Genesis 21 – TCB & BPH

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 21:1-34

Ang Pagsilang ni Isaac

1Ngayon, inalala ng Panginoon si Sara ayon sa kanyang ipinangako. 2Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios. 3Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.

4Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Dios. 5Nang ipinanganak si Isaac, 100 taong gulang na si Abraham. 6Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. 7Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Pero nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”

8Lumaki si Isaac, at nang araw na naawat na siya sa pagsuso sa kanyang ina, nagdaos si Abraham ng isang malaking handaan.

Pinalayas si Hagar at si Ishmael

9Isang araw, nakita ni Sara na tinutukso ni Ishmael si Isaac. (Si Ishmael ay anak ni Abraham kay Hagar na Egipcio.) 10Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.” 11Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ishmael. 12Pero sinabi ng Dios sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ishmael at kay Hagar. Sundin mo ang sinabi ni Sara, dahil kay Isaac magmumula ang mga lahi na aking ipinangako. 13At tungkol naman kay Ishmael, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”

14Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beersheba na hindi alam kung saan sila pupunta. 15Nang naubos na ang kanilang tubig, iniwan niya ang anak niya sa ilalim ng isa sa mga mababang punongkahoy 16at lumakad siya na may layong mga 100 metro mula sa kanyang anak. Doon siya umupo at umiiyak na nagsabi sa kanyang sarili, “Hindi ko matitiis na pagmasdan ang kamatayan ng anak ko.”

17Ngayon, narinig ng Dios ang iyak ng bata. Kaya sinabi ng anghel ng Dios kay Hagar mula roon sa langit, “Ano ang gumugulo sa iyo Hagar? Huwag kang matakot; narinig ng Dios ang iyak ng anak mo. 18Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.” 19Pagkatapos, may ipinakita ang Dios sa kanya na isang balon. Pumunta siya roon at nilagyan ng tubig ang sisidlan niya. Pagkatapos, pinainom niya ang kanyang anak.

20-21Hindi pinabayaan ng Dios si Ishmael hanggang lumaki ito. Doon siya tumira sa ilang ng Paran at naging isa siyang mahusay na mamamana. Dumating ang panahon na pinapag-asawa siya ng kanyang ina sa isang Egipcio.

Ang Kasunduan nina Abraham at Abimelec

22Nang panahong iyon,21:22 Nang panahong iyon: Nang pinaalis ni Abraham si Hagar at si Ishmael; o, Nang namumuhay na sila sa ilang ng Paran. pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Dios sa lahat ng ginagawa mo. 23Kaya, mangako ka rito sa pangalan ng Dios na hindi mo ako pagtataksilan pati na ang aking mga lahi. Ipakita mo ang kabutihan mo sa akin at sa lugar na ito na tinitirhan mo ngayon, tulad din ng ipinakita kong kabutihan sa iyo.” 24Sumagot si Abraham, “Isinusumpa ko.”

25Pero dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya. 26Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.” 27Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan. 28Kumuha rin si Abraham ng pitong babaeng tupa at ibinukod ito. 29Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupa na ibinukod mo?” 30Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupa na ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.” 31Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beersheba.21:31 Beersheba: Ang ibig sabihin, pinanumpaang balon.

32Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beersheba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo. 33Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beersheba at sumamba siya sa Panginoon, ang Dios na walang hanggan. 34Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.

Bibelen på hverdagsdansk

1. Mosebog 21:1-34

Isaks fødsel

1Herren velsignede Sara, som han havde lovet: 2Hun blev gravid og fødte Abraham en søn i hans alderdom—på det tidspunkt, som Gud havde sagt. 3Abraham kaldte sin søn Isak. 4På ugedagen21,4 I Mellemøsten og Afrika tæller man dagene inklusivt. Udtrykket „på den ottende dag” svarer derfor til „syv dage efter” på dansk. Det er ugedagen efter fødslen. efter fødslen omskar Abraham sin søn Isak, sådan som Gud havde pålagt ham. 5Abraham var på det tidspunkt 100 år gammel.

6Ved den lejlighed sagde Sara: „Gud har fået mig til at le! Og alle, som hører om det her, vil le sammen med mig. 7Hvem turde sige til Abraham, at jeg kunne få et barn? Men nu har jeg født ham et barn i hans alderdom.”

Hagar og Ishmael sendes væk

8Drengen voksede til og blev vænnet fra. I den anledning holdt Abraham en stor fest. 9Men da Sara opdagede, at Ishmael drillede hendes søn Isak, 10sagde hun til Abraham: „Jag den slavekvinde og hendes søn bort, for slavekvindens søn skal ikke have del i arven sammen med min søn, Isak.” 11Det blev Abraham meget oprørt over, for Ishmael var trods alt også hans søn.

12Men Gud sagde til Abraham: „Vær ikke bekymret for slavekvinden og hendes søn. Gør som Sara siger! For det er gennem Isak, din slægt skal opbygges. 13Men jeg vil også gøre slavekvindens søn til et stort folk, fordi han er din søn.”

14Tidligt næste morgen kom Abraham med en pose mad og en skindsæk med vand til Hagar og drengen. Han anbragte provianten på hendes skulder og sendte dem af sted. De vandrede rundt på lykke og fromme i Be’ershebas ørken. 15Da vandbeholdningen slap op, efterlod hun drengen udmattet i skyggen af en busk. 16Så gik hun omkring hundrede meter væk og satte sig ned. „Jeg kan ikke holde ud at se ham dø,” sagde hun og brast i gråd.

17Men Gud hørte drengens klynken, og Herrens engel råbte fra Himlen: „Hagar, hvad er der i vejen? Du skal ikke være bange! Gud har hørt drengens klynken, dér hvor han ligger. 18Gå hen og hjælp ham op og trøst ham. Hans efterkommere skal blive et stort folk.” 19I det samme åbnede Gud hendes øjne, så hun fik øje på en kilde med vand. Hun fyldte straks vandsækken og gav drengen noget at drikke.

20-21Gud velsignede drengen. Han voksede op i Parans ørken og blev en dygtig bueskytte. Hans mor fandt en pige til ham fra Egypten, som han giftede sig med.

En pagt mellem Abraham og Abimelek

22Omkring den tid blev Abraham opsøgt af kong Abimelek og hans hærfører Pikol. „Der er ingen tvivl om, at Gud er med dig i alt, hvad du foretager dig,” sagde Abimelek. 23„Jeg vil derfor bede dig sværge i Guds navn, at du aldrig vil handle forræderisk imod mig eller mine børn eller børnebørn. Jeg har været loyal over for dig, så sværg nu på, at du altid vil være loyal over for mig og mit land, hvor du bor som gæst.”

24„Det sværger jeg på!” svarede Abraham. 25Men derefter beklagede han sig over, at Abimeleks folk med vold havde tilranet sig en af hans brønde. 26Dertil svarede Abimelek: „Det havde jeg ingen anelse om! Siden jeg ikke har hørt om det før, ved jeg ikke, hvem der er ansvarlig i den sag. Hvorfor har du ikke sagt det til mig noget før?”

27Derpå gav Abraham kong Abimelek nogle får og køer som tegn på den pagt, han indgik med ham. 28Men da Abraham satte yderligere syv lam til side, 29spurgte Abimelek: „Hvad vil du gøre med dem?” 30„De syv lam er en særlig gave—og en offentlig bekræftelse på, at brønden tilhører mig,” svarede Abraham. 31Fra da af kaldte man brønden Be’ersheba,21,31 Det betyder: „pagtsbrønden” eller „syvbrønden”. for det var der, de indgik deres pagt.

32Efter at pagten var indgået, vendte Abimelek og hans hærfører Pikol tilbage til filistrenes land. 33Men Abraham plantede en tamarisk ved pagtsbrønden, og tilbad Herren, den evige Gud, på det sted. 34Abraham boede som fremmed i filistrenes land i lang tid.