Tagalog Contemporary Bible

Isaias 1:1-31

1Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Dios kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzia, Jotam, Ahaz, at Hezekia.

Ang Makasalanang Bansa

2Pakinggan ninyo langit at lupa, dahil sinabi ng Panginoon, “Inalagaan koʼt pinalaki ang mga Israelita na aking mga anak, pero nagrebelde sila sa akin. 3Kahit ang mga bakaʼy kilala ang kanilang tagapag-alaga,1:3 ang kanilang tagapag-alaga: sa Hebreo, ang mga nagmamay-ari sa kanya. at ang mga asnoʼy alam kung saang sabsaban sila pinapakain ng nagmamay-ari sa kanila, pero ang mga mamamayan kong Israelita ay hindi nakakakilala sa akin.”

4Sila ay bansang makasalanan, mga taong punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.

5Mga taga-Israel, bakit patuloy kayong nagrerebelde? Gusto pa ba ninyong maparusahan? Para kayong tao na puro sugat ang ulo at ang pusoʼy puno ng sakit. 6Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.

7Hindi na mapakinabangan ang inyong bansa; sinunog ng mga dayuhan ang mga lungsod ninyo. Kitang-kita ninyong sinasamsam nila ang mga bunga ng inyong pananim. Sinisira nila ang inyong lupain hanggang sa hindi na mapakinabangan. 8Walang natira kundi ang Jerusalem.1:8 Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Zion. Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino na mag-isang nakatayo, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway. 9Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay hindi nagtira ng ilan sa atin, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.

10Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodom at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Dios. 11Sinabi niya, “Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog. Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog – ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing. 12Sino ang nag-utos sa inyo na dalhin ang lahat ng ito kapag sumasamba kayo sa akin? Sino ang nag-utos sa inyong tumapak sa aking templo? 13Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng mga insenso ninyo. Hindi ko na matiis ang mga pagtitipon nʼyo kapag Pista ng Pagsisimula ng Buwan at kapag Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamaan. 14Nasusuklam ako sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!

15“Kapag mananalangin kayo hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao. 16Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. 17Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi1:17 Sawayin ninyo ang mga nang-aapi: o, Tulungan ninyo ang mga inaapi. at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”

18Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. 19Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.1:19 pagpapalain ko kayo: o, makakakain kayo ng pinakamagandang ani ng lupain. 20Pero kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.”

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Ang Makasalanang Lungsod

21Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, pero ngayoʼy para nang babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, pero ngayon ay mga mamamatay-tao. 22Jerusalem, datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, pero ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, pero ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig. 23Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.

24Kaya sinabi ng Panginoon, ang Makapangyarihang Dios ng Israel, “Gagaan ang kalooban ko kapag naparusahan ko na kayong mga taga-Jerusalem na aking mga kaaway. 25Parurusahan ko kayo para magbago kayo, katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy. 26Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang lungsod ninyo ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”

27Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem,1:27 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. at ito ay ililigtas ng Dios at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan. 28Pero lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.

29Mapapahiya kayo na mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan. 30Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan. 31Ang mga makapangyarihan sa inyo ay magiging katulad ng tuyong kahoy na madaling masunog, at ang masasama nilang gawa ay magiging parang tilamsik ng apoy na susunog sa kanila. Walang makakapatay sa apoy na iyon.

Persian Contemporary Bible

اشعيا 1:1-31

1اين كتاب شامل پيامهايی است كه خدا در دوران سلطنت عزيا و يوتام و آحاز و حزقيا، پادشاهان سرزمين يهودا، در عالم رؤيا به اشعيا پسر آموص داد. اين پيامها دربارهٔ يهودا و پايتخت آن اورشليم است.

ياغيگری قوم اسرائيل

2ای آسمان و زمين، به آنچه خداوند می‌فرمايد گوش كنيد: «فرزندانی كه بزرگ كرده‌ام بر ضد من برخاسته‌اند. 3گاو مالک خود را و الاغ صاحب خويش را می‌شناسد، اما قوم اسرائيل شعور ندارد و خدای خود را نمی‌شناسد.»

4وای بر شما قوم گناهكار كه پشتتان زير بار گناهانتان خم شده است. وای بر شما مردم شرور و فاسد كه از خداوند مقدس بنی‌اسرائيل روگردانده و او را ترک گفته‌ايد. 5چرا از گناهان خود دست برنمی‌داريد؟ آيا به اندازهٔ كافی مجازات نشده‌ايد؟ ای اسرائيل، فكر و دلت تمام بيمار است. 6از سر تا پا مجروح و مضروب هستی؛ جای سالم در بدنت نمانده است. زخمهايت باز مانده و عفونی شده، كسی آنها را بخيه نزده و مرهم نماليده است.

7ای قوم اسرائيل، سرزمينتان ويران گشته و شهرهايتان به آتش كشيده شده است. بيگانگان هر چه را كه می‌بينند، در برابر چشمانتان به غارت می‌برند و نابود می‌كنند. 8اورشليم همچون كلبه‌ای در مزرعه و مانند سايبانی در جاليز، بی‌دفاع و تنها مانده است.

9اگر خداوند قادر متعال به داد قوم ما نمی‌رسيد اين عدهٔ كم نيز از ما باقی نمی‌ماند و اورشليم مثل شهرهای سدوم و عموره به کلی از بين می‌رفت.

10ای حاكمان و ای مردم اورشليم كه چون اهالی سدوم و عموره فاسد هستيد، به كلام خداوند گوش دهيد. 11او می‌فرمايد: «از قربانیهای شما بيزارم. ديگر آنها را به حضور من نياوريد. قوچهای فربهٔ شما را نمی‌خواهم. ديگر مايل نيستم خون گاوها و بره‌ها و بزغاله‌ها را ببينم. 12چه كسی از شما خواسته كه وقتی به حضور من می‌آييد اين قربانیها را با خود بياوريد؟ چه كسی به شما اجازه داده كه اينچنين آستان خانهٔ مرا پايمال كنيد؟ 13ديگر اين هدايای باطل را نياوريد. من از بخوری كه می‌سوزانيد نفرت دارم و از اجتماعات مذهبی و مراسمی كه در اول ماه و در روز سَبَت بجا می‌آوريد بيزارم. نمی‌توانم اين اجتماعات گناه‌آلود را تحمل كنم. 14از همهٔ آنها متنفرم و تحمل ديدن هيچكدام را ندارم. 15هرگاه دستهايتان را به سوی آسمان دراز كنيد، روی خود را از شما برخواهم گرداند و چون دعای بسيار كنيد، اجابت نخواهم نمود؛ زيرا دستهای شما به خون آلوده است.

16«خود را بشوييد و طاهر شويد! گناهانی را كه در حضور من مرتكب شده‌ايد از خود دور كنيد. 17نيكوكاری را بياموزيد و با انصاف باشيد. به مظلومان و يتيمان و بيوه‌زنان كمک كنيد.»

18خداوند می‌فرمايد: «بحث و جدل من با شما اين است: اگرچه لكه‌های گناهانتان به سرخی خون است، اما من آنها را مانند پشم پاک می‌كنم و شما را همچون برف سفيد می‌سازم! 19كافی است مرا اطاعت كنيد تا شما را از محصول زمين سير كنم. 20اما اگر به سرپيچی از من ادامه دهيد، به دست دشمن كشته خواهيد شد.» اين كلام خداوند است.

21ای اورشليم، زمانی تو نسبت به خداوند وفادار بودی، اما اينک همچون يک فاحشه به دنبال خدايان ديگر می‌روی. زمانی شهر عدل و انصاف بودی، اما اكنون شهر جنايتكاران شده‌ای. 22زمانی چون نقره خالص بودی، ولی اينک فلزی بی‌مصرف شده‌ای. زمانی همچون شراب ناب بودی، ولی اكنون همانند آب شده‌ای. 23رهبرانت ياغی و شريک دزدانند؛ همه رشوه‌خوارند؛ از يتيمان حمايت نمی‌كنند و به دادخواهی بيوه‌زنان گوش نمی‌دهند. 24بنابراين خداوند، خدای قادر متعال اسرائيل به آنها می‌گويد: «شما دشمن من هستيد؛ تا از شما انتقام نگيرم آرام نمی‌شوم. 25به دست خود، شما را مثل فلز در كوره می‌گدازم تا از كثافت خود پاک شويد.

26«مانند گذشته، رهبران و مشاورانی لايق به شما خواهم بخشيد تا اورشليم را به شهر عدالت و امانت مشهور سازند.»

27خداوند عادل، اورشليم و اهالی توبه‌كار آن را نجات خواهد داد. 28اما گناهكاران و عصيانگران را به هلاكت خواهد رساند و كسانی را كه او را ترک كنند نابود خواهد كرد.

29شما از بت‌پرستی خود در زير درختان بلوط باغهايتان پشيمان خواهيد شد، 30و مانند بلوطی خشک و باغی بی‌آب، از بين خواهيد رفت. 31زورمندانتان با اعمالشان مانند كاه در آتش خواهند سوخت و كسی قادر نخواهد بود آنها را نجات دهد.