Jeremias 14 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 14:1-22

Ang Matinding Tagtuyot sa Juda

1Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon tungkol sa mahabang tagtuyot: 2“Nagluluksa ang Juda; ang mga lungsod niyaʼy nanlulupaypay. Nakaupo ang mga mamamayan niya sa lupa na umiiyak, at naririnig ang iyakan sa Jerusalem. 3Inutusan ng mayayaman ang mga alipin nila na umigib ng tubig. Pumunta sila sa mga balon pero walang tubig doon. Kaya bumalik silang walang laman ang mga lalagyan, at nagtakip ng mga ulo dahil sa matinding hiya. 4Nabitak ang lupa dahil walang ulan. At dahil sa hinagpis, tinakpan ng mga magbubukid ang mga ulo nila. 5Kahit ang usa ay iniwanan ang anak niya na kasisilang pa lang dahil wala nang sariwang damo. 6Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat.14:6 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.” Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.”

7Sinabi ng mga tao, “O Panginoon, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Pero tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng pangalan ninyo. 8O Panginoon, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit naging parang dayuhan kayo rito sa amin? Bakit po kayo parang manlalakbay na tumitigil lang ng isang gabi sa bansa namin? 9Katulad rin po ba kayo ng taong walang magagawa at sundalong walang kakayahang magligtas? Kasama namin kayo, O Panginoon, at kami ay inyong mga mamamayan, kaya huwag nʼyo po kaming pababayaan.”

10Ito ang sagot ng Panginoon sa mga tao: “Talagang gusto na ninyong lumayo sa akin; ang sarili lang ninyong kagustuhan ang inyong sinusunod. Kaya ayaw ko na kayong tanggapin bilang aking mga mamamayan. Hindi ko makakalimutan ang kasamaan ninyo at parurusahan ko kayo.”

11Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang mananalangin para sa kabutihan ng mga taong ito. 12Kahit mag-ayuno pa sila, hindi ko diringgin ang paghingi nila ng tulong sa akin. Kahit na maghandog pa sila ng mga handog na sinusunog at handog na pagpaparangal sa akin, hindi ko iyon tatanggapin. Sa halip, papatayin ko sila sa pamamagitan ng digmaan, gutom, at salot.”

13Pero sinabi ko, “O Panginoong Dios, alam nʼyo po na laging sinasabi sa kanila ng mga propeta na wala raw digmaan o taggutom na darating dahil sinabi nʼyo raw na bibigyan nʼyo sila ng kapayapaan sa bansa nila.” 14Sumagot ang Panginoon, “Ang mga propetang iyan ay nanghuhula ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo at hindi ako nagsalita sa kanila. Hindi galing sa akin ang mga pangitaing sinasabi nila sa inyo; walang kabuluhan at mga kathang-isip lang ang mga inihuhula nila. 15Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga sinungaling na propetang iyan. Nagsasalita sila sa pangalan ko kahit na hindi ko sila sinugo. Sinasabi nilang walang darating na digmaan o taggutom sa bansang ito, pero sa digmaan at taggutom sila mapapahamak. 16At tungkol naman sa mga taong naniniwala sa sinabi nila, ang mga bangkay nilaʼy itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem. Mamamatay sila sa digmaan at taggutom. Walang maglilibing sa kanila, sa mga asawa nila, at sa mga anak nila. Papatawan ko sila ng parusang nararapat sa kanila.

17Jeremias, sabihin mo ito sa mga tao: Araw-gabi, walang tigil ang pag-iyak ko dahil malubha ang sugat ng mga mamamayan ko na aking itinuturing na birheng anak, at totoong nasasaktan ako. 18Kung pupunta ako sa mga bukid at lungsod, nakikita ko ang mga bangkay ng mga namatay sa digmaan at taggutom. Ang mga propeta at pari ay patuloy sa gawain nila pero hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.”14:18 patuloy … nila: o, dinala sa mga lupain na hindi nila alam.

Lumapit ang mga Tao sa Panginoon

19O Panginoon, talaga bang itinakwil nʼyo na ang Juda? Talaga bang galit po kayo sa Jerusalem?14:19 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. Bakit nʼyo po kami pinarusahan ng ganito at parang wala na kaming pag-asang gumaling? Umasa po kaming bibigyan nʼyo kami ng kapayapaan, pero hindi naman ito dumating. Umasa po kaming mapapabuti ang kalagayan namin, pero takot ang dumating sa amin. 20O Panginoon, kinikilala namin ang kasamaan namin, pati ang kasalanan ng mga ninuno namin. Nagkasala po kami sa inyo. 21Huwag nʼyo po kaming itakwil, alang-alang sa karangalan ng pangalan ninyo. Huwag nʼyo pong ilagay sa kahihiyan ang marangal nʼyong trono. Alalahanin nʼyo po ang kasunduan nʼyo sa amin. Nawaʼy huwag nʼyo itong sirain. 22Wala ni isang walang kwentang mga dios-diosan ng mga bansa ang makapagpapaulan o makapagpapaambon. Kahit ang langit mismo ay hindi makapagpapaulan. Kayo lang, Panginoon na aming Dios ang tanging makakagawa nito, kaya sa inyo po kami nagtitiwala.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 14:1-22

预言旱灾

1耶和华告诉耶利米有关旱灾的事:

2犹大充满悲泣,

她的城邑衰败,

人人坐在地上痛哭,

耶路撒冷哀鸣四起。

3贵族派仆人去水池打水,

仆人去那里发现没有水,

就带着空瓶垂头丧气、

羞愧难当地回去了。

4天不下雨,

土地干裂,

农夫沮丧地抱着头。

5因为没有草,

田野的母鹿抛弃了刚生下来的小鹿;

6因为没有草,

野驴站在光秃的山头上像豺狼一样喘气,双目无神。”

7耶和华啊,虽然我们的罪控告我们,

我们屡屡叛逆得罪你,

求你为了自己的尊名而拯救我们。

8以色列的盼望和患难时的救主啊,

你为什么在这里像一个异乡人,

像一个只住一夜的旅客呢?

9你为什么像一个受惊的人,

像一个无力救人的勇士呢?

耶和华啊,你一直都在我们中间,

我们属于你的名下,

求你不要抛弃我们。

10论到这些百姓,耶和华这样说:

“他们喜欢流浪,

不约束自己的脚步,

因此耶和华不喜欢他们。

现在祂要清算他们的罪恶,

追讨他们的罪。”

11耶和华对我说:“你不要为这百姓祷告。 12他们禁食,我也不会听他们的呼求;他们献上燔祭和素祭,我也不会悦纳。我要用战争、饥荒和瘟疫灭绝他们。” 13我说:“主耶和华啊!众先知不停地告诉他们不会有战争,也不会遭遇饥荒,说耶和华必在这地方赐给他们永久的平安。”

14耶和华对我说:“那些先知奉我的名说假预言,我并没有差派他们,没有委任他们,也没有对他们说话。他们对你们说的预言是假异象,是占卜,是凭空捏造。 15我没有差派他们,他们却奉我的名说这地方必没有战争和饥荒。他们必死于战争和饥荒。这是耶和华说的。 16至于听他们说预言的人以及那些人的妻子儿女,必因饥荒和战争而暴尸耶路撒冷街头。因为我要使他们受到应得的报应。

17耶利米,你要对他们说,

‘让我昼夜泪眼汪汪吧,

因为我的同胞遭受重创,

遍体鳞伤。

18我走到田间,

眼前是具具被杀的尸体;

我进入城里,

见饥荒肆虐,

祭司和先知也流亡异乡14:18 祭司和先知也流亡异乡”或译“连祭司和先知也浑浑噩噩,不知道自己做什么”。。’”

19耶和华啊,你完全丢弃犹大了吗?

你厌恶锡安吗?

你为什么把我们打得伤痕累累,以致无法医治?

我们期待平安,却没有平安;

渴望得到医治,却饱受惊吓。

20耶和华啊,我们承认自己和我们祖先的罪,

我们都得罪了你。

21为了你的尊名,

求你不要厌恶我们,

不要让你荣耀的宝座蒙羞。

求你顾念你与我们立的约,

不要废除它。

22在列国供奉的偶像中,

谁能赐下雨水呢?

天能自降甘霖吗?

我们的上帝耶和华啊,

难道不是只有你能行这些事吗?

是你赐雨水降甘霖,

所以我们仰望你。