Isaias 10 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 10:1-34

1-2Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga di-makatarungang kautusan na umaapi sa mga mahihirap kong mamamayan at nagkakait ng katarungan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga kautusang iyon, kinukuha ninyo ang mga ari-arian ng mga biyuda at mga ulila. 3Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin nʼyo pagdating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo? 4Walang matitira sa inyo. Mabibihag o mamamatay kayo, pero ang galit ng Panginoon ay hindi pa mapapawi. Nakahanda pa rin siyang magparusa sa inyo.

Ang Parusa ng Panginoon sa mga taga-Asiria

5Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo para parusahan ang mga kinamumuhian ko. 6Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadios at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan na parang putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”

7Pero hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa. 8Buong pagmamalaki niyang sinabi, “Ang mga kumander ng mga sundalo ko ay parang mga hari. 9Anong pagkakaiba ng Carkemish at Calno, ng Arpad at Hamat, at ng Damascus at Samaria? Silang lahat ay pare-pareho kong winasak. 10Pinarusahan ko ang mga bansang sumasamba sa mga dios-diosan na mas marami pa kaysa sa mga dios-diosan sa Jerusalem at Samaria. 11Winasak ko na ang Samaria at ang mga dios-diosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga dios-diosan nito.”

12Pero ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki. 13Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro; tinalo ko ang kanilang mga hari. 14Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nangunguha lang ako ng itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ”

15Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya? 16Kaya magpapadala ang Panginoong Makapangyarihan ng sakit na magpapahina sa malulusog na sundalo ng Asiria. Susunugin ng Panginoon ang mga kayamanan niya sa naglalagablab na apoy. 17Ang Panginoon na siyang ilaw at banal na Dios ng Israel ay magiging tulad ng naglalagablab na apoy na susunog sa mga matitinik niyang halaman sa loob ng isang araw lang. 18Kung paanong sinisira ng sakit ang katawan ng tao, sisirain din ng Panginoon ang mga kagubatan at mga bukid ng hari ng Asiria. 19Iilan lang ang matitirang puno sa kanyang kagubatan. Mabibilang ito kahit ng batang paslit.

20-21Darating ang araw na ang mga natitirang Israelitang lahi ni Jacob ay hindi na magtitiwala sa Asiria na nagpahirap sa kanila. Magtitiwala na sila sa Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel. Magbabalik-loob sila sa Makapangyarihang Dios. 22-23Kahit na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat ang mga Israelita, iilan lang ang makakabalik. Nakatakda na ang parusang nararapat para sa buong Israel. At tiyak na gagawin ito ng Panginoong Dios na Makapangyarihan. 24Kaya sinabi ng Panginoong Dios na Makapangyarihan, “Kayong mga mamamayan ko na naninirahan sa Zion, huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria kahit na pinahihirapan nila kayo katulad ng ginawa sa inyo ng mga Egipcio. 25Sapagkat hindi magtatagal at mawawala na ang galit ko sa inyo at sa kanila ko naman ito ibubuhos hanggang sa mamatay sila. 26Parurusahan ko sila katulad ng ginawa ko sa mga taga-Midian sa Bato ng Oreb at sa mga Egipcio nang nilunod ko sila sa dagat. 27Sa araw na iyon, palalayain ko kayo mula sa kapangyarihan ng Asiria. Para kayong natanggalan ng mabigat na pasanin sa mga balikat nʼyo at ng pamatok na nagpapabigat sa leeg ninyo. Lalaya kayo mula sa kapangyarihan nila dahil magiging makapangyarihan kayo.”10:27 dahil magiging makapangyarihan kayo: sa literal, dahil magiging mataba kayo.

Sumalakay ang Asiria

28Nilusob ng Asiria ang Ayat. Doon sila dumaan sa Migron at iniwan nila sa Micmash ang mga dala nila. 29Dumaan sila sa tawiran, at doon natulog sa Geba. Natakot ang mga taga-Rama, at tumakas ang mga mamamayan ng Gibea na bayan ni Haring Saul. 30Sumigaw kayong mga taga-Galim! Makinig kayong mga taga-Laish at kayong mga kawawang taga-Anatot. 31Tumakas na ang mga mamamayan ng Madmena at Gebim. 32Sa araw na ito, darating ang mga taga-Asiria sa Nob. At sesenyas sila na salakayin ang bundok ng Jerusalem, ang Bundok ng Zion. 33Makinig kayo! Ang Panginoong Makapangyarihan ang wawasak sa mga taga-Asiria sa pamamagitan ng kahanga-hanga niyang kapangyarihan, na parang pumuputol ng mga sanga sa puno. Ibabagsak niya ang mga mapagmataas katulad ng pagputol ng matataas na punongkahoy. 34Pababagsakin niya sila katulad ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pamamagitan ng palakol. Silang mga katulad ng puno sa Lebanon ay pababagsakin ng Makapangyarihang Dios.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以赛亚书 10:1-34

1制定不义律例、起草不公法令的人啊,

你们有祸了!

2你们冤枉穷人,

夺去我子民中困苦者的权利,

掳掠寡妇,抢劫孤儿。

3在惩罚的日子,

当灾祸从远方临到你们头上时,

你们怎么办?

你们能跑到谁那里去求救呢?

你们能把财物藏在哪里呢?

4你们将不是被掳就是被杀。

虽然如此,耶和华的怒气还没有止息,

祂降罚的手没有收回。

主要审判亚述

5耶和华说:“亚述王有祸了!

他是我的愤怒之棍,

他手中拿着我发烈怒的杖。

6我要差遣他去攻打一个不虔敬的国家,

一个惹我发怒的民族,

去抢夺、掳掠他们的财物,

像践踏街上的泥土一样践踏他们。

7可是他却不这样想,

心里也不这样盘算,

他只想毁灭许多国家。

8他说,‘我的臣仆都要做藩王!

9迦勒挪岂不是和迦基米施一样吗?

哈马岂不是和亚珥拔一样吗?

撒玛利亚岂不是和大马士革一样吗?

它们不是都被我征服了吗?

10这些国家都在我的手中,

他们雕刻的偶像不胜过耶路撒冷撒玛利亚的偶像吗?

11我怎样毁灭撒玛利亚和它的偶像,

也必怎样毁灭耶路撒冷和它的偶像。’”

12主完成在锡安山和耶路撒冷要做的事后,必惩罚心里狂妄、眼目高傲的亚述王。

13因为亚述王说:

“我靠自己的力量和智慧成就了此事,

因为我很聪明。

我废除列国的疆界,

掳掠他们的财物,

像勇士一样征服他们的君王。

14我夺取列国的财物,

好像探囊取物;

我征服天下,

不过是手到擒来;

无人反抗,无人吭声。”

15然而,斧头怎能向舞动它的人自夸呢?

锯子怎能向用锯的人炫耀呢?

难道棍子可以挥动举它的人吗?

手杖可以举起它的主人吗?

16因此,主——万军之耶和华必使亚述王强健的士兵疾病缠身,

使火焰吞噬他的荣耀。

17以色列的光必成为火焰,

他们的圣者必成为烈火,

一日之间烧光亚述王的荆棘和蒺藜。

18他茂盛的树林和肥美的田园必被彻底摧毁,

犹如病人渐渐消亡。

19林中剩下的树木稀少,

连小孩子也能数清。

以色列的余民

20到那日,以色列的余民,就是雅各家的幸存者,将不再倚靠欺压他们的亚述,他们将真心倚靠耶和华——以色列的圣者, 21重新归向全能的上帝。 22以色列啊,你的人民虽多如海沙,将只有剩余的人归回。充满公义的毁灭之事已定。 23因为主——万军之耶和华必按所定的在整个大地上施行毁灭。

24因此,主——万军之耶和华说:“我锡安的子民啊,虽然亚述人像埃及人一样挥舞着棍棒毒打你们,你们不要惧怕。 25因为很快我就不再向你们发怒,我要向他们发怒,毁灭他们。” 26万军之耶和华要鞭打他们,就像在俄立磐石击杀米甸人,就像祂向海伸杖,使海水淹没埃及人。 27到那日,祂必除去亚述人加在你们肩头的重担和颈上的轭;那轭必因你们肥壮而折断。

28亚述大军攻占了亚叶

穿过米矶仑

把辎重存放在密抹

29他们过了关口,

迦巴宿营。

拉玛人战战兢兢,

扫罗的乡亲基比亚人仓皇逃跑。

30迦琳人啊,高声喊叫吧!

莱煞人啊,可怜的亚拿突人啊,

留心听吧!

31玛得米纳人逃跑,

基柄人躲藏。

32那时,亚述王必屯兵挪伯

向着锡安10:32 ”希伯来文是“女子”,可能是对锡安的昵称,下同16:152:262:11的山岭,

向着耶路撒冷的山丘摩拳擦掌。

33看啊,主——万军之耶和华要以大能削去树枝。

高大的树必被斩断,

挺拔的大树必被砍倒,

34茂密的树林必被铁斧砍掉,

黎巴嫩的大树也要倒在全能的上帝面前。