Isaias 60 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 60:1-22

Ang Kadakilaan ng Jerusalem sa Hinaharap

1“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, dahil dumating na ang kaligtasan60:1 kaligtasan: sa literal, ilaw. mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng Panginoon. 2Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, pero ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Panginoon. 3Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari. 4Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.60:4 Para silang mga batang kinakarga dahil tinutulungan sila ng mga taga-Persia sa kanilang pag-uwi. 5Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo. 6Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang Panginoon. 7Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng Panginoon para siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng Panginoon ang kanyang templo. 8-9Maglalayag ang mga barko na parang mga ulap na lumilipad at parang mga kalapating papunta sa kanilang mga pugad. Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar,60:8-9 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat. na umaasa sa Panginoon.60:8-9 sa Panginoon: sa Hebreo, sa akin. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarshish para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa Panginoon na iyong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”

10Sinasabi ng Panginoon sa Jerusalem: “Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti. 11Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi para tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo. 12Sapagkat lubusang mawawasak ang mga bansa at kahariang hindi maglilingkod sa iyo. 13Ang kayamanan ng Lebanon ay magiging iyo – ang kanilang mga puno ng pino, enebro at sipres,60:13 sipres: o, “pine tree.” para mapaganda ang templo na aking tinitirhan. 14Ang mga anak ng mga umapi sa iyo ay lalapit sa iyo at magbibigay galang. Luluhod sa paanan mo ang mga humamak sa iyo, at ikaw ay tatawagin nilang, ‘Lungsod ng Panginoon’ o ‘Zion, ang Lungsod ng Banal na Dios ng Israel.’ 15Kahit na itinakwil at inusig ka, at walang nagpahalaga sa iyo, gagawin kitang dakila magpakailanman at ikaliligaya ito ng lahat ng salinlahi. 16Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang Panginoon, ang iyong Tagapagligtas at Tagapagpalaya, ang Makapangyarihang Dios ni Jacob. 17Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran. 18Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

19“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, dahil ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Dios, ang iyong tanglaw.60:19 tanglaw: sa literal, kagandahan. 20Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. At mawawala na ang iyong mga pagtitiis. 21Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan. 22Kakaunti sila, pero dadami sila. Mga kapus-palad sila, pero sila ay magiging makapangyarihang bansa. Ako, ang Panginoon, ang gagawa nito pagdating ng takdang panahon.”

New International Reader’s Version

Isaiah 60:1-22

Zion Will Be Glorious

1“People of Jerusalem, get up.

Shine, because your light has come.

The glory of the Lord will shine on you.

2Darkness covers the earth.

Thick darkness spreads over the nations.

But I will rise and shine on you.

My glory will appear over you.

3Nations will come to your light.

Kings will come to the brightness of your new day.

4“Look up. Look all around you.

All your people are getting together to come back to you.

Your sons will come from far away.

Your daughters will be carried on the hip like little children.

5Then your face will glow with joy.

Your heart will beat fast because you are so happy.

Wealth from across the ocean will be brought to you.

The riches of the nations will come to you.

6Herds of young camels will cover your land.

They will come from Midian and Ephah.

They will also come from Sheba.

They’ll carry gold and incense.

And people will shout praises to me.

7All of Kedar’s flocks will be gathered to you.

The rams of Nebaioth will serve as your sacrifices.

I will accept them as offerings on my altar.

That is how I will bring honor to my glorious temple.

8“Whose ships are these that sail along like clouds?

They fly like doves to their nests.

9People from the islands are coming to me.

The ships of Tarshish are out in front.

They are bringing your children back from far away.

Your children are bringing their silver and gold with them.

They are coming to honor me.

I am the Lord your God.

I am the Holy One of Israel.

I have honored you.

10“People from other lands will rebuild your walls.

Their kings will serve you.

When I was angry with you, I struck you.

But now I will show you my tender love.

11Your gates will always stand open.

They will never be shut, day or night.

Then people can bring you the wealth of the nations.

Their kings will come along with them.

12The nation or kingdom that will not serve you will be destroyed.

It will be completely wiped out.

13“Lebanon’s glorious trees will be brought to you.

Its junipers, firs and cypress trees will be brought.

They will be used to make my temple beautiful.

And I will bring glory to the place where my throne is.

14The children of those who crush you will come and bow down to you.

All those who hate you will kneel down at your feet.

Jerusalem, they will call you the City of the Lord.

They will name you Zion, the City of the Holy One of Israel.

15“You have been deserted and hated.

No one even travels through you.

But I will make you into something to be proud of forever.

You will be a place of joy for all time to come.

16You will get everything you need from kings and nations.

You will be like children who are nursing

at their mother’s breasts.

Then you will know that I am the one who saves you.

I am the Lord. I set you free.

I am the Mighty One of Jacob.

17Instead of bronze I will bring you gold.

In place of iron I will give you silver.

Instead of wood I will bring you bronze.

In place of stones I will give you iron.

I will make peace govern you.

I will make godliness rule over you.

18People will no longer harm one another in your land.

They will not wipe out or destroy anything inside your borders.

You will call your walls Salvation.

And you will name your gates Praise.

19You will not need the light of the sun by day anymore.

The bright light of the moon will no longer have to shine on you.

I will be your light forever.

My glory will shine on you.

I am the Lord your God.

20Your sun will never set again.

Your moon will never lose its light.

I will be your light forever.

Your days of sorrow will come to an end.

21Then all your people will do what is right.

The land will belong to them forever.

They will be like a young tree I have planted.

My hands have created them.

They will show how glorious I am.

22The smallest family among you will become a tribe.

The smallest tribe will become a mighty nation.

I am the Lord.

When it is the right time, I will act quickly.”