Jeremias 19 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 19:1-15

Ang Basag na Banga

1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Bumili ka ng banga sa magpapalayok. Pagkatapos, magsama ka ng mga tagapamahala ng mga tao at tagapamahala ng mga pari, 2at pumunta kayo sa Lambak ng Ben Hinom malapit sa Pintuan na Pinagtatapunan ng mga Basag na Palayok. At doon mo sabihin ang sinabi ko sa iyo. 3Sabihin mo, ‘Mga hari ng Juda at mga taga-Jerusalem, pakinggan nʼyo ang mensahe ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel. Ito ang sinabi niya: Magpapadala ako ng malagim na kapahamakan sa lugar na ito at ang sinumang makakarinig tungkol dito ay talagang matatakot. 4Gagawin ko ito dahil itinakwil ako ng mga mamamayan ko at ginawa nilang handugan ng mga handog na sinusunog para sa mga dios-diosan ang kapatagang ito. Hindi naman nila kilala ang mga dios-diosang ito, at hindi rin kilala ng mga ninuno nila o ng mga hari sa Juda. Pumatay pa sila ng mga walang malay na bata sa lugar na ito. 5Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal, at sinunog nila roon ang mga anak nila bilang mga handog sa kanya. Hindi ko ito iniutos sa kanila, ni hindi man lang ito pumasok sa isip ko. 6Kaya mag-ingat kayo, dahil ako, ang Panginoon ay nagsasabing darating ang panahon na ang lugar na itoʼy hindi na tatawaging Tofet o Lambak ng Ben Hinom, kundi Lambak ng Patayan. 7Sisirain ko sa lugar na ito ang binabalak ng Juda at Jerusalem. Ipapapatay ko sila sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng digmaan, at ipapakain ko ang mga bangkay nila sa mga ibon at mga hayop sa gubat. 8Wawasakin ko ang lungsod na ito at hahamakin. Ang mga dumadaan ay mangingilabot at halos hindi makapaniwala dahil sa nangyari rito. 9Papalibutan ng mga kaaway ang lungsod na ito hanggang sa ang mga mamamayan dito ay maubusan ng pagkain. Kaya kakainin nila ang kapwa nila at pati na ang sarili nilang anak.’ ”

10Pagkatapos ay sinabi sa akin ng Panginoon, “Basagin mo ang banga sa harap ng mga taong sumama sa iyo. 11Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoong Makapangyarihan ay nagsasabing wawasakin ko ang bansa ng Juda at ang lungsod ng Jerusalem katulad ng pagbasag ko sa bangang ito na hindi na muling mabubuo. Ililibing nila ang maraming bangkay sa Tofet hanggang sa wala nang mapaglibingan. 12Ito ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga mamamayan nito. Ituturing itong marumi gaya ng Tofet. 13Ang lahat ng bahay sa Jerusalem, pati ang palasyo ng hari ng Juda ay ituturing na marumi katulad ng Tofet. Sapagkat sa bubungan ng mga bahay na ito ay nagsunog sila ng mga insenso para sa kanilang dios na mga bituin, at nag-alay ng mga handog na inumin para sa mga dios.”

14Nang masabi na ni Jeremias ang ipinapasabi ng Panginoon, umalis siya sa Tofet at pumunta sa bulwagan ng templo ng Panginoon at sinabi sa mga tao, 15“Makinig kayo, dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel: Ipapadala ko sa lungsod na ito at sa mga baryo sa palibot ang sinabi kong parusa dahil matigas ang ulo nila at ayaw nilang makinig sa mga sinabi ko.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 19:1-15

瓦瓶的比喻

1耶和华对我说: 2“你去向陶匠买一个瓦瓶,带着百姓和祭司中的一些首领到哈珥西19:2 哈珥西”意思是“碎陶片”。城门旁的欣嫩子谷,在那里宣告我的话。 3你要说,‘犹大王和耶路撒冷的居民啊,你们要听耶和华的话!以色列的上帝——万军之耶和华说,看啊,我要在这里降下灾祸,听见这消息的人都必耳鸣。 4因为他们背弃了我,玷污了这地方。他们向自己、自己的祖先及犹大君王都不认识的神明烧香,使这地方流满了无辜人的血。 5他们为巴力建丘坛,烧死自己的儿子作燔祭献给巴力。我从未吩咐他们这样做,连提都没提过,连想都没想过。 6因此,看啊,时候将到,这地方不再叫陀斐特欣嫩子谷,要叫杀戮谷。这是耶和华说的。 7我要在这地方挫败犹大人和耶路撒冷居民的计谋,使他们丧身在敌人刀下,死在仇敌手中,尸体成为飞鸟和野兽的食物。 8我必摧毁这城,使它令人惊惧、嗤笑,它的满目疮痍必令路人惊惧、嗤笑。 9我必使他们在敌人的围困之下陷入绝境,吃儿女和亲友的肉。’

10耶利米啊,你要在同去的人面前打碎瓦瓶, 11然后告诉他们万军之耶和华说,‘我要把这百姓和这城打得粉碎,正如人打碎瓦瓶一样,再也不能修复。人们要在陀斐特埋死人,直到无处可埋。 12我必这样惩罚这城和其中的居民,使这城像陀斐特一样。这是耶和华说的。 13耶路撒冷的房屋和犹大君王的宫殿将被玷污,像陀斐特一样,因为他们在房顶向天上的万象烧香,向别的神明奠酒。’”

14耶利米奉耶和华之命到陀斐特说预言回来后,站在耶和华殿的院子中对百姓说: 15以色列的上帝——万军之耶和华说,‘看啊,我要把我说过的灾祸降在这城及其周围的村庄,因为他们顽固不化,不肯听我的话。’”