,

тобой Я сокрушу и юношей, и девушек;

23тобой Я сокрушу и пастуха, и стадо,

тобой Я сокрушу и пахаря, и волов,

тобой Я сокрушу и правителей, и наместников.

24– На ваших глазах Я воздам Вавилону и всем, кто живёт в землях вавилонян, за всё то зло, какое они причинили Иерусалиму51:24 Букв.: «Сиону»., – возвещает Вечный.

25– Я против тебя, гора погибели,

что губит всю землю, –

возвещает Вечный. –

Я простру на тебя Свою руку

и низвергну тебя со скал;

Я сделаю тебя обгорелой горой.

26Не возьмут из тебя ни камня на угол,

ни камня на фундамент;

ты будешь пребывать в вечном запустении, –

возвещает Вечный. –

27Поднимите боевое знамя над страной!

Трубите в рог среди народов!

Подготовьте народы к войне с Вавилоном;

созовите эти царства, чтобы восстать против него:

Арарат и Минни с Ашкеназом.

Поставьте военачальника против него;

пошлите конницу, как стаю саранчи.

28Приготовьте народы к войне с Вавилоном:

царей Мидии,

их наместников, их начальников

и все подвластные им края.

29Земля содрогается и трепещет;

сбываются замыслы Вечного о Вавилоне –

превратить вавилонский край в пустыню,

где никто не будет жить.

30Перестали сражаться вавилонские воины

и сидят в своих крепостях.

Они истощены,

стали трусливы, как женщины.

Дома Вавилона сожжены,

засовы его ворот сломаны.

31Гонец сменяет гонца,

и вестник идёт за вестником,

чтобы возвестить царю Вавилона,

что весь его город взят,

32что броды уже захвачены,

что укрепления горят

и воины в ужасе.

33Так говорит Вечный, Повелитель Сил, Бог Исраила:

– Дочь Вавилона подобна гумну,

когда люди обмолачивают на нём зерно;

скоро настанет время её жатвы.

34– Навуходоносор, царь Вавилона, пожирал нас,

привёл нас в замешательство,

сделал нас пустым кувшином.

Он глотал нас, как дракон;

набивал свой живот нашими сластями,

но потом извергнул нас.

35Пусть воздастся Вавилону за жестокость против нас51:35 Или: «против нас и наших детей»., –

скажут жители Сиона. –

Пусть воздастся за нашу кровь живущим в стране вавилонян, –

скажут жители Иерусалима.

36Поэтому так говорит Вечный:

– Я заступлюсь за вас

и отомщу за вас.

Я осушу вавилонские реки

и иссушу его источники.

37Вавилон станет грудой развалин,

логовом шакалов,

ужасом и посмешищем,

необитаемой землёй.

38Заревут его жители вместе, как львы,

зарычат, словно львята.

39Когда они разгорячатся,

Я устрою им пир и напою их,

чтобы они развеселились

и потом уснули вечным сном,

и не проснулись больше, –

возвещает Вечный. –

40Сведу их, как ягнят, на убой,

как баранов с козлами.

41О, как будет взят Вавилон51:41 Букв.: «Шешах». См. сноску на 25:26.,

захвачена слава всей земли!

Каким ужасом явится Вавилон

среди народов!

42Море поднимется над Вавилоном,

и ревущие волны покроют его.

43Его города станут пустынями,

иссохшей и безлюдной землёй,

землёй, где никто не живёт,

по которой никто не ходит.

44Я накажу Бела51:44 См. сноску на 50:2. в Вавилоне

и заставлю его извергнуть проглоченное.

Не будут больше стекаться к нему народы,

и падут вавилонские стены.

45Выходи, Мой народ, из Вавилона!

Спасайся бегством от Моего пылающего гнева!

46Не падай духом,

не бойся слухов,

что ходят в стране;

в этом году – один слух,

в следующем – другой;

слухи о зверствах в стране,

о ссорах правителей.

47Ведь непременно настанут дни,

когда Я накажу идолов Вавилона.

Вся его земля будет опозорена,

и падут там все поражёнными.

48А небо, земля и всё, что на ней,

будут кричать от радости,

потому что разорители Вавилона

явятся с севера, –

возвещает Вечный. –

49Падёт Вавилон, потому что убивал исраильтян

и другие народы по всей земле.

50Уцелевшие от меча,

уходите, не мешкайте!

Помните Вечного в дальнем краю

и думайте об Иерусалиме.

51– Мы устыдились,

когда услышали оскорбления,

и позор покрыл наши лица,

когда иноземцы вошли

в святыни дома Вечного.

52– Но наступают дни, – возвещает Вечный, –

когда Я накажу идолов Вавилона,

и по всей его земле застонут раненые.

53Даже если поднимется Вавилон до небес

и укрепит свои высокие крепости,

Я пошлю на него разорителей, –

возвещает Вечный.

54Звук вопля донесётся из Вавилона,

звук великого разрушения – из земли вавилонян.

55Погубит Вечный Вавилон

и заставит его великий шум умолкнуть.

Враги его заревут, как волны могучих вод,

разнесётся шум их голосов.

56Опустошитель придёт в Вавилон;

его воины будут захвачены,

их луки будут сломаны.

Ведь Вечный – это Бог воздаяния,

Он воздаёт сполна.

57– Я напою его вождей и мудрецов,

наместников, начальников и воинов,

и они уснут вечным сном и не проснутся больше, –

возвещает Царь, Чьё имя Вечный, Повелитель Сил.

58Так говорит Вечный, Повелитель Сил:

– Толстые стены Вавилона сровняют с землёй,

а высокие ворота сожгут дотла.

Народы изнуряют себя напрасно,

их труды – лишь пища для огня.

59Вот послание, которое пророк Иеремия вручил главному служащему Серае, сыну Нерии, сыну Махсеи, когда тот уходил в Вавилон с Цедекией, царём Иудеи, в четвёртом году его правления (в 593 г. до н. э.). 60Иеремия записал в свиток все бедствия, которым суждено было случиться с Вавилоном – всё, что было записано о Вавилоне.

61Он сказал Серае:

– Когда придёшь в Вавилон, прочитай все эти слова вслух 62и скажи: «Вечный, Ты сказал, что погубишь этот край, так что не останется в нём ни человека, ни животного, и земля эта будет лежать в вечном запустении». 63Дочитав свиток, привяжи к нему камень и брось в реку Евфрат. 64И скажи: «Так потонет и Вавилон, и он не поднимется больше из-за бедствий, которые Я нашлю на него. И все его жители погибнут».

Здесь кончаются слова Иеремии.