Hosea 4 – TCB & NASV

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 4:1-19

Ang Paratang ng Panginoon Laban sa Israel at sa Kanyang mga Pari

1Kayong mga Israelitang naninirahan sa lupain ng Israel, pakinggan ninyo ang paratang ng Panginoon laban sa inyo: “Wala ni isa man sa inyong lupain ang tapat, nagmamahal, at kumikilala sa akin. 2Sa halip, laganap ang paggawa ng masama sa kapwa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Laganap ito kahit saan, at sunud-sunod ang patayan. 3Dahil dito, natutuyo ang inyong lupain at ang mga naninirahan doon ay namamatay, pati mga hayop – ang lumalakad, lumilipad, at ang lumalangoy.

4“Pero walang dapat sisihin at usigin kundi kayong mga pari. 5Kayo at ang mga propeta ay mapapahamak sa araw man o sa gabi pati ang inyong mga ina.4:5 mga ina: o, ina, na ang ibig sabihin, ang bansang Israel.

6“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo. 7Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Kaya ang inyong ipinagmamalaki ay gagawin kong kahihiyan.4:7 Kaya … kahihiyan: o, Ipinagpalit ninyo ang inyong maluwalhating Dios sa nakakahiyang Mga dios-diosan. 8Gusto ninyong magkasala ang aking mga mamamayan para makakain kayo mula sa kanilang mga handog sa paglilinis.4:8 Ayon sa Lev. 6:26; 10:17, may bahagi ang mga pari sa ganitong uri ng handog. 9Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, parurusahan ko rin kayong mga pari.4:9 Kaya … pari: o, Kung gaano kasama ang mga pari, ganoon din ang mga mamamayan. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga gawa. 10Kumakain nga kayo pero hindi kayo nabubusog. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan4:10 Sumasamba kayo sa mga dios-diosan: sa literal, Nangangalunya kayo. Ganito ang ginagawa ni Gomer na asawa ni Hoseas. At itong si Gomer ay kumakatawan sa bansang Israel. para magkaanak kayo. Pero hindi kayo magkakaanak dahil itinakwil ninyo ako 11upang sumamba sa mga dios-diosan.

Isinusumpa ng Dios ang Pagsamba sa mga Dios-diosan

“Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa. 12Sumasangguni kayo sa dios-diosang kahoy, at ayon na rin sa inyo, sumasagot ito. Iniligaw kayo ng mga espiritung tumutulak sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, kaya tinalikuran ninyo ako tulad ng babaeng nangalunya. 13Naghahandog kayo sa tuktok ng mga bundok at mga burol, sa ilalim ng matataas at mayayabong na mga kahoy, dahil masarap lumilim doon. Kaya ang inyong mga anak na babae ay nakikipagsiping sa mga lalaki at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. 14Pero hindi ko sila parurusahan sa kanilang ginagawang masama, dahil kayong mga lalaki ay nakikipagsiping din sa mga babaeng bayaran sa templo at kasama pa nilang naghahandog sa mga dios-diosan. Kaya dahil kayoʼy mga mangmang sa katotohanan, mapapahamak kayo.

15“Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda.

“At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet Aven4:15 Bet Aven: Ang ibig sabihin, bahay ng kasamaan. Ito ang tawag sa lugar ng Betel bilang pagkutya. Ang ibig sabihin ng Betel ay “bahay ng Dios.” para sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa aking pangalan. 16Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano ko sila mababantayan tulad ng mga tupang nasa pastulan? 17Sumamba sila4:17 sila: sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga lahi sa kaharian ng Israel, pero sa aklat na ito ang tinutukoy ay ang buong kaharian ng Israel. sa mga dios-diosan kaya pabayaan na lang sila. 18Pagkatapos nilang uminom ng inuming nakakalasing, nakikipagsiping sila sa mga babae. Gustong-gusto ng kanilang mga pinuno ang gumawa ng mga nakahihiyang bagay. 19Kaya lilipulin sila na parang tinatangay ng malakas na hangin, at mapapahiya sila dahil sa kanilang paghahandog sa mga dios-diosan.”

New Amharic Standard Version

ሆሴዕ 4:1-19

በእስራኤል ላይ የቀረበ ክስ

1በምድሪቱ በምትኖሩ በእናንተ ላይ

እግዚአብሔር የሚያቀርበው ክስ ስላለው፣

እናንት እስራኤላውያን ይህን የእግዚአብሔርን ቃል ስሙ፤

“ታማኝነት የለም፤ ፍቅርም የለም፤

እግዚአብሔርንም ማወቅ በምድሪቱ የለም።

2በዚያ ያለው ርግማን4፥2 መርገምን ያመለክታል፣ መዋሸት፣ መግደል፣

መስረቅና ማመንዘር ብቻ ነው፤

ቃል ኪዳንን ሁሉ ያፈርሳሉ፤

ደም ማፍሰስና ግድያ ይበዛል።

3ስለዚህ ምድሪቱ አለቀሰች፤4፥3 ወይም ደረቀች

በውስጧም የሚኖሩ ሁሉ ኰሰመኑ፤

የምድር አራዊት፣ የሰማይ ወፎች፣

የባሕርም ዓሦች ዐለቁ።

4“ነገር ግን ማንም ሰው አይከራከር፤

ማንም ሌላውን አይወንጅል፤

በካህናት ላይ ክስን እንደሚያቀርቡ፣

ሕዝብህ እንደዚያው ናቸውና።

5ቀንና ሌሊት ትደናበራላችሁ፤

ነቢያትም ከእናንተ ጋር ይደናበራሉ፤

ስለዚህ እናታችሁን አጠፋታለሁ፤

6ሕዝቤ ዕውቀት ከማጣቱ የተነሣ ጠፍቷል።

“ዕውቀትን ስለ ናቃችሁ፣

እኔም ካህናት እንዳትሆኑ ናቅኋችሁ፤

የአምላካችሁን ሕግ ስለ ረሳችሁ፣

እኔም ልጆቻችሁን እረሳለሁ።

7ካህናት በበዙ ቍጥር፣

በእኔ ላይ የሚያደርጉት ኀጢአት በዝቷል፤

ክብራቸውንም4፥7 ማሶሬቲክ የሚለው እንዲሁ ሲሆን የጥንት ዕብራውያን ጸሐፍት ትውፊት ግን ክብሬን ይላል። በውርደት ለውጠዋል።4፥7 ሱርስትና የጥንት ዕብራውያን ጸሐፍት ትውፊት የሚሉት እንዲሁ ሲሆን፣ ማሶሬቲክ ግን እለውጠዋለሁ ይላል።

8የሕዝቤ ኀጢአት ለመብል ሆኖላቸዋል፤

ርኩሰታቸውንም እጅግ ወደዱ።

9ካህናትም ከሕዝቡ የተለዩ አይደሉም፤

ሁሉንም እንደ መንገዳቸው እቀጣቸዋለሁ፤

እንደ ሥራቸውም እከፍላቸዋለሁ።

10“ይበላሉ ግን አይጠግቡም፤

ያመነዝራሉ ግን አይበዙም፤

እግዚአብሔርን በመተው፣

ራሳቸውን 11ለአመንዝራነት፣

ለአሮጌና ለአዲስ የወይን ጠጅ አሳልፈው ሰጡ፤

በእነዚህም የሕዝቤ ማስተዋል ተወሰደ፤

12ከዕንጨት የተሠራውን ጣዖት ምክር ይጠይቃሉ፤

ዘንጋቸውም ይመልስላቸዋል።

የአመንዝራነት መንፈስ ያስታቸዋል፤

ለአምላካቸውም ታማኝ አልሆኑም።

13በተራሮችም ጫፍ ላይ ይሠዋሉ፤

መልካም ጥላ ባለው፣ በባሉጥ፣

በኮምቦልና በአሆማ ዛፍ ሥር፣

በኰረብቶችም ላይ የሚቃጠል ቍርባን ያቀርባሉ።

ስለዚህ ሴቶች ልጆቻችሁ ዘማውያን፣

ምራቶቻችሁም አመንዝራዎች ይሆናሉ።

14“ሴቶች ልጆቻችሁ ዘማውያን ሲሆኑ፣

የልጆቻችሁም ሚስቶች ሲያመነዝሩ

አልቀጣቸውም።

ወንዶች ከጋለሞቶች ጋር ይሴስናሉ፤

ከቤተ ጣዖት ዘማውያን ጋር ይሠዋሉና፤

የማያስተውል ሕዝብ ወደ ጥፋት ይሄዳል!

15“እስራኤል ሆይ፤ አንቺ ብታመነዝሪም፣

ይሁዳ በበደለኛነት አትጠየቅ።

“ወደ ጌልገላ አትሂዱ፤

ወደ ቤትአዌንም4፥15 ቤትአዌን የእግዚአብሔር ቤት የተባለችው ቤቴል ስትሆን፣ የቃሉ ትርጕም የክፋት ቤት ማለት ነው። አትውጡ፤

‘ሕያው እግዚአብሔርን’ ብላችሁም አትማሉ።

16እስራኤላውያን እንደ እልኸኛ ጊደር፣

እልኸኞች ናቸው፤

ታዲያ እግዚአብሔር እነርሱን በመልካም መስክ ውስጥ እንዳሉ የበግ ጠቦቶች

እንዴት ያሰማራቸዋል?

17ኤፍሬም ከጣዖት ጋር ተጣምሯል፤

እስቲ ተዉት፤

18መጠጣቸው ባለቀ ጊዜ እንኳ፣

ዘማዊነታቸውን አያቆሙም፤

ገዦቻቸውም ነውርን አጥብቀው ይወድዳሉ።

19ዐውሎ ነፋስ ጠራርጎ ይወስዳቸዋል፤

መሥዋዕቶቻቸውም ኀፍረት ያመጡባቸዋል።”