Hosea 12 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 12:1-14

1Ang mga taga-Israel12:1 Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. ay umaasa sa mga walang kwentang bagay. Buong araw nilang hinahabol ang mga bagay na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Lalo pa silang naging malupit at sinungaling. Nakikipagkasundo sila sa Asiria at sa Egipto, kung kaya nireregaluhan nila ang Egipto ng langis.

2May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa. 3Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal.12:3 nais … kakambal: sa literal, hinahawakan niya ang sakong ng kanyang kapatid. At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios 4sa pamamagitan ng anghel,12:4 anghel: o, sugo ng Dios. at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya.12:4 kanya: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, atin. 5Siya ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat. Panginoon ang kanyang pangalan.

6Kaya kayong mga lahi ni Jacob, magbalik-loob na kayo sa Dios at ipakita ninyo ang pag-ibig at katarungan. At patuloy kayong magtiwala sa kanya.

Dagdag na Sumbat ng Panginoon sa Israel

7Sinabi ng Panginoon, “Mahilig mandaya ang mga negosyante ninyo. Gumagamit sila ng mga timbangang may daya. 8Nagyayabang pa kayong mga taga-Israel at sinasabing, ‘Nakapag-ipon kami ng kayamanan at napakayaman na namin ngayon. Walang makapagsasabing yumaman kami sa masamang paraan, dahil kasalanan ang gawin iyon.’ 9Kaya ako, ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto, ay nagsasabi: Patitirahin ko kayong muli sa mga kubol12:9 kubol: sa Ingles, “temporary shelter.” gaya ng ginagawa ninyo noon sa panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.12:9 Tingnan ang Lev. 23:41-43.

10“Nakipag-usap ako sa mga propeta at binigyan ko sila ng maraming pangitain. Sa pamamagitan nila, nagbabala ako sa inyo na mapapahamak kayo. 11Pero patuloy pa rin ang mga taga-Gilead sa kanilang kasamaan, at sila ay naging walang kabuluhan. At ang mga taga-Gilgal naman ay naghahandog ng mga toro sa kanilang mga dios-diosan. Kaya gigibain ang kanilang mga altar at itoʼy magiging bunton ng mga bato na kinuha sa inararong bukirin.

12“Tumakas si Jacob at pumunta sa Aram12:12 Aram: Isang lugar sa Mesopotamia. at doon naglingkod bilang pastol para magkaasawa. 13Sa pamamagitan ng propetang si Moises, inilabas ko kayong mga Israelita sa Egipto at inalagaan. 14Dahil marami kayong pinatay, ginalit ninyo ako na inyong Panginoon. Kaya parurusahan ko kayo at pagbabayarin sa paglapastangan ninyo sa akin.”

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

何西阿書 12:1-14

1以法蓮以風為食,

整天追逐東風,

虛謊和暴力日益增多;

他跟亞述結盟,

埃及進貢橄欖油。」

2耶和華指控猶大

要按雅各所行的懲罰他,

雅各所做的報應他。

3雅各在母胎之中曾抓住哥哥的腳跟,

壯年之時曾跟上帝角力。

4他跟天使角力得勝,

向天使哭求福分。

他在伯特利遇見祂,

在那裡與祂說話——

5就是萬軍之上帝耶和華,

耶和華是祂的名。

6所以,你們要歸向你們的上帝,

持守仁愛和公義,常常等候祂。

7以法蓮是個不誠實的商人,

手裡拿著騙人的秤,喜歡壓榨人。

8以法蓮說:「我發財了,

我依靠自己致富。

沒有人能從我的勞碌中找出過錯和罪惡。」

9耶和華說:

「從你們在埃及的時候,

我就是你們的上帝耶和華。

我要使你們再次住在帳篷裡,

就像從前守節期時一樣。

10我曾對先知講話,賜給他們許多異象,

藉他們用比喻警告你們。」

11基列人充滿罪惡,終必滅亡。

他們在吉甲用公牛獻祭,

他們的祭壇像田間犁溝裡的石堆。

12雅各曾逃往亞蘭

以色列在那裡為娶妻而服侍人,

為得到妻子而替人牧羊。

13耶和華藉著先知帶領以色列離開埃及

也藉著先知保護他。

14以法蓮卻極大地觸怒耶和華,

所以他的主要讓他血債血還,

以羞辱還羞辱。