Gawa 8 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 8:1-40

1-2Inilibing si Esteban ng mga taong may takot sa Dios, at labis nila siyang iniyakan.

Pinag-uusig ni Saulo ang mga Mananampalataya

Mula noon, nagsimula na ang matinding pag-uusig sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Kaya nagkawatak-watak ang mga mananampalataya sa buong lalawigan ng Judea at Samaria. Ang mga apostol lang ang hindi umalis sa Jerusalem. Si Saulo na sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban 3ay nagsumikap na wasakin ang iglesya. Kaya pinasok niya ang mga bahay-bahay at dinakip ang mga mananampalataya, lalaki man o babae, at dinala sa bilangguan.

Ipinangaral ang Magandang Balita sa Samaria

4Ang mga mananampalatayang nangalat sa ibaʼt ibang lugar ay nangaral ng Magandang Balita. 5Isa sa mga mananampalataya ay si Felipe. Pumunta siya sa isang lungsod ng Samaria at nangaral sa mga tao tungkol kay Cristo. 6Nang marinig ng mga tao ang mga sinabi ni Felipe at makita ang mga himalang ginawa niya, nakinig sila nang mabuti sa kanya. 7Maraming taong may masasamang espiritu ang pinagaling niya. Sumisigaw nang malakas ang masasamang espiritu habang lumalabas sa mga tao. Marami ring paralitiko at mga pilay ang gumaling. 8Kaya masayang-masaya ang mga tao sa lungsod na iyon.

9May tao rin doon na ang pangalan ay Simon. Matagal na niyang pinahahanga ang mga taga-Samaria sa kanyang kahusayan sa salamangka. Nagmamayabang siya na akala mo kung sino siyang dakila. 10Ang lahat ng tao sa lungsod, mahirap man o mayaman ay nakikinig nang mabuti sa kanya. Sinabi nila, “Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na ‘Dakilang Kapangyarihan.’ ” 11Matagal na niyang pinahahanga ang mga tao sa kanyang kahusayan sa salamangka, kaya patuloy silang naniniwala sa kanya. 12Pero nang mangaral si Felipe sa kanila ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios at tungkol kay Jesu-Cristo, sumampalataya at nagpabautismo ang mga lalaki at babae. 13Pati si Simon ay sumampalataya rin, at nang mabautismuhan na siya, sumama siya kay Felipe. Talagang napahanga siya sa mga himala at kamangha-manghang bagay na ginawa ni Felipe.

14Nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga taga-Samaria ay sumampalataya rin sa salita ng Dios, ipinadala nila roon sina Pedro at Juan. 15Pagdating nila sa Samaria, ipinanalangin nila ang mga mananampalataya roon na sanaʼy matanggap nila ang Banal na Espiritu. 16Sapagkat kahit nabautismuhan na sila sa pangalan ng Panginoong Jesus, hindi pa nila natatanggap ang Banal na Espiritu. 17Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, at natanggap nila ang Banal na Espiritu. 18Nakita ni Simon na sa pagpatong ng kamay ng mga apostol sa mga mananampalataya ay natanggap nila ang Banal na Espiritu. Kaya inalok niya ng pera sina Pedro at Juan at sinabi 19“Bigyan ninyo ako ng ganyang kapangyarihan, para ang sinumang patungan ko ng kamay ay makatanggap din ng Banal na Espiritu.” 20Pero sumagot si Pedro sa kanya, “Mawala ka sana at ang iyong pera! Sapagkat inaakala mong mabibili ng pera ang kaloob ng Dios. 21Wala kang bahagi sa gawain namin, dahil marumi ang puso mo sa paningin ng Dios. 22Kaya pagsisihan mo ang masama mong balak at manalangin ka sa Panginoon na patawarin ka sa iyong maruming pag-iisip. 23Sapagkat nakikita kong inggit na inggit ka at alipin ng kasalanan.” 24Sinabi ni Simon, “Kung maaari, manalangin din kayo sa Panginoon para sa akin upang hindi mangyari sa akin ang parusa na sinasabi ninyo.”

25Pagkatapos magpatotoo nina Pedro at Juan at mangaral ng mensahe ng Panginoon, bumalik sila sa Jerusalem. At nangaral din sila ng Magandang Balita sa mga baryo na dinaanan nila sa lalawigan ng Samaria.

Si Felipe at ang Opisyal na Taga-Etiopia

26May isang anghel ng Panginoon na nagsabi kay Felipe, “Pumunta ka agad sa timog, at sundan mo ang daan na mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” (Ang daang iyon ay bihira na lang daanan.) 27Kaya umalis si Felipe, at doon ay nakita niya ang taong taga-Etiopia. Pauwi na ito galing sa Jerusalem kung saan siya sumamba sa Dios. Mataas ang kanyang tungkulin dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng kayamanan ng Candace. (Ang Candace ay reyna ng Etiopia.) 28Nakasakay siya sa kanyang karwahe8:28 karwahe: sa Ingles, “chariot.” at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias. 29Sinabi ng Banal na Espiritu kay Felipe, “Puntahan mo at makisabay ka sa kanyang karwahe.” 30Kaya tumakbo si Felipe at inabutan niya ang karwahe. Narinig niyang nagbabasa ang opisyal ng aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe kung nauunawaan niya ang kanyang binabasa. 31Sumagot ang opisyal, “Hindi nga eh! Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at tumabi sa kanya. 32Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa:

“Hindi siya nagreklamo.

Katulad siya ng tupa na dinadala sa katayan,

o kayaʼy isang munting tupa na walang imik habang ginugupitan.

33Hinamak siya at hinatulan nang hindi tama.

Walang makapagsasabi tungkol sa kanyang mga lahi,

dahil pinaikli ang kanyang buhay dito sa lupa.”

34Sinabi ng opisyal kay Felipe, “Sabihin mo sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang sarili ba niya o ibang tao?” 35Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Jesus. 36Habang nagpapatuloy sila sa paglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng opisyal kay Felipe, “May tubig dito. May dahilan pa ba para hindi ako mabautismuhan?” [37Sumagot si Felipe sa kanya, “Maaari ka nang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sumagot ang opisyal, “Oo, sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ang Anak ng Dios.”] 38Pinahinto ng opisyal ang karwahe at lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. 39Pagkaahon nila sa tubig, bigla na lang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon. Hindi na siya nakita ng opisyal, pero masaya siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. 40Namalayan na lang ni Felipe na siyaʼy nasa lugar na ng Azotus.8:40 Azotus: o, Ashdod. Nangaral siya ng Magandang Balita sa mga bayan na dinadaanan niya hanggang makarating siya sa Cesarea.

Persian Contemporary Bible

اعمال رسولان 8:1-40

پراکنده شدن ايمانداران

1پولُس با كشته شدن استيفان موافق بود. از آن روز به بعد، شكنجه و آزار ايمانداران كليسای اورشليم شروع شد. به طوری كه همه به يهوديه و سامره فرار كردند. فقط رسولان در اورشليم باقی ماندند. 2ولی چند يهودی خداشناس جمع شدند و جنازهٔ استيفان را به خاک سپردند. ايشان از اين پيش‌آمد بسيار اندوهگين بودند. 3اما پولس همه جا می‌رفت و ايمانداران به مسيح را شكنجه می‌داد. او وارد خانه‌های مردم می‌شد و مردان و زنان را به زور بيرون می‌كشيد و به زندان می‌انداخت.

فيليپ در سامره بشارت می‌دهد

4ولی ايماندارانی كه از اورشليم گريخته بودند به هر جا می‌رفتند پيغام عيسی را به مردم می‌رساندند. 5فيليپ نيز به شهر سامره رفت و پيغام عيسی را در آنجا اعلام نمود. 6مردم، به خاطر معجزات او، به دقت به سخنان او گوش می‌دادند. 7ارواح ناپاک نيز با فريادهای بلند از وجود ديوانگان بيرون می‌آمدند، و مفلوجان و لنگان شفا می‌يافتند. 8از اين جهت، آن شهر غرق در شادی شد!

9‏-11در ضمن در سامره مردی بود به نام شمعون كه سالهای سال جادوگری می‌كرد. او در اثر چشمبندی‌هایش بسيار بانفوذ و مغرور شده بود، تا جايی كه اهالی سامره اغلب از او به عنوان «مرد بزرگ» و «قدرت خدا» ياد می‌كردند. 12اما وقتی مردم به پيغام فيليپ دربارهٔ ملكوت خدا و عيسی مسيح ايمان آوردند، هم مردان و هم زنان غسل تعميد گرفتند. 13سپس شمعون نيز ايمان آورده، غسل تعميد گرفت. او از فيليپ جدا نمی‌شد و از معجزات او مات و مبهوت می‌ماند.

14وقتی رسولان در اورشليم شنيدند كه اهالی سامره پيغام خدا را قبول كرده‌اند، پطرس و يوحنا را به آنجا فرستادند. 15وقتی ايشان به سامره رسيدند، برای نوايمانان دعا كردند تا روح‌القدس را بيابند، 16زيرا ايشان فقط به نام عيسای خداوند تعميد گرفته بودند و هنوز روح‌القدس بر هيچيک از ايشان نازل نشده بود. 17پس پطرس و يوحنا دستهای خود را بر سر اين نوايمانان گذاشتند و ايشان نيز روح‌القدس را يافتند.

18وقتی شمعون ديد كه با قرار گرفتن دستهای رسولان بر سر مردم، روح‌القدس عطا می‌شود، مبلغی پول نزد پطرس و يوحنا آورد تا اين قدرت را بخرد. 19او گفت: «به من نيز اين قدرت را بدهيد تا هر وقت دست بر سر كسی می‌گذارم، روح‌القدس را بيابد!»

20اما پطرس جواب داد: «پولت با تو نابود باد! گمان می‌كنی هديهٔ خدا را می‌توان با پول خريد! 21تو از اين نعمت بی‌نصيب هستی، چون دلت نزد خدا پاک نيست. 22از اين شرارت دست بردار و دعا كن تا شايد خدا اين افكار ناپاكت را ببخشد. 23زيرا می‌بينم كه حسادت و گناه، دلت را سياه كرده است!»

24شمعون با التماس گفت: «برای من دعا كنيد تا بلايی بر سرم نيايد!»

25پطرس و يوحنا آنچه خدا در زندگی آنان كرده بود، برای ايمانداران سامره تعريف كردند و كلام خداوند را به آنان تعليم دادند. آنگاه به اورشليم بازگشتند. سر راهشان به چند روستا نيز سر زدند و پيغام خدا را به اهالی آنجا نيز بشارت دادند.

فيليپ و خزانه‌دار حبشه

26پس از اين واقعه، فرشتهٔ خداوند به فيليپ گفت: «برخيز و رو به جنوب به راهی برو كه از اورشليم به بيابان غزه می‌رود.» 27پس فيليپ به طرف آن جاده به راه افتاد. وقتی به آنجا رسيد به خزانه‌دار مملكت حبشه برخورد كه در دربار «كنداكه»، ملكهٔ حبشه، نفوذ و قدرت فراوانی داشت. او برای زيارت خانهٔ خدا به اورشليم رفته بود، 28و حالا با كالسكه به وطن خود باز می‌گشت. در ضمن كتاب اشعيای نبی را با صدای بلند می‌خواند.

29روح خدا به فيليپ گفت: «تندتر برو تا به كالسكه برسی.»

30فيليپ جلو دويد و شنيد كه چه می‌خواند. پس پرسيد: «آيا می‌فهميد چه نوشته است؟»

31مرد حبشی جواب داد: «نه، وقتی كسی نيست به من بياموزد، چگونه بفهمم؟» پس، از فيليپ خواهش كرد كه سوار كالسكه شود و كنار او بنشيند.

32آن قسمتی كه از كتاب آسمانی می‌خواند، اين بود:

«همچنانكه گوسفند را به سوی كشتارگاه می‌برند، او را نيز به كشتارگاه بردند. او مثل گوسفندی كه پشمهايش را می‌چينند، لب به اعتراض نگشود. 33او فروتن بود؛ از این رو هرگونه بی‌عدالتی در حق او روا داشتند. چه كسی می‌تواند از نسل او سخن بگويد؟ زيرا حيات او از زمين برداشته شد.»

34خزانه‌دار حبشی از فيليپ پرسيد: «آيا اشعيا اين چيزها را دربارهٔ خودش می‌گفت يا دربارهٔ ديگری؟»

35آنگاه فيليپ از آن نوشتهٔ آسمانی شروع كرد و با استفاده از قسمتهای ديگر كتاب آسمانی، پيام نجاتبخش عيسی را به او رسانيد.

36همچنانكه كالسكه پيش می‌رفت، به يک بركهٔ آب رسيدند. مرد حبشی گفت: «نگاه كن! اين هم آب! آيا امكان دارد حالا غسل تعميد بگيرم؟»

37فيليپ جواب داد: «اگر با تمام وجودت ايمان آورده‌ای، امكان دارد.»

جواب داد: «من ايمان دارم كه عيسی مسيح، فرزند خداست.»

38پس كالسكه را نگاه داشتند و هر دو داخل آب رفتند و فيليپ او را تعميد داد.

39وقتی از آب بيرون آمدند، روح خداوند فيليپ را برداشت و برد و خزانه‌دار حبشی ديگر او را نديد، ولی راه خود را با خوشحالی پيش گرفت و رفت. 40اما فيليپ خود را در شهر اشدود يافت. پس هم در آنجا و هم در شهرهای سر راه خود، پيغام خدا را به مردم رساند تا به شهر قيصريه رسيد.