Genesis 23 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 23:1-20

Namatay si Sara, at Bumili si Abraham ng Paglilibingan.

1Nabuhay si Sara ng 127 taon. 2Namatay siya sa Kiriat Arba (na tinatawag ding Hebron) sa lupain ng Canaan. Labis ang paghihinagpis ni Abraham sa pagkamatay ni Sara.

3Ngayon, iniwan muna ni Abraham ang bangkay ng asawa niya at nakipagkita siya sa mga Heteo at sinabi sa kanila, 4“Nakatira ako rito sa lugar ninyo bilang isang dayuhan, kaya kung maaari ay pagbilhan din ninyo ako ng lupa na maaari kong paglibingan ng asawa ko.” 5Sumagot ang mga Heteo, 6“Ginoo, makinig ka muna sa amin. Kilala ka namin na isang tanyag na tao, kaya maaari mong ilibing ang asawa mo kahit saan na pinakamabuting libingan dito sa amin. Walang sinuman sa amin ang magkakait sa iyo ng kanyang libingan para mailibing mo ang asawa mo.”

7Yumukod agad si Abraham sa harapan ng mga Heteo. 8Pagkatapos, sinabi niya, “Kung payag kayo na rito ko ilibing ang asawa ko, tulungan nʼyo ako na kausapin si Efron na anak ni Zohar 9na ibenta niya sa akin ang kweba niya na nasa tabi ng bukirin niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo para maging akin ito at gawing libingan.”

10Naroon pala si Efron na nakaupo kasama ng mga kababayan niyang Heteo. Kaya sumagot siya kay Abraham na naririnig ng lahat ng Heteo na nagtitipon doon sa pintuan ng lungsod. 11Sinabi niya, “Sa harap ng mga kababayan ko ay ibinibigay ko sa iyo ang buong bukirin pati na ang kweba. Kaya maaari mo nang ilibing ang asawa mo.”

12Muling yumukod si Abraham tanda ng pagpapasalamat sa harapan ng mga Heteo. 13Kaya sinabi niya kay Efron na naririnig ng lahat, “Makinig kayo sa akin. Babayaran ko ang halaga ng bukirin. Tanggapin mo ang bayad ko para mailibing ko na doon ang asawa ko.”

14Sumagot si Efron, 15“Ginoo, ang lupa ay nagkakahalaga ng 400 pirasong pilak. Pero ano naman iyon sa ating dalawa. Sige, ilibing mo na ang asawa mo.”

16Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng 400 pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasihan noon ng mga mangangalakal. At ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.

17-18Kaya naging pag-aari ni Abraham ang bukid ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid. Saksi ang lahat ng Heteo na nagtipon doon sa pintuan ng lungsod. 19Inilibing agad ni Abraham si Sara sa kweba na nasa bukirin ng Macpela, na sakop ng lupain ng Canaan. Ang Macpela ay malapit sa Mamre na siyang Hebron. 20Kaya ang bukid pati ang kweba, na dating pagmamay-ari ng mga Heteo ay naging kay Abraham na at ginawa niya itong libingan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

创世记 23:1-20

亚伯拉罕买地葬撒拉

1撒拉享年一百二十七岁, 2迦南境内的基列·亚巴,即希伯仑去世。亚伯拉罕在那里痛哭,哀悼她。 3他从妻子尸体旁边站起来对人说: 4“我是寄居在你们这里的异乡人,请你们给我一块地,我好埋葬我的亡妻。” 5人回答说: 6“我主,请听我们说,你在我们中间是一位尊贵的王子,你可以选我们这里最好的坟地,没有人会反对你使用他的坟地埋葬你的妻子。” 7亚伯拉罕就向他们下拜,说: 8“如果你们真的准我安葬妻子,就请你们代我求琐辖的儿子以弗仑9请他当着你们的面,把他田地尽头的麦比拉洞按实价卖给我作坟地。”

10当时以弗仑正坐在人当中,于是他在城门口人聚集的地方当众答复亚伯拉罕说: 11“不可!我主,请听我说,我当着族人的面,把那块地和山洞送给你,你只管去安葬你的妻子!” 12亚伯拉罕向当地的人下拜, 13当众对以弗仑说:“你若愿意,请听我说,我要把地钱给你,请你收下,好让我安葬我的妻子。” 14以弗仑回答说: 15“我主,请听我说,四公斤半银子的地对你我来说算什么呢?去安葬你的妻子吧!” 16于是,亚伯拉罕就照以弗仑当众提出的价钱,按通用的重量单位秤了四公斤半银子给他。

17这样,以弗仑麦比拉、靠近幔利的那块地和山洞及地界内所有的树木, 18都归了亚伯拉罕。这是在城门口的人面前买下的。

19之后,亚伯拉罕把妻子撒拉安葬在迦南幔利附近、麦比拉田间的洞里。幔利就是希伯仑20这块人的地和其中的山洞从此成了亚伯拉罕家的坟地。