Genesis 25 – TCB & BPH

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 25:1-34

Ang Iba pang mga Lahi ni Abraham

(1 Cro. 1:32-33)

1Nag-asawa ulit si Abraham, at ang pangalan ng asawa niya ay Ketura. 2Ang mga anak nila ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. 3Si Jokshan ang ama nina Sheba at Dedan. Ang mga lahi ni Dedan ay ang mga Asureo, Letuseo, at Leumeo. 4Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga lahi ni Ketura.

5-6Bago namatay si Abraham, iniwan niya ang lahat ng ari-arian niya kay Isaac. Pero binigyan niya ng mga regalo ang iba niyang mga anak sa iba niyang mga asawa, at pinapunta sa silangan para ihiwalay sa anak niyang si Isaac.

Ang Pagkamatay at Paglilibing kay Abraham

7Nabuhay si Abraham ng 175 taon. 8Namatay siya sa katandaan na kontento sa buhay at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. 9Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ishmael doon sa kweba sa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa bukid na dating pagmamay-ari ni Efron na anak ni Zohar na Heteo. 10Ang bukid na iyon ay binili ni Abraham sa harapan ng mga Heteo. Doon inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara. 11Pagkatapos mamatay ni Abraham, binasbasan ng Dios si Isaac at doon siya nanirahan sa Beer Lahai Roi.

Ang mga Angkan ni Ishmael

(1 Cro. 1:28-31)

12Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Ishmael na anak ni Abraham kay Hagar na Egipcio, na alipin ni Sara.

13Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ishmael mula sa pinakamatanda: Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 14Mishma, Duma, Masa, 15Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema. 16Sila ang mga anak ni Ishmael at naging pinuno ng 12 niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.

17Nabuhay si Ishmael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. 18Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Egipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.

Ipinanganak sina Esau at Jacob

19Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham.

20Si Isaac ay 40 taong gulang nang napangasawa niya si Rebeka na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan Aram.25:20 Padan Aram: Isang lugar sa Mesopotamia. Si Rebeka ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

21Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa Panginoon na magkaanak ito. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka. 22Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeka, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito. Sinabi sa kanya ng Panginoon,

23“Manggagaling sa dalawang sanggol na nasa tiyan mo ang dalawang bansa;

dalawang grupo ng mga tao na maglalaban-laban.

Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa.

Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”

24Nang nanganak na si Rebeka, kambal ang anak niya. 25Ang unang lumabas ay mapula-pula at balbon, kaya pinangalanan nila siyang Esau.25:25 Esau: Maaaring ang ibig sabihin, balbon. 26Nang lumabas ang ikalawa, ang kamay niya ay nakahawak sa sakong ng kanyang kapatid, kaya pinangalanan nila siyang Jacob.25:26 Jacob: Maaaring ang ibig sabihin, hinahawakan niya ang sakong o, nanloloko siya. Si Isaac ay 60 taong gulang nang manganak si Rebeka ng kambal.

Ibinenta ni Esau ang Kanyang Karapatan bilang Panganay

27Nang lumaki na ang dalawang sanggol, naging maliksing mangangaso si Esau at palagi lang siya sa bukid habang si Jacob naman ay tahimik na tao at palaging nasa loob ng mga tolda. 28Mas nagustuhan ni Isaac si Esau dahil mahilig siyang kumain ng mga ipinangaso ni Esau, pero si Jacob naman ay mas nagustuhan ni Rebeka.

29Isang araw, habang nagluluto si Jacob ng sabaw, dumating si Esau galing sa pangangaso na gutom na gutom. 30Sinabi niya kay Jacob, “Pakiusap, bigyan mo nga ako ng niluluto mong mapula-pulang sabaw dahil gutom na gutom na ako.” (Kaya tinatawag din si Esau na Edom.)25:30 Edom: Ang ibig sabihin, pula.

31Pero sumagot si Jacob, “Bibigyan kita nito kung ibibigay mo sa akin ang karapatan mo bilang panganay.” 32Sinabi ni Esau, “Sige, ano bang gagawin ko sa karapatan na iyan kung mamamatay din lang ako sa gutom.” 33Sumagot si Jacob, “Kung ganoon, sumumpa ka muna sa akin,” Kaya sumumpa si Esau na mapupunta kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay.

34Binigyan agad siya ni Jacob ng tinapay at sabaw. Pagkatapos niyang kumain at uminom, umalis siya agad. Dahil sa ginawang iyon ni Esau, binalewala niya ang karapatan niya bilang panganay.

Bibelen på hverdagsdansk

1. Mosebog 25:1-34

Abrahams efterkommere gennem Ketura

1Abraham havde taget25,1 Eller: „tog”. Det er uvist, om det skete før eller efter, at Sara døde. sig endnu en kone. Hun hed Ketura, 2og sammen fik de følgende sønner: Zimran, Jokshan, Medan, Midjan, Jishbak og Shua. 3Jokshan blev far til Saba og Dedan; Dedan blev stamfar til ashuritterne, letushitterne og leumitterne. 4Midjan blev far til Efa, Efer, Hanok, Abida og Elda’a. De var alle sammen efterkommere af Ketura.

5Abraham indsatte Isak som arving til alt, hvad han ejede. 6De sønner, han havde med sine andre koner, gav han gaver og sendte dem derefter bort fra Isak, østpå til landet øst for Jordanfloden.

Abrahams død og begravelse

7Abraham blev 175 år gammel. 8Han døde i en høj alder, gammel og mæt af dage. 9-10Isak og Ishmael begravede ham i Makpela-klippehulen ved Mamres lund på den mark, som Abraham havde købt af hittitten Efron, Sohars søn, og hvor hans kone Sara allerede lå begravet.

11Efter Abrahams død velsignede Gud hans søn Isak. Isak boede i Be’er-Lahaj-Roi i Negev.

Ishmaels slægt

12-13Det følgende er en liste over Ishmaels25,12-13 Abrahams søn med Hagar. efterkommere: Nebajot, den førstefødte, Kedar, Adbe’el, Mibsam, 14Mishma, Duma, Massa, 15Hadad, Tema, Jetur, Nafish og Kedma. 16Disse 12 sønner blev stamfædre til de 12 stammer, som er opkaldt efter dem. 17Ishmael var 137 år gammel, da han døde. 18Hans efterkommere slog sig ned i området fra Havila til Shur nordøst for Egyptens grænse ved vejen til Assyrien. De lå konstant i krig med hinanden.

Jakob køber førstefødselsretten

19Det følgende er Isaks slægtshistorie: Isak var søn af Abraham. 20Da han var 40 år gammel, giftede han sig med Rebekka, en datter af aramæeren Betuel fra Paddan-Aram, og søster til Laban. 21Isak bad til Herren for Rebekka, for hun kunne ikke blive gravid. Og Herren hørte Isaks bøn: Rebekka blev gravid 22med tvillinger, og hun følte det, som om drengene sloges inde i hende. „Hvorfor sker sådan noget for mig?” klagede hun. Så gik hun hen og spurgte Herren.

23Herrens svar lød: „Sønnerne i dit moderliv bliver stamfædre til to rivaliserende folkeslag. Den ene bliver stærkere end den anden, og den ældste kommer til at tjene den yngste.”

24Da tiden kom, hvor Rebekka skulle føde, var det ganske rigtigt tvillinger. 25Den første, der kom ud, var rødlig og lodden som en skindkappe med hår over hele kroppen. Ham kaldte de Esau. 26Den anden tvilling blev født med hånden om Esaus hæl, og derfor kaldte de ham Jakob.25,26 Det minder om det hebraiske ord for „hæl”, men det minder også om ordet for „den, der udnytter andre”. Isak var 60 år gammel, da tvillingerne blev født.

27Som drengene voksede op, blev Esau en dygtig jæger og færdedes meget ude i de øde områder, hvorimod Jakob var en stille natur og blev hjemme ved teltene. 28Isak holdt mest af Esau, fordi han elskede kødet fra de vildtlevende dyr. Men Rebekka holdt mest af Jakob.

29En dag, da Jakob var ved at lave mad, kom Esau træt og sulten hjem fra en jagttur. Esau udbrød:

30„Giv mig noget af det røde der. Jeg er ved at dø af sult!” Derfor fik han også navnet Edom.25,30 Det betyder: „rød”.

31„Du må først sælge mig din førstefødselsret,” svarede Jakob.

32„Hvad bryder jeg mig om min førstefødselsret, når jeg er ved at dø af sult?” sagde Esau.

33„Sværg så på, at førstefødselsretten er min!” vedblev Jakob. Så svor Esau og solgte dermed sine rettigheder som ældste søn til sin yngre bror Jakob. 34Jakob serverede nu brød og stuvede, røde linser for Esau, og da han havde spist og drukket, rejste han sig og gik sin vej. Sådan ringeagtede Esau sin førstefødselsret.