Isaias 22 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 22:1-25

Ang Mensahe tungkol sa Jerusalem

1Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Lambak ng Pangitain.22:1 Lambak ng Pangitain: Maaaring ang Jerusalem.

Ano ang nangyayari? Bakit kayo umaakyat sa mga bubong? 2Nagkakagulo at nagsisigawan ang mga tao sa bayan. Ang mga namatay sa inyo ay hindi sa digmaan namatay. 3Ang lahat ninyong pinuno ay nagsitakas at nahuli nang walang kalaban-laban. Ang ilan sa inyo ay tumangkang tumakas, pero nahuli pa rin. 4Hayaan ninyo akong umiyak para sa aking mga kababayan na namatay. Huwag ninyo akong aliwin. 5Sapagkat itinakda ng Panginoong Dios na Makapangyarihan ang araw na ito ng pagkakagulo, pagtatakbuhan, at pagkalito ng mga tao sa Lambak ng Pangitain. Ang mga pader nito ay nagbabagsakan at ang sigawan ng mga tao ay dinig hanggang sa kabundukan. 6Sumasalakay ang mga sundalo ng Elam na sakay ng mga kabayo at may mga pana. Ang mga sundalo ng Kir ay sumasalakay din na may mga hawak na kalasag. 7Pinapalibutan nila ang inyong mga lambak na sagana sa ani, at nagtitipon-tipon sila sa mga pintuan ng inyong lungsod. 8Nakuha na nila ang mga pangproteksyon ng Juda.

Kumuha kayo ng mga sandata sa taguan nito. 9Tiningnan ninyo ang mga pader ng Lungsod ni David upang malaman ninyo kung nasaan ang mga sira nito. Nag-imbak kayo ng tubig sa imbakan sa ibaba. 10Tiningnan ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ang ilan para gamitin ang mga bato sa pag-aayos ng nagibang pader ng lungsod. 11Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader, at itoʼy pinuno ninyo ng tubig mula sa dating imbakan. Pero hindi ninyo naisip ang Dios na siyang nagplano nito noong una pa at niloob niya na mangyari ito.

12Nanawagan sa inyo ang Panginoong Dios na Makapangyarihan na kayoʼy magdalamhati, umiyak, magpakalbo at magsuot ng damit na panluksa22:12 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit. bilang tanda ng inyong pagsisisi. 13Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya. Nagkatay kayo ng mga baka at tupa, at nagkainan at nag-inuman. Sabi ninyo, “Magpakasaya tayo, kumain tayoʼt uminom, dahil baka bukas, mamamatay na tayo.”

14Sinabi sa akin ng Panginoong Makapangyarihan na hindi niya kayo patatawarin sa kasalanang ito habang kayoʼy nabubuhay.

Ang Mensahe para kay Shebna

15Inutusan ako ng Panginoong Dios na Makapangyarihan na puntahan ko si Shebna na katiwala ng palasyo, at sabihin sa kanya, 16“Sino ka ba para humuhukay sa gilid ng bundok para gumawa ng libingang kasama ng mga bayani? Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na gawin ito? 17Mag-ingat ka! Kahit na ikaw ay makapangyarihan, huhulihin ka at itatapon ng Panginoon. 18Bibilugin ka niya na parang bola at itatapon sa maluwang na lupain. Doon ka mamamatay at doon din mawawasak ang mga karwaheng ipinagmamalaki mo. Nagdulot ka ng kahihiyan sa iyong amo. 19Sinasabi pa ng Panginoon sa iyo, ‘Paaalisin kita sa iyong katungkulan. 20Sa araw na iyon, tatawagin ko ang lingkod kong si Eliakim na anak ni Hilkia. 21Ipapasuot ko sa kanya ang damit mong pang-opisyal pati ang iyong sinturon, at ibibigay ko sa kanya ang kapangyarihan mo. Siya ang magiging pinakaama ng mga taga-Jerusalem at taga-Juda. 22Ibibigay ko sa kanya ang susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pintuan, walang makapagsasara nito, at kapag sinarhan niya walang makapagbubukas nito. 23Palalakasin ko siya sa kanyang katungkulan na parang matibay na sabitan sa dingding, at magbibigay siya ng karangalan sa kanyang pamilya. 24At ang buo niyang pamilya at mga kamag-anak ay aasa sa kanya. Para siyang sabitan na pinagsasabitan ng sari-saring maliliit na lalagyan mula sa tasa hanggang sa mga palayok. 25Sa araw na iyon kapag marami na ang nakasabit sa kanya, mahuhulog siya at mawawasak ang lahat ng nakasabit sa kanya. Mangyayari nga ito dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

New International Reader’s Version

Isaiah 22:1-25

A Prophecy Against Jerusalem

1Here is a prophecy against Jerusalem that the Lord gave me. Jerusalem is also known as the Valley of Vision.

People of Jerusalem, what’s the matter with you?

Why have all of you gone up on the roofs of your houses?

2Why is your town so full of noise?

Why is your city so full of the sound of wild parties?

Those among you who died weren’t killed by swords.

They didn’t die in battle.

3All your leaders have run away.

They’ve been captured without a single arrow being shot.

All you who were caught were taken away as prisoners.

You ran off while your enemies were still far away.

4So I said, “Leave me alone.

Let me weep bitter tears.

Don’t try to comfort me.

My people have been destroyed.”

5The Lord who rules over all sent the noise of battle against you.

The Lord brought disorder and terror

to the Valley of Vision.

The walls of the city were knocked down.

Cries for help were heard in the mountains.

6Soldiers from Elam came armed with bows and arrows.

They came with their chariots and horses.

Soldiers from Kir got their shields ready.

7Your rich valleys filled up with chariots.

Horsemen took up their battle positions at your city gates.

8The Lord made Judah a place where it wasn’t safe to live anymore.

At that time, you depended

on the weapons in the Palace of the Forest of Lebanon.

9You saw that the walls of the City of David

were broken through in many places.

You stored up water

in the Lower Pool.

10You picked out the weaker buildings in Jerusalem.

You tore them down and used their stones

to strengthen the city walls against attack.

11You built a pool between the two walls.

You used it to save the water

that was running down from the Old Pool.

But you didn’t look to the God who made it all possible.

You didn’t pay any attention to the God

who planned everything long ago.

12The Lord who rules over all

called out to you at that time.

The Lord told you to weep and cry.

He told you to tear your hair out.

And he told you to put on the rough clothing people wear when they’re sad.

13Instead, you are enjoying yourselves at wild parties!

You are killing cattle and sheep.

You are eating their meat and drinking wine.

You are saying, “Let’s eat and drink,

because tomorrow we’ll die.”

14I heard the Lord who rules over all speaking. “Your sin can never be paid for as long as you live,” says the Lord.

15The Lord who rules over all speaks. The Lord says,

“Go and speak to Shebna, the head servant.

He is in charge of the palace. Tell him,

16‘What are you doing here outside the city?

Who allowed you to cut out a tomb for yourself here?

Who said you could carve out your grave on the hillside?

Who allowed you to cut out your resting place in the rock?

17“ ‘Watch out, you mighty man!

The Lord is about to grab you.

He is about to throw you away.

18He will roll you up tightly like a ball.

He will throw you into a very large country.

There you will die.

And that’s where the chariots you were so proud of will be.

Those chariots will then bring nothing but shame on your master’s family!

19The Lord will remove you from your job.

You will be brought down from your high position.

20“ ‘At that time he will send for his servant Eliakim. He is the son of Hilkiah. 21The Lord will put your robe on Eliakim. He will tie your belt around him. He will hand your authority over to him. Eliakim will be like a father to the people of Jerusalem and Judah. 22The Lord will give Eliakim the key of authority in David’s royal house. No one can shut what he opens. And no one can open what he shuts. 23The Lord will set him firmly in place like a peg driven into a wall. He will hold a position of honor in his family. 24The good name of his whole family will depend on him. They will be like bowls and jars hanging on a peg.

25“ ‘But a new day is coming,’ ” announces the Lord who rules over all. “ ‘At that time the peg that was driven into the wall will give way. It will break off and fall down. And the heavy load hanging on it will also fall.’ ” The Lord has spoken.