Genesis 15 – TCB & CST

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 15:1-21

Ang Kasunduan ng Dios at ni Abram

1Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi niya, “Abram, huwag kang matakot dahil ako ang magiging kalasag mo at gagantimpalaan kita.”

2Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, ano po ang halaga ng gantimpala nʼyo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak. Ang magiging tagapagmana ko po ay si Eliezer na taga-Damascus. 3Dahil hindi nʼyo po ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ng sambahayan ko ang magmamana ng mga ari-arian ko.”

4Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hindi siya ang magmamana ng mga ari-arian mo kundi ang sarili mong anak.” 5Pagkatapos, dinala siya ng Panginoon sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo.”

6Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.

7Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo15:7 Caldeo: Mga tao na nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia. para ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”

8Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”

9Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”

10Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa Panginoon. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kabiyak. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati. 11Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, pero binubugaw ito ni Abram.

12Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya. 13Pagkatapos, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Siguradong ang iyong mga lahi ay maninirahan sa ibang bansa, at gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon. 14Ngunit parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, aalis sila sa bansang iyon na dala ang maraming kayamanan. 15Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan. 16Lilipas muna ang apat na henerasyon bago makabalik dito ang mga lahi mo, dahil hindi pa umaabot sa sukdulan ang pagkakasala ng mga Amoreo para parusahan sila at paalisin sa lupaing ito.”

17Nang lumubog na ang araw at dumilim na, biglang may nakita si Abram na palayok na umuusok at nakasinding sulo, na dumaraan sa gitna ng mga hinating hayop. 18Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Egipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates. 19Ito ang lupain ng mga Keneo, Kenizeo, Kadmoneo, 20Heteo, Perezeo, Refaimeo, 21Amoreo, Cananeo, Gergaseo, at mga Jebuseo.”

Nueva Versión Internacional (Castilian)

Génesis 15:1-21

Dios hace un pacto con Abram

1Después de esto, la palabra del Señor vino a Abram en una visión:

«No temas, Abram.

Yo soy tu escudo,

y muy grande será tu recompensa».

2Pero Abram le respondió:

Señor y Dios, ¿para qué vas a darme algo, si aún sigo sin tener hijos, y el heredero15:2 heredero. Palabra de difícil traducción. de mis bienes será Eliezer de Damasco? 3Como no me has dado ningún hijo, mi herencia la recibirá uno de mis criados.

4―¡No! Ese hombre no ha de ser tu heredero —le contestó el Señor—. Tu heredero será tu propio hijo.

5Luego el Señor lo llevó afuera y le dijo:

―Mira hacia el cielo y cuenta las estrellas, a ver si puedes. ¡Así de numerosa será tu descendencia!

6Abram creyó al Señor, y el Señor se lo reconoció como justicia. 7Además, le dijo:

―Yo soy el Señor, que te hice salir de Ur de los caldeos para darte en posesión esta tierra.

8Pero Abram le preguntó:

Señor y Dios, ¿cómo sabré que voy a poseerla?

9El Señor le respondió:

―Tráeme una ternera, una cabra y un carnero, todos ellos de tres años, y también una tórtola y un pichón de paloma.

10Abram llevó todos estos animales, los partió por la mitad y puso una mitad frente a la otra, pero no partió las aves. 11Y las aves de rapiña comenzaron a lanzarse sobre los animales muertos, pero Abram las espantaba.

12Al anochecer, Abram cayó en un profundo sueño, y lo envolvió una oscuridad aterradora. 13El Señor le dijo:

―Debes saber que tus descendientes vivirán como extranjeros en tierra extraña, donde serán esclavizados y maltratados durante cuatrocientos años. 14Pero yo castigaré a la nación que los esclavizará, y luego tus descendientes saldrán en libertad y con grandes riquezas. 15Tú, en cambio, te reunirás en paz con tus antepasados, y te enterrarán cuando ya seas muy anciano. 16Cuatro generaciones después, tus descendientes volverán a este lugar, porque antes de eso no habrá llegado al colmo la iniquidad de los amorreos.

17Cuando el sol se puso y cayó la noche, aparecieron una hornilla humeante y una antorcha encendida, las cuales pasaban entre los animales descuartizados. 18En aquel día el Señor hizo un pacto con Abram. Le dijo:

―A tus descendientes les daré esta tierra, desde el río de Egipto hasta el gran río, el Éufrates. 19Me refiero a la tierra de los quenitas, los quenizitas, los cadmoneos, 20los hititas, los ferezeos, los refaítas, 21los amorreos, los cananeos, los gergeseos y los jebuseos.