Isaias 25 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 25:1-12

Purihin ang Dios

1Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon. 2Winasak mo ang mga lungsod ng taga-ibang bansa pati ang may mga pader. Winasak mo rin ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod, at hindi na nila ito maitatayong muli. 3Kaya pararangalan ka ng mga taong makapangyarihan at igagalang ka ng mga malulupit na mga bansa. 4Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na taoʼy parang bagyo na humahampas sa pader, 5at parang init sa disyerto. Pero pinatahimik mo ang sigawan ng mga dayuhan. Pinatigil mo ang awitan ng malulupit na mga tao, na parang init na nawala dahil natakpan ng ulap.

6Dito sa Bundok ng Zion, ang Panginoong Makapangyarihan ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda. 7At sa bundok ding ito, papawiin niya ang kalungkutan25:7 kalungkutan: sa literal, belo, na isinusuot ng tao noong unang panahon sa kanilang pagluluksa. ng mga tao sa lahat ng bansa. 8Aalisin din ng Panginoong Dios ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.

9Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”

10Talagang tutulungan ng Panginoon ang Bundok ng Zion, pero parurusahan niya ang Moab. Tatapakan niya ito na parang dayami sa tapunan ng dumi. 11Pagsisikapan nilang makaligtas sa kalagayang iyon na parang taong kakampay-kampay sa tubig. Pero kahit na magaling silang lumangoy, ilulubog pa rin sila ng Panginoon. Ibabagsak sila dahil sa kanilang pagmamataas. 12Wawasakin niya ang kanilang mataas at matibay na pader hanggang sa madurog at kumalat ito sa lupa.

New International Reader’s Version

Isaiah 25:1-12

A Song of Praise to the Lord

1Lord, you are my God.

I will honor you.

I will praise your name.

You have been perfectly faithful.

You have done wonderful things.

You had planned them long ago.

2You have turned cities into piles of trash.

You have pulled down the high walls that were around them.

You have destroyed our enemies’ forts.

They will never be rebuilt.

3Powerful nations will honor you.

Even sinful people from their cities will have respect for you.

4Poor people have come to you for safety.

You have kept needy people safe when they were in trouble.

You have been a place to hide when storms came.

You have been a shade from the heat of the sun.

Evil people attack us.

They are like a storm beating against a wall.

5They are like the heat of the desert.

You stopped the noisy shouts of our enemies.

You kept them from winning the battle over us and singing about it.

You are like the shadow of a cloud that cools the earth.

6On Mount Zion the Lord who rules over all will prepare

a feast for all the nations.

The best and richest foods

and the finest aged wines will be served.

7On that mountain the Lord will destroy

the veil of sadness that covers all the nations.

He will destroy the gloom that is spread over everyone.

8He will swallow up death forever.

The Lord and King will wipe away the tears

from everyone’s face.

He will remove the shame of his people

from the whole earth.

The Lord has spoken.

9At that time they will say,

“He is our God.

We trusted in him, and he saved us.

He is the Lord. We trusted in him.

Let us be filled with joy because he saved us.”

10The Lord’s power will keep Mount Zion safe.

But the people of Moab will be crushed in their land.

They will be crushed just as straw is crushed in animal waste.

11They will try to swim their way out of it.

They will spread out their hands in it,

just as swimmers spread out their hands to swim.

But God will bring down Moab’s pride.

None of their skill will help them.

12He will pull down their high, strong walls.

He will bring them down to the ground.

He’ll bring them right down to the dust.