Tagalog Contemporary Bible

Hosea 1:1-11

1Ito ang ipinahayag ng Panginoon kay Hoseas na anak ni Beeri noong magkakasunod na naging hari sa Juda sina Uzia, Jotam, Ahaz at Hezekia, habang naghahari naman sa Israel si Jeroboam na anak ni Joash.

Ang Asawa at mga Anak ni Hoseas

2Ito ang unang sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Mag-asawa ka ng babaeng nangangalunya,1:2 babaeng nangangalunya: o, babaeng bayaran. at ang inyong mga anak ay ituturing na mga anak ng babaeng nangangalunya. Ito ang magiging larawan ng kataksilan ng aking mga mamamayan sa akin na kanilang Panginoon, dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan.”

3Kaya nagpakasal si Hoseas kay Gomer na anak ni Diblaim. Hindi nagtagal, nabuntis si Gomer at nanganak ng isang lalaki. 4Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Jezreel1:4 Jezreel: Ang ibig sabihin, naghahasik ang Dios, na nangangahulugan ng paglago at pag-unlad (tingnan ang talatang 11). Pero sa talatang ito ang pangalang Jezreel ay nangangahulugan na parurusahan ng Dios ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan. ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi na magtatagal at parurusahan ko ang hari ng Israel dahil sa ginawang pagpatay ng ninuno niyang si Jehu sa lungsod ng Jezreel. Wawakasan ko na ang kaharian ng Israel. 5Sa araw na iyon, ipapalupig ko ang mga sundalo ng Israel doon sa Lambak ng Jezreel.”

6Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ruhama1:6 Lo Ruhama: Ang ibig sabihin, hindi kinaawaan. ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi ko kaaawaan ni patatawarin ang mga mamamayan ng Israel. 7Pero kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Dios, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana, espada, mga kabayo o mangangabayo.”

8Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama sa pagsuso, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki. 9Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami1:9 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan. ang ipangalan mo sa bata, dahil ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Dios. 10Pero darating ang araw na kaaawaan ko sila at pagpapalain; dadami sila tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa ngayon ay tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’

silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ 11Magkakasamang muli ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel, at pipili sila ng iisang pinuno. Muli silang uunlad sa kanilang lupain. Napakasaya ng araw na iyon para sa mga taga-Jezreel.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

何西阿書 1:1-11

1烏西雅約坦亞哈斯希西迦猶大王,約阿施的兒子耶羅波安以色列王期間,耶和華將祂的話傳給備利的兒子何西阿

何西阿娶妓女為妻

2耶和華首次向何西阿說話時,對他說:「你去娶一個妓女為妻,和她生養兒女,因為這片土地上的人極其淫亂,背棄了耶和華。」 3於是,何西阿娶了滴拉音的女兒歌蜜為妻,她懷孕為他生了一個兒子。 4耶和華對何西阿說:「給他取名叫耶斯列1·4 耶斯列」意思是「上帝撒種」。此處指上帝要像撒種一樣驅散以色列人,但在1·11指上帝要賜福他們,就像撒種後獲得了大豐收。,因為再過不久,我就要因耶戶家在耶斯列的屠殺而懲罰他們,消滅以色列國。 5那時,我要在耶斯列平原折斷以色列的弓。」 6後來,歌蜜又懷孕生了一個女兒。耶和華對何西阿說:「給她取名叫羅·路哈瑪1·6 羅·路哈瑪」意思是「不蒙憐憫」。,因為我將不再憐憫以色列家,也不再赦免他們的罪。 7但我要憐憫猶大家,使他們依靠他們的上帝耶和華得到拯救,而不是依靠戰弓、刀劍、馬匹、騎兵和戰爭。」 8羅·路哈瑪斷奶後,歌蜜又懷孕生了一個兒子。 9耶和華說:「給他取名叫羅·阿米1·9 羅·阿米」意思是「不是我的子民」。,因為以色列人不再是我的子民,我也不再是他們的上帝。

以色列的復興

10「然而,以色列的人數必像海沙一樣量不盡、數不完。從前我在什麼地方對他們說『你們不是我的子民』,將來也要在那裡對他們說『你們是永活上帝的兒女』。 11那時,猶大人和以色列人將被聚集起來,為自己選立一位首領,從流亡之地返回故鄉,安居樂業。耶斯列的日子將是偉大的日子。