Jeremias 1 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 1:1-19

1Ito ang mga mensahe ni Jeremias na anak ni Hilkia. Si Hilkia ay isa sa mga pari sa Anatot, sa lupain ng lahi ni Benjamin. 2Ibinigay ng Panginoon kay Jeremias ang kanyang mensahe noong ika-13 taon ng paghahari ni Josia sa Juda. Si Josia ay anak ni Ammon. 3Patuloy na nagbigay ng mensahe ang Panginoon kay Jeremias hanggang sa panahon ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Josia at hanggang sa ika-11 taon ng paghahari ni Zedekia na anak rin ni Josia. Nang ikalimang buwan ng taon na iyon, binihag ang mga taga-Jerusalem.

Ang Pagtawag kay Jeremias

4Sinabi sa akin ng Panginoon, 5Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili1:5 pinili: o, kilala. na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

6Sumagot ako, “Panginoong Dios, hindi po ako magaling magsalita, dahil bata pa ako.” 7Pero sinabi ng Panginoon sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo. 8Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

9Pagkatapos, hinipo ng Panginoon ang mga labi ko at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo. 10Sa araw na ito binibigyan kita ng kapangyarihang magsalita sa mga bansa at mga kaharian. Sabihin mo na babagsak ang iba sa kanila at mawawasak, at ang iba naman ay muling babangon at magiging matatag.”

11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendro.” 12Sinabi ng Panginoon, “Tama ka, at nangangahulugan iyan na nagbabantay1:12 nagbabantay: Ang Hebreo nito ay katunog ng salitang almendro. ako para tiyaking matutupad ang mga sinabi ko.” 13Muling nagtanong ang Panginoon sa akin, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang palayok po na kumukulo ang laman at nakatagilid ito sa gawing hilaga.” 14Sinabi ng Panginoon, “Tama, sapagkat may panganib mula sa hilaga na darating sa lahat ng mamamayan sa lupaing ito. 15Ipapadala ko ang mga sundalo ng mga kaharian mula sa hilaga para salakayin ang Jerusalem. Ilalagay ng kanilang mga hari ang mga trono nila sa mga pintuan ng Jerusalem.1:15 Ilalagay … ng Jerusalem: Ang ibig sabihin, ang mga hari mula sa hilaga ay may kapangyarihan na sa Jerusalem, dahil noon, sa mga pintuan ng bayan namamahala o humahatol ang mga hari. Gigibain nila ang mga pader sa palibot nito at ang iba pang mga bayan ng Juda. 16Parurusahan ko ang mga mamamayan ko dahil sa kasamaan nila. Itinakwil nila ako sa pamamagitan ng paghahandog nila ng insenso sa mga dios-diosan. At sinamba nila ang mga dios-diosan na sila lang din ang gumawa. 17Jeremias, ihanda mo ang sarili mo. Humayo ka at sabihin sa kanila ang lahat ng ipinapasabi ko sa iyo. Huwag kang matakot sa kanila. Sapagkat kung ikaw ay matatakot, lalo kitang tatakutin sa harap nila. 18Makinig ka! Patatatagin kita ngayon tulad ng napapaderang lungsod, o ng bakal na haligi o ng tansong pader. Walang makakatalo sa iyo na hari, mga pinuno, mga pari, o mga mamamayan ng Juda. 19Kakalabanin ka nila, pero hindi ka nila matatalo, dahil sasamahan at tutulungan kita. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Persian Contemporary Bible

ارميا 1:1-19

1اين كتاب شامل پيامهايی است كه خدا به اِرميا پسر حلقيا داد. ارميا يكی از كاهنان شهر عناتوت (واقع در سرزمين بنيامين) بود. 2نخستين پيام، در سال سيزدهم سلطنت يوشيا (پسر آمون)، پادشاه يهودا، بر ارميا نازل شد. 3پيامهای ديگری نيز در دورهٔ سلطنت يهوياقيم (پسر يوشيا) تا يازدهمين سال پادشاهی صدقيا (پسر يوشيا)، بر او نازل شد. در ماه پنجم همين سال بود كه اورشليم به تصرف درآمد و اهالی شهر اسير و تبعيد شدند.

دعوت ارميا

4‏-5خداوند به من فرمود: «پيش از آنكه در رحم مادرت شكل بگيری تو را انتخاب كردم. پيش از اينكه چشم به جهان بگشايی، تو را برگزيدم و تعيين كردم تا در ميان مردم جهان پيام‌آور من باشی.»

6اما من گفتم: «خداوندا، اين كار از من ساخته نيست! من جوانی كم سن و بی‌تجربه هستم!»

7خداوند فرمود: «چنين مگو! چون به هر جايی كه تو را بفرستم، خواهی رفت و هر چه به تو بگويم، خواهی گفت. 8از مردم نترس، زيرا من با تو هستم و از تو محافظت می‌كنم.»

9آنگاه دست بر لبهايم گذارد و گفت: «اينک كلام خود را در دهانت گذاشتم! 10از امروز رسالت تو آغاز می‌شود! تو بايد به قومها و حكومتها هشدار دهی و بگويی كه من برخی از ايشان را ريشه‌كن كرده، از بين خواهم برد و برخی ديگر را پا برجا نگاه داشته، تقويت خواهم كرد.»

دو رؤيا

11سپس فرمود: «ارميا، نگاه كن! چه می‌بينی؟»

گفتم: «شاخه‌ای از درخت بادام!»

12فرمود: «چنين است! و اين بدان معناست كه مراقب خواهم بود تا هر آنچه گفته‌ام، انجام شود1‏:12 در عبری واژه‌های «مراقب بودن» و «بادام» شبيه يکديگرند.‏

13بار ديگر خداوند از من پرسيد: «حالا چه می‌بينی؟»

جواب دادم: «يک ديگ آب جوش كه از سوی شمال بر اين سرزمين فرو می‌ريزد.»

14فرمود: «آری، بلايی از سوی شمال بر تمام اهالی اين سرزمين نازل خواهد شد. 15من سپاهيان مملكتهای شمالی را فرا خواهم خواند تا به اورشليم آمده تخت فرمانروايی خود را كنار دروازه‌های شهر بر پا دارند و همهٔ حصارهای آن و ساير شهرهای يهودا را تسخير كنند. 16اينست مجازات قوم من به سبب شرارتهايشان! آنها مرا ترک گفته، خدايان ديگر را می‌پرستند و در برابر بتهايی كه خود ساخته‌اند، سجده می‌كنند.

17«حال، برخيز و آماده شو و آنچه كه من می‌گويم به ايشان بگو. از آنها مترس و گرنه كاری می‌كنم كه در برابر آنها آشفته و هراسان شوی! 18امروز تو را در برابر آنها همچون شهری حصاردار و ستونی آهنين و ديواری برنجين، مقاوم می‌سازم تا در برابر تمام افراد اين سرزمين بايستی، در برابر پادشاهان يهودا، بزرگان، كاهنان و همهٔ مردم. 19آنها با تو به ستيز برخواهند خاست، اما كاری از پيش نخواهند برد، چون من، خداوند، با تو هستم و تو را رهايی خواهم داد.»