Hosea 5 – TCB & HCV

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 5:1-15

1Sinabi pa ng Panginoon, “Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel, pati na kayong mga pari at sambahayan ng hari, dahil ang hatol na ito ay laban sa inyo: Para kayong bitag, dahil ipinahamak ninyo ang mga mamamayan ng Mizpa at Tabor. 2Nagrerebelde kayo sa akin at gusto ninyong pumatay, kaya didisiplinahin ko kayong lahat. 3Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo na mga taga-Israel.5:3 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa talatang 5, 9, 11-14 sa Hebreo. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. Wala kayong maililihim sa akin. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan5:3 Sumasamba kayo sa mga dios-diosan: sa literal, Nangangalunya kayo. kaya naging marumi kayo.

4“Ang inyong masasamang gawain ang pumipigil sa inyo upang magbalik-loob sa akin na inyong Dios. Sapagkat nasa puso ninyo ang espiritung nag-uudyok sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, at hindi ninyo ako kinikilalang Panginoon. 5Ang pagmamataas ninyo ay nagpapatunay na dapat kayong parusahan. At dahil sa mga kasalanan nʼyo, mapapahamak kayo, kayong mga taga-Israel kasama ang mga taga-Juda. 6Maghahandog kayo ng mga tupa, kambing, at mga baka sa paglapit ninyo sa akin. Pero hindi ninyo mararanasan ang presensya ko dahil itinakwil ko na kayo. 7Nagtaksil kayo sa akin, dahil nagkaanak kayo sa labas. Kaya lilipulin ko kayo at sisirain ko ang lupain ninyo sa loob lamang ng isang buwan.5:7 sa loob lamang ng isang buwan: o, sa Pista ng Pagsisimula ng Buwan.

Ang Labanan ng Juda at Israel

8“Hipan ninyo ang mga trumpeta para bigyang babala ang mga tao sa Gibea at Rama! Iparinig ang sigaw ng digmaan sa Bet Aven! Magbantay kayo, kayong mga mamamayan ng Benjamin.5:8 mga mamamayan ng Benjamin: Ang Gibea, Rama at Bet Aven ay mga bahagi ng lahi ni Benjamin (Josue 18:21-28). 9Mawawasak ang Israel sa araw ng pagpaparusa. Tiyak na mangyayari ang sinasabi ko laban sa mga lahi ng Israel! 10Ang mga pinuno ng Juda ay katulad ng taong naglilipat ng muhon5:10 muhon: Tanda ng hangganan ng lupa. Sa Ingles, “landmark” o, “boundary marker.” dahil inagaw nila ang lupain ng Israel. Kaya ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na parang baha. 11Ginigipit at winawasak ang Israel dahil pinarurusahan ko siya. Sapagkat patuloy siyang sumusunod sa mga dios-diosan. 12Ang katulad koʼy insektong ngumangatngat sa Israel at sa Juda.

13“Nang makita ng mga taga-Israel at taga-Juda ang kanilang masamang kalagayan,5:13 masamang kalagayan: sa literal, karamdaman at sugat. humingi ng tulong ang Israel sa makapangyarihang hari ng Asiria. Pero hindi ito makakatulong sa kanila.5:13 hindi ito makakatulong sa kanila: sa literal, hindi siya makakapagpagaling ng kanilang sugat. 14Sapagkat sasalakayin kong parang leon ang Israel at ang Juda. Ako mismo ang lilipol sa kanila. Dadalhin ko sila sa ibang bansa at walang makapagliligtas sa kanila. 15Pagkatapos, babalik ako sa aking lugar hanggang sa aminin nila ang kanilang mga kasalanan. At sa kanilang paghihirap ay lalapit sila sa akin.”

Hindi Contemporary Version

होशेआ 5:1-15

इस्राएल के विरुद्ध न्याय

1“हे पुरोहितो, यह बात सुनो!

हे इस्राएलियो, ध्यान दो!

राज घरानो, सुनो!

यह न्याय तुम्हारे विरुद्ध है:

तुम मिज़पाह में एक फंदा बन गये हो,

ताबोर में बिछाये गये एक जाल हो.

2विद्रोहियों ने घोर नरसंहार किया है,

मैं उन सबको अनुशासित करूंगा.

3मैं एफ्राईम के बारे में सब कुछ जानता हूं;

इस्राएल की बात मुझसे छिपी नहीं है.

हे एफ्राईम, तुम वेश्यावृत्ति में लिप्‍त हो;

इस्राएल भ्रष्‍ट हो गया है.

4“उनके काम उन्हें

अपने परमेश्वर की ओर लौटने नहीं देते.

वेश्यावृत्ति की आत्मा उनके दिल में है;

वे याहवेह को नहीं मानते हैं.

5इस्राएल का घमंड उसी के विरुद्ध गवाही देता है;

इस्राएली, और तो और एफ्राईम भी अपने पापों में लड़खड़ाते हैं;

यहूदिया भी उनके साथ लड़खड़ाता है.

6जब वे अपनी भेड़-बकरी और गाय-बैल के झुंड को लेकर

याहवेह की खोज में जाते हैं,

तो याहवेह उन्हें नहीं मिलते हैं;

क्योंकि उन्होंने अपने आपको उनसे अलग कर लिया है.

7उन्होंने याहवेह के साथ विश्वासघात किया है;

वे अवैध बच्‍चे पैदा करते हैं.

जब वे नये चांद के भोज का उत्सव मनाएंगे,

तो वह उनके खेतों को निगल जाएगा.

8“गिबियाह नगर में तुरही बजाओ,

रामाह नगर में नरसिंगा फूंको.

बेथ-आवेन5:8 बेथ-आवेन अर्थ दुष्टता का घर में युद्ध की घोषणा ऊंची आवाज में करो;

हे बिन्यामिन, हमारी अगुवाई करो.

9हिसाब करने के दिन

एफ्राईम बेकार हो जाएगा.

इस्राएल के गोत्रों के बीच

मैं उसी बात की घोषणा करूंगा, जिसका होना निश्चित है.

10यहूदिया के अगुए उनके जैसे हैं

जो सीमा के पत्थरों को हटाते हैं.

उन पर मैं अपना कोप

पानी के बाढ़ की तरह उंडेलूंगा.

11एफ्राईम सताया जाता है,

न्याय में कुचला गया है,

क्योंकि उसने मूर्तियों के पीछे जाने की ठानी है.

12मैं एफ्राईम के लिए कीड़े के समान,

और यहूदाह के लोगों के लिए एक सड़न के जैसा हूं.

13“जब एफ्राईम ने अपनी बीमारी,

और यहूदिया ने अपने घाव को देखा,

तब एफ्राईम अश्शूर की तरफ गया,

और बड़े राजा से सहायता की याचना की.

परंतु वह तुम्हें न तो चंगा कर सकता है,

और न ही तुम्हारे घावों को ठीक कर सकता है.

14क्योंकि एफ्राईम के लिए मैं एक सिंह के जैसा,

और यहूदाह के लिए एक बड़े सिंह के जैसा हो जाऊंगा.

मैं उन्हें फाड़कर टुकड़े-टुकड़े कर दूंगा और चला जाऊंगा;

मैं उन्हें उठाकर ले जाऊंगा, और उन्हें छुड़ाने वाला कोई न होगा.

15जब तक वे अपने अपराध को मान नहीं लेते

और मेरी ओर लौट नहीं आते

मैं अपने स्थान में नहीं लौटूंगा;

अपनी दुर्गति के समय

वे मन लगाकर मेरी खोज करेंगे.”