Naligtas sa Kamatayan si Jeremias
1-2Noong pasimula ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Haring Josia ng Juda, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tumayo ka sa bulwagan ng templo ko at magsalita ka sa mga mamamayan ng mga bayan ng Juda na naroon para sumamba. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng ipinapasabi ko at huwag mong babawasan. 3Baka sakaling makinig sila sa iyo at tumalikod sa masama nilang pag-uugali. Kapag ginawa nila ito, hindi ko na itutuloy ang kaparusahang pinaplano ko sa kanila dahil sa masasamang ginagawa nila. 4Sabihin mo sa kanila ang ipinasasabi kong ito, ‘Kung hindi kayo maniniwala sa akin at ayaw ninyong sundin ang mga utos na ibinigay ko sa inyo, 5at kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ng mga lingkod kong propeta na palagi kong sinusugo sa inyo, 6gigibain ko ang templong ito katulad ng ginawa ko sa Shilo. At susumpain ang lungsod na ito ng lahat ng bansa sa buong mundo!’ ”
7Narinig ng mga pari, mga propeta, at ng lahat ng tao na nasa templo ng Panginoon ang sinabing ito ni Jeremias. 8Pagkatapos niya itong sabihin, pinalibutan siya ng mga pari, mga propeta at mga tao, at sinabihan, “Dapat kang mamatay! 9Bakit mo sinabi sa pangalan ng Panginoon na ang templong itoʼy gigibain katulad ng Shilo, at ang lungsod na itoʼy magiging mapanglaw at wala nang maninirahan?” Kaya dinakip nila si Jeremias sa templo ng Panginoon.
10Nang marinig ito ng mga pinuno ng Juda, pumunta sila sa templo. Umupo sila sa dinadaanan sa Bagong Pintuan ng templo para humatol. 11Sinabi ng mga pari at mga propeta sa mga pinuno at sa lahat ng naroroon, “Dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito dahil nagsalita siya laban sa lungsod na ito. Narinig mismo ninyo ang kanyang sinabi.”
12Sinabi naman ni Jeremias sa lahat ng pinuno at sa lahat ng tao na naroroon, “Isinugo ako ng Panginoon para magsalita ng laban sa templo at sa lungsod na ito katulad ng narinig ninyo. 13Kaya baguhin nʼyo na ang inyong pag-uugali at pamumuhay, at sumunod na kayo sa Panginoon na inyong Dios. Sapagkat kung ito ang gagawin nʼyo, hindi na itutuloy ng Panginoon ang sinabi niyang kapahamakan laban sa inyo. 14At tungkol naman sa akin, wala akong magagawa. Gawin nʼyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid para sa inyo. 15Pero tandaan ninyo ito: kung papatayin ninyo ako, mananagot kayo at ang mga mamamayan sa lungsod na ito dahil sa pagpatay nʼyo sa taong walang kasalanan. Sapagkat totoong sinugo ako ng Panginoon para sabihin sa inyo ang lahat ng narinig nʼyo ngayon.”
16Sinabi ng mga pinuno, at ng mga tao sa mga pari at mga propeta, “Hindi dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito dahil nagsasalita siya sa atin sa pangalan ng Panginoon na ating Dios.”
17Pagkatapos, may ilang mga tagapamahala na tumayo sa harap at nagsalita sa mga taong nagtitipon doon, 18“Noong si Hezekia ang hari ng Juda, nagsalita si Micas na taga-Moreshet tungkol sa ipinasasabi ng Panginoon sa lahat ng taga-Juda. Sinabi niya, ‘Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan na wawasakin niya ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Itoʼy matutulad sa inararong bukirin, tambakan ng mga nagibang gusali at magiging kagubatan ang bundok na tinatayuan ng templo.’ 19Pinatay ba siya ni Hezekia o ng sinumang nasa Juda? Hindi! Sa halip, natakot si Hezekia sa Panginoon at lumapit siya sa kanya. Kaya hindi itinuloy ng Panginoon ang sinabi niyang kapahamakan laban sa kanila. Kaya kung papatayin nʼyo si Jeremias, kayo na rin ang magdadala ng kaparusahan sa sarili ninyo.”
20Nang panahon ding iyon, may isa pang nagsalita tungkol sa ipinapasabi ng Panginoon. Siyaʼy si Uria na anak ni Shemaya na taga-Kiriat Jearim. Nagsalita rin siya laban sa lungsod at sa bansang ito katulad ng sinabi ni Jeremias. 21Nang marinig ni Haring Jehoyakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Uria, pinagsikapan nilang patayin ito. Pero nalaman ito ni Uria, kaya tumakas siya papuntang Egipto dahil sa takot. 22Ngunit inutusan ni Haring Jehoyakim si Elnatan na anak ni Acbor at ang iba pang mga tao na pumunta sa Egipto. 23Kinuha nila si Uria roon sa Egipto at dinala kay Haring Jehoyakim, at ipinapatay nila ito sa pamamagitan ng espada, at ipinatapon ang bangkay niya sa libingan para sa mga pangkaraniwang tao.
24Pero si Jeremias ay tinulungan ni Ahikam na anak ni Shafan, kaya hindi siya napatay ng mga tao.
耶利米被捕
1犹大王约西亚的儿子约雅敬执政初期,耶和华对耶利米说: 2“这是耶和华说的,‘你要站在我殿的院子里,把我吩咐你的话一字不漏地告诉从犹大各城前来敬拜的人。 3或许他们会听从我的话,改邪归正,那样我会施怜悯,取消原本用来惩治他们罪恶的灾祸。 4你要告诉他们,耶和华这样说,“如果你们不听从我的话,不遵行我赐给你们的律法, 5不听从我屡次派我的仆人——众先知传给你们的话, 6我必使这殿像示罗一样被毁,使耶路撒冷被万国咒诅。”’”
7祭司、先知和民众都听见了耶利米在耶和华的殿里说的这些话。 8耶利米传达完耶和华的话之后,祭司、先知和民众就抓住他,说:“你真该死! 9你为什么奉耶和华的名预言这殿必像示罗一样被毁,这城必要荒无人烟呢?”于是,他们在耶和华的殿里把耶利米围了起来。
10犹大的首领得知后,就离开王宫,上到耶和华的殿,坐在耶和华殿新门的入口。 11祭司和先知对官员和民众说:“这人该被处死!因为他预言这城要被毁,这是你们亲耳听到的。”
12耶利米对官员和民众说:“你们刚才听见的这些关于这殿和这城的预言都是耶和华差我说的。 13你们要改邪归正,听从你们上帝耶和华的话,这样耶和华必施怜悯,取消本来要降给你们的灾祸。 14至于我,我已落在你们手中,你们认为怎样好就怎样待我吧! 15不过,你们要知道,如果你们置我于死地,你们和这城及城中的居民必担当滥杀无辜的罪,因为确实是耶和华派我来告诉你们这些预言的。”
16官员和民众便对祭司和先知说:“这人不该被处死,因为他是奉我们上帝耶和华的名对我们说话。” 17有几个长老站起来对众人说: 18“犹大王希西迦执政期间,摩利沙人弥迦对犹大众人预言说,
“‘万军之耶和华说锡安必被夷为平地,
耶路撒冷必沦为废墟,
圣殿山要成为一片荒林。’
19“但犹大王希西迦和犹大众人并没有处死他。希西迦敬畏耶和华,求祂开恩,耶和华才施怜悯,没有把原本预备的灾祸降给他们。若处死这人,我们会大祸临头。”
20当时,基列·耶琳人示玛雅的儿子乌利亚也奉耶和华的名预言这城和这地方将被毁,内容与耶利米说的一样。 21约雅敬王和他的王公大臣听见乌利亚的话,就想处死他。乌利亚得知后,吓得逃到埃及去了。 22约雅敬王便派亚革波的儿子以利拿单率随从去埃及捉拿他。 23他们把乌利亚从埃及押到约雅敬王面前,王用刀杀了他,把尸首抛在平民的坟地中。 24然而,沙番的儿子亚希甘保护耶利米,他才没被交给民众处死。