Isaias 64 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 64:1-12

1Panginoon, punitin nʼyo po ang kalangitan. Bumaba kayo, at yayanig ang mga bundok kapag nakita kayo. 2Kung papaanong ang apoy ay nakapagpapaliyab ng tuyong mga sanga at nakapagpapakulo ng tubig, ang pagdating naman ninyo ay makapagpapanginig ng mga bansang kaaway nʼyo, at malalaman nila kung sino kayo. 3Noong bumaba po kayo at gumawa ng mga kahanga-hangang mga bagay na hindi namin inaasahan, nayanig ang mga bundok sa inyong presensya. 4Mula noon hanggang ngayon wala pang nakarinig o nakakita ng Dios na katulad nʼyo na tumutulong sa mga nagtitiwala sa kanya. 5Tinatanggap nʼyo ang mga nagagalak na gumawa ng matuwid at sumusunod sa inyong mga pamamaraan. Pero nagalit po kayo sa amin dahil patuloy naming sinusuway ang inyong mga pamamaraan. Kaya papaano kami maliligtas? 6Kaming lahat ay naging parang maruming bagay, at ang lahat ng aming mabubuting gawa ay parang maruming basahan. Kaming lahat ay parang dahong natutuyo, at ang aming kasamaan ay parang hangin na tumatangay sa amin. 7Wala kahit isa man sa amin ang humihiling at nagsusumikap na kumapit sa inyo. Sapagkat lumayo po kayo sa amin, at pinabayaan nʼyo kaming mamatay dahil sa aming mga kasalanan. 8Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang gumawa sa aming lahat. 9Panginoon, huwag nʼyo naman pong lubusin ang inyong galit sa amin o alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na dinggin nʼyo kami, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan. 10Ang mga banal nʼyong lungsod, pati ang Jerusalem ay naging parang ilang na walang naninirahan. 11Nasunog ang aming banal at magandang templo, kung saan po kayo sinasamba ng aming mga ninuno. Nawasak ang lahat ng bagay na mahalaga sa amin. 12Sa kalagayan naming ito, Panginoon, kami po ba ay ayaw nʼyo pa ring tulungan? Kayo po ba ay tatahimik na lamang, at parurusahan kami ng lubusan?

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以赛亚书 64:1-12

1愿你裂天而降!

愿群山在你面前战抖!

2求你使敌人认识你的威名,

使列国在你面前颤抖,

如火烧干柴使水沸腾。

3你曾降临,行超乎我们预料的可畏之事,

那时群山在你面前战抖。

4自古以来,从未见过,

也未听过有任何神明像你一样为信奉他的人行奇事。

5你眷顾乐于行义、遵行你旨意的人。

我们不断地犯罪惹你发怒,

我们怎能得救呢?

6我们的善行不过像肮脏的衣服,

我们都像污秽的人,

像渐渐枯干的叶子,

我们的罪恶像风一样把我们吹去。

7无人呼求你,

无人向你求助,

因为你掩面不理我们,

让我们在自己的罪中灭亡。

8但耶和华啊,你是我们的父亲。

我们是陶泥,你是窑匠,

你亲手造了我们。

9耶和华啊,求你不要大发烈怒,

不要永远记着我们的罪恶。

我们都是你的子民,

求你垂顾我们。

10你的众圣城已沦为荒场,

甚至锡安已沦为荒场,

耶路撒冷已沦为废墟。

11我们那圣洁、华美的殿——我们祖先颂赞你的地方已被焚毁,

我们珍爱的一切都被摧毁。

12耶和华啊,你怎能坐视不理呢?

你仍然保持缄默,使我们重重地受罚吗?