Gawa 7 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 7:1-60

Ang Pangangaral ni Esteban

1Nagtanong ang punong pari kay Esteban, “Totoo ba ang sinasabi ng mga taong ito?” 2Sumagot si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan ninyo ako. Noong unang panahon, nagpakita ang makapangyarihang Dios sa ating ninunong si Abraham noong siyaʼy nasa Mesopotamia pa, bago siya lumipat sa Haran. 3Sinabi ng Dios sa kanya, ‘Lisanin mo ang iyong bansa, ang mga kamag-anak mo at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.’7:3 Gen. 12:1. 4Kaya umalis si Abraham sa bayan ng Caldeo at doon siya nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinapunta siya ng Dios sa lugar na ito na tinitirhan natin ngayon. 5Noong panahong iyon, hindi pa binibigyan ng Dios si Abraham ng kahit kapirasong lupa. Pero nangako ang Dios na ang lugar na ito ay ibibigay niya kay Abraham at sa kanyang mga lahi. Wala pang anak si Abraham nang ipinangako ito ng Dios. 6Sinabi rin ng Dios sa kanya, ‘Ang iyong mga lahi ay maninirahan sa ibang bansa, at gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon. 7Ngunit parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, aalis sila sa bansang iyon at babalik sa lugar na ito, at dito sila sasamba sa akin.’ 8At bilang tanda ng kanyang pangako, nag-utos ang Dios kay Abraham na ang lahat ng lalaki ay dapat tuliin. Kaya nang isilang ang kanyang anak na si Isaac, tinuli niya ito noong walong araw pa lang. Ganito rin ang ginawa ni Isaac sa kanyang anak na si Jacob. At ginawa rin ito ni Jacob sa kanyang 12 anak na siyang pinagmulan nating mga Judio.

9“Si Jose na isa sa mga 12 anak ni Jacob ay kinainggitan ng mga kapatid niya, kaya ipinagbili nila siya. Dinala siya sa Egipto at naging alipin doon. Pero dahil ang Dios ay kasama ni Jose, 10tinulungan siya nito sa lahat ng mga paghihirap na kanyang dinanas. Binigyan din siya ng Dios ng karunungan, kaya nagustuhan siya ng Faraon, ang hari ng Egipto. Ginawa siya ng hari na tagapamahala ng buong Egipto at ng lahat ng kanyang ari-arian. 11Dumating ang taggutom sa buong Egipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain. 12Kaya nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Egipto, pinapunta niya roon ang kanyang mga anak, na siyang ating mga ninuno. Iyon ang una nilang pagpunta sa Egipto. 13Sa ikalawang pagpunta nila, nagpakilala na si Jose na siyaʼy kapatid nila, at sinabi rin niya sa Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya. 14Pagkatapos, ipinag-utos ni Jose na papuntahin ang ama niyang si Jacob sa Egipto kasama ang kanyang buong pamilya. (Mga 75 silang lahat.) 15Kaya pumunta si Jacob at ang ating mga ninuno sa Egipto. Doon sila nanirahan at doon na rin namatay. 16Dinala ang kanilang mga bangkay sa Shekem at inilibing sa libingang binili ni Abraham noon sa mga anak ni Hamor.

17“Nang malapit nang matupad ang pangako ng Dios kay Abraham, lalo pang dumami ang ating mga ninuno na naroon sa Egipto. 18Dumating din ang araw na nagkaroon ng bagong hari ang Egipto na hindi kilala si Jose. 19Dinaya ng haring ito ang ating mga ninuno at pinagmalupitan. Pinilit niya silang itapon ang kanilang sanggol para mamatay. 20Iyon din ang panahon nang isilang si Moises, isang bata na kinalugdan ng Dios. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan. 21At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at inalagaan na parang tunay niyang anak. 22Tinuruan si Moises ng lahat ng karunungan ng Egipto, at naging dakila sa salita at sa gawa.

23“Nang si Moises ay 40 taon na, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita. 24Nakita niya na pinagmamalupitan ng isang Egipcio ang isa niyang kababayan. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Egipcio. 25Sa ginawa niyang iyon inakala niya na mauunawaan ng mga Israelita na siya ang gagamitin ng Dios sa pagpapalaya sa kanila. Pero hindi nila ito naunawaan. 26Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Pareho kayong mga Israelita. Bakit kayo nag-aaway?’ 27Pero itinulak siya ng lalaking nang-aapi at sinabi, ‘Sino ang nagtalaga sa iyo para maging pinuno at hukom namin? 28Ano, papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo roon sa Egipcio kahapon?’ 29Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa Midian. Doon siya nanirahan at nag-asawa, at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.

30“Pagkalipas ng 40 taon, may isang anghel na nagpakita kay Moises habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai. Nakita ni Moises ang anghel sa nagliliyab na mababang punongkahoy. 31Namangha si Moises sa kanyang nakita, kaya nilapitan niya ito para tingnan. Nang papalapit na siya, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, 32‘Ako ang Dios ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nang marinig ito ni Moises, nanginig siya sa takot at hindi na nangahas pang tumingin. 33Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil banal ang lugar na kinatatayuan mo. 34Nakikita ko ang mga paghihirap na tinitiis ng aking mga mamamayan sa Egipto, at narinig ko rin ang kanilang mga pagtangis. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil susuguin kita sa Egipto.’

35“Ito ang Moises na itinakwil noon ng kanyang mga kapwa Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga sa iyo para maging pinuno at hukom namin?’ Pero siya ang sinugo ng Dios na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na kanyang nakita roon sa nagliliyab na mababang punongkahoy. 36Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa Egipto. Gumawa siya ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa Egipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng 40 taon. 37Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga ang Dios sa inyo ng isang propeta na katulad ko na sa inyo rin manggagaling.’ 38Nang naroon na ang ating mga ninuno sa disyerto, si Moises din ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya natanggap ang salita ng Dios na nagbibigay ng buhay para ibigay din sa atin.

39Pero nang hindi pa nakakabalik si Moises galing sa bundok, hindi tinupad ng ating mga ninuno ang ipinagawa sa kanila ni Moises. Itinakwil nila si Moises bilang kanilang pinuno, dahil gusto nilang bumalik sa Egipto. 40Sinabi nila kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin, dahil hindi namin alam kung ano na ang nangyari kay Moises na nagpalabas sa amin sa Egipto.’ 41Pagkatapos, gumawa sila ng dios-diosang kaanyo ng guya.7:41 guya: sa Ingles, “calf.” Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay. 42Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Dios at hinayaan na lang na sumamba sa mga bituin sa langit. Ganito ang isinulat ng mga propeta:

‘Kayong mga Israelita, naghandog kayo ng ibaʼt ibang uri ng handog sa loob ng 40 taon doon sa disyerto.

Ngunit hindi ako ang inyong pinaghandugan.

43Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong dios-diosan na si Molec,

at ang bituing imahen ng inyong dios-diosang si Refan.

Ginawa ninyo ang mga iyon upang sambahin.

Kaya itataboy ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’ ”

44Sinabi pa ni Esteban, “Nang naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, may tolda sila kung saan naroon ang presensya ng Dios. Ginawa ang Tolda ayon sa utos ng Dios kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya. 45Nang namatay na ang ating mga ninuno, ang kanilang mga anak naman ang nagdala ng tolda. Ang kanilang pinuno ay si Josue. Napasakanila ang lupain na ipinangako ng Dios matapos itaboy ng Dios ang mga nakatira roon. At nanatili roon ang tolda hanggang sa panahon ng paghahari ni David. 46Hiniling ni David sa Dios na pahintulutan siyang magpatayo ng bahay para sa Dios para makasamba roon ang mga lahi ni Jacob. Pero hindi siya pinayagan, kahit nalulugod ang Dios sa kanya. 47Sa halip, si Solomon ang nagtayo ng templo ng Dios.

48“Pero ang Kataas-taasang Dios ay hindi tumitira sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,

49‘Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang tuntungan ng aking mga paa. Kaya anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? Saan ba ang lugar na aking mapagpapahingahan? 50Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay?’ ”

51Pagkatapos, sinabi ni Esteban, “Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa mga mensahe ng Dios, dahil ayaw ninyong sumunod sa mga sinasabi niya sa inyo. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa ugali ng inyong mga ninuno. 52Walang propeta sa kanilang kapanahunan na hindi nila inusig. Ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod7:52 Matuwid na Lingkod: Ang ibig sabihin, si Jesus. ay pinatay nila. At pagdating dito ni Jesus, kayo ang siyang nagkanulo at pumatay sa kanya. 53Tumanggap kayo ng Kautusan na ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi ninyo sinunod.”

Ang Pagbato kay Esteban

54Nang marinig iyon ng mga miyembro ng Korte, galit na galit sila kay Esteban. Nagngalit ang kanilang mga ngipin sa matinding galit. 55Pero si Esteban na puspos ng Banal na Espiritu ay tumingala sa langit, at nakita niya ang nagniningning na kapangyarihan ng Dios at si Jesus na nakatayo sa kanan nito. 56Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukas ang langit at nakatayo si Jesus na Anak ng Tao sa kanan ng Dios!” 57Sumigaw ang mga miyembro ng Korte at tinakpan nila ang kanilang mga tainga para hindi nila marinig ang sinasabi ni Esteban. At sabay-sabay silang sumugod sa kanya. 58Kinaladkad nila si Esteban palabas ng lungsod at binato. Hinubad ng mga saksing laban kay Esteban ang kanilang balabal at iniwan sa isang binatang ang pangalan ay Saulo. 59Habang binabato nila si Esteban, nananalangin siya. Sinabi niya, “Panginoong Jesus, tanggapin nʼyo po ang aking espiritu.” 60Pagkatapos, lumuhod siya at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag nʼyo silang papanagutin sa kasalanang ito na ginawa nila.” At pagkasabi niya nito, namatay siya.

Ang Pulong Sa Dios

Binuhatan 7:1-60

Ang Pakigpulong ni Esteban

1Ug nangutana ang pangulong pari kang Esteban, “Unsa, tinuod ba ang gisulti niining mga tawhana?” 2Miingon si Esteban, “Mga kaigsoonan ug mga ginikanan, paminawa ninyo ako. Niadtong unang panahon ang Dios nga makagagahom nagpakita sa atong amahan nga si Abraham sa dihang didto pa siya sa Mesopotamia sa wala pa siya mobalhin pagpuyo didto sa Haran. 3Miingon ang Dios kang Abraham, ‘Biyai ang imong nasod ug ang imong mga kaparyentehan ug adto sa dapit nga akong itudlo kanimo.’7:3 Tan-awa usab ang Gen. 12:1. 4Busa mibiya si Abraham sa nasod sa Kaldea ug mipuyo didto sa Haran. Sa pagkamatay sa iyang amahan gipaanhi siya sa Dios dinhi niining dapita nga ato karong gipuy-an. 5Niadtong higayona wala pa hatagi sa Dios si Abraham bisag gamay na lang nga yuta. Apan nagsaad ang Dios nga kining maong dapit ihatag niya kaniya ug sa iyang mga kaliwat. Wala pay anak si Abraham sa dihang gisaad kadto sa Dios kaniya. 6Miingon ang Dios kaniya, ‘Ang imong mga kaliwat sa kaulahian mopuyo sa laing nasod, ug didto himuon silang mga ulipon ug daog-daogon sila sulod sa upat ka gatos ka tuig. 7Apan silotan ko ang nasod nga moulipon kanila. Pagkahuman, biyaan nila kadto nga nasod ug mobalik dinhi niini nga dapit ug dinhi sila mosimba kanako.’7:7 Tan-awa usab ang Gen. 15:13-14. 8Ug ingon nga ilhanan sa iyang saad gisultihan sa Dios si Abraham nga kinahanglang tulion ang tanang mga lalaki. Busa sa pagkatawo sa iyang anak nga si Isaac, gituli niya kini samtang walo pa lamang ka adlaw. Mao usab kini ang gihimo ni Isaac kang Jacob nga iyang anak. Ug si Jacob mihimo usab niini sa iyang 12 ka mga anak nga maoy mga kagikan natong mga Judio.

9“Si Jose nga usa sa 12 ka mga anak ni Jacob gikasinahan sa iyang mga igsoon, busa gibaligya nila siya. Ug gidala siya didto sa Ehipto ug didto nahimong ulipon. Apan tungod kay ang Dios nagauban kang Jose, 10gitabangan niya siya sa tanang mga pag-antos nga iyang giagian. Gihatagan usab siya sa Dios ug kaalam, busa nagustohan siya sa Faraon, ang hari sa Ehipto. Ang hari naghimo kaniyang pangulo sa tibuok Ehipto ug sinaligan sa tanan niyang kabtangan. 11Sa kaulahian miabot ang dakong kagutom sa tibuok Ehipto ug sa Canaan. Nagaantos gayod ang mga tawo, ug ang atong mga katigulangan wala gayoy makuhaan sa ilang pagkaon. 12Busa sa pagkadungog ni Jacob nga may pagkaon didto sa Ehipto, gipaadto niya didto ang iyang mga anak, nga mao ang atong mga katigulangan. Mao kadto ang una nilang pag-adto sa Ehipto. 13Sa ikaduha na nilang pag-adto didto, nagpaila kanila si Jose nga siya ilang igsoon, ug gisulti usab niya sa Faraon ang mahitungod sa iyang pamilya. 14Unya nagtugon si Jose nga paadtoon didto sa Ehipto ang iyang amahan nga si Jacob uban sa tibuok niyang pamilya. (Mga 75 silang tanan.) 15Busa si Jacob ug ang atong mga katigulangan miadto sa Ehipto, ug didto na sila mipuyo hangtod nga nangamatay sila. 16Ang ilang mga patayng lawas gidala sa Shekem ug didto gilubong sa lubnganan nga gipalit ni Abraham niadtong unang panahon gikan sa mga anak ni Hamor.

17“Sa dihang hapit na matuman ang gisaad sa Dios kang Abraham, midaghan pa pag-ayo ang atong mga katigulangan didto sa Ehipto. 18Unya miabot ang adlaw nga bag-o na ang hari sa Ehipto. Wala kini makaila kang Jose. 19Gilimbongan niining maong hari ang atong mga katigulangan ug gidaog-daog. Gipugos niya sila nga ilabay nila ang ilang mga anak nga masuso aron mangamatay. 20Mao kadtong higayona nga natawo usab si Moises, usa ka bata nga nahimut-an sa Dios. Giatiman siya sa iyang mga ginikanan sa ilang balay sulod sa tulo ka bulan. 21Sa dihang gibilin na siya sa gawas sa balay, gikuha siya sa anak nga babaye sa Faraon ug giatiman siya ingon nga iyang kaugalingong anak. 22Gitudloan si Moises sa tanang kaalam sa Ehipto, ug nabantog siya tungod sa iyang mga pulong ug sa iyang binuhatan.

23“Sa dihang 40 na ka tuig si Moises nahunahunaan niya nga mobisita sa iyang mga kaigsoonang mga Israelinhon. 24Didto nakita niya ang usa kanila nga gidaog-daog sa Ehiptohanon. Gilabanan niya ang iyang igsoong Israelinhon ug agig panimalos gipatay niya ang Ehiptohanon. 25Sa gibuhat niya naghunahuna si Moises nga masabtan sa mga Israelinhon nga siya mao ang gamiton sa Dios sa pagluwas kanila. Apan wala sila makasabot. 26Sa sunod nga adlaw mibalik si Moises ug nakita niya ang duha ka Israelinhon nga nagaaway. Gusto niyang husayon ang duha, busa miingon siya kanila, ‘Pareho kamong mga Israelinhon. Nganong nagaaway man kamo?’ 27Apan giwakli siya sa nanaogdaog ug giingnan, ‘Kinsay naghimo kanimo nga pangulo ug maghuhukom kanamo? 28Unsa, patyon mo ba usab ako sama sa imong pagpatay sa Ehiptohanon kagahapon?’7:28 Tan-awa usab ang Exo. 2:14. 29Sa pagkadungog niini ni Moises mipalayo siya gikan sa Ehipto ug miadto sa Midian. Didto siya mipuyo ug naminyo ug didto usab nangatawo ang iyang duha ka anak nga lalaki.

30“Paglabay sa 40 ka tuig may usa ka anghel nga nagpakita kang Moises samtang didto siya sa kamingawan nga duol sa Bukid sa Sinai. Nakita ni Moises ang anghel diha sa nagdilaab nga sampinit. 31Natingala gayod si Moises sa iyang nakita, busa miduol siya sa sampinit aron susihon kon unsa kadto. Samtang nagpaduol siya nadunggan niya ang tingog sa Ginoo nga nakigsulti kaniya, 32‘Ako ang Dios sa imong mga katigulangan nga si Abraham, si Isaac, ug si Jacob.’7:32 Tan-awa usab ang Exo. 3:6. Pagkadungog niini ni Moises mikurog siya sa tumang kahadlok ug wala siya mangahas nga motan-aw. 33Ug miingon ang Dios kaniya, ‘Huboa ang imong sandalyas tungod kay balaan ang dapit nga imong gitindogan. 34Nakita ko gayod ang mga kalisod nga giantos sa akong piniling katawhan didto sa Ehipto, ug nadunggan ko usab ang ilang mga pag-agulo. Busa nanaog ako aron sa pagluwas kanila. Karon pangandam tungod kay ikaw ang akong ipadala didto sa Ehipto.’7:34 Tan-awa usab ang Exo. 3:5, 7-8, 10.

35“Mao kini ang Moises nga gisalikway kaniadto sa iyang mga kaigsoonang Israelinhon nga nagaingon, ‘Kinsa ang naghimo kanimo nga pangulo ug maghuhukom kanamo?’ Mao usab kini ang Moises nga gipadala sa Dios nga nahimong pangulo ug miluwas sa mga Israelinhon pinaagi sa tabang sa anghel nga iyang nakita didto sa nagdilaab nga sampinit. 36Si Moises mao ang nangulo sa mga Israelinhon pagawas gikan sa Ehipto. Naghimo siya ug mga milagro ug mga kahibulongang butang didto sa Ehipto, didto sa Pulang Dagat, ug didto sa kamingawan diin milatas sila sulod sa 40 ka tuig. 37Mao usab kini ang Moises nga miingon sa mga Israelinhon, ‘Ingon nga gipadala ako sa Dios kaninyo, magpadala pa gayod ang Dios diha kaninyo ug usa ka propeta nga sama kanako nga diha usab kaninyo magagikan.’7:37 Tan-awa usab ang Deu. 18:15. 38Samtang didto ang atong mga katigulangan sa kamingawan, si Moises usab ang tigpataliwala tali sa mga tawo ug sa anghel nga nakigsulti kaniya didto sa Bukid sa Sinai; ug didto siya midawat sa pulong sa Dios nga nagahatag sa kinabuhi aron ihatag usab kanato.”

39Apan sa dihang wala pa makabalik si Moises gikan sa bukid, ang atong mga katigulangan wala motuman sa gipahimo ni Moises kanila. Gisalikway nila si Moises ingon nga ilang pangulo, ug nangandoy silang mobalik sa Ehipto. 40Miingon sila kang Aaron, ‘Himoi kami ug mga dios nga maoy mag-una kanamo, tungod kay wala na kami mahibalo kon unsa nay nahitabo niadtong Moises nga nangulo kanamo pagawas sa Ehipto.’7:40 Tan-awa usab ang Exo. 32:1. 41Ug naghimo dayon sila ug dios-dios sa dagway sa nating baka ug gihalaran nila kini. Nagsaulog sila aron pasidunggan ang ilang hinimo. 42Sa ilang gihimo, gitalikdan sila sa Dios. Gipasagdan na lang niya sila nga mosimba sa mga bitoon sa langit. Mao kini ang gisulat sa mga propeta:

‘Kamong mga Israelinhon, sulod sa 40 ka tuig nga kamo atua didto sa kamingawan, nagpatay kamo ug mga hayop ug inyong gihalad.

Apan dili ako ang inyong gihalaran.

43Gidala-dala ninyo ang tolda sa inyong dios-dios nga si Moloc,

ug ang larawan sa bitoon nga inyong dios-dios nga si Refan.

Gihimo ninyo kini nga mga dios-dios aron simbahon.

Busa pasagdan ko nga bihagon kamo ngadto sa unahan pa sa Babilonia.’ ”7:43 Tan-awa usab ang Amos 5:25-27.

44Miingon pa gayod si Esteban didto sa Korte sa mga Judio: “Samtang didto pa ang atong mga katigulangan sa kamingawan, anaa kanila ang tolda nga diin anaa ang presensya sa Dios. Kadtong maong tolda gihimo sumala sa sugo sa Dios, sumala sa plano nga iyang gipakita ngadto kang Moises. 45Sa dihang nangamatay na ang atong mga katigulangan, ang ilang mga anak mao na usab ang nagdala sa tolda. Ang ilang pangulo mao si Josue. Naangkon nila ang mga yuta nga gisaad sa Dios human gipa-pahawa sa Dios ang mga tawo nga nagpuyo niadtong mga dapita. Ug didto nagpabilin ang tolda nga gidala-dala sa mga Israelinhon hangtod sa panahon nga si David ang nahimong hari. 46Gipangayo ni David sa Dios nga tugotan siya nga magpatukod ug balay alang sa Dios aron makasimba didto ang kaliwatan ni Jacob. Apan bisan ug nahimuot ang Dios kang David, wala niya siya tugoti. 47Si Solomon mao ang naghimo sa templo sa Dios.

48“Apan ang Dios nga labaw sa tanan dili mopuyo sa mga balay nga hinimog tawo. Sumala sa gisulti sa propeta, miingon ang Dios:

49‘Ang langit mao ang akong trono, ug ang yuta tumbanan ko sa akong mga tiil. Busa unsa pang matanga sa balay ang inyong himuon alang kanako? Asang dapita ako makapahulay?

50Dili ba ako man ang naghimo sa tanang mga butang?’ ”7:50 Tan-awa usab ang Isa. 66:1-2.

51Ug miingon si Esteban sa mga tawo didto sa Korte, “Pagkagahi gayod sa inyong mga ulo! Nagapabungol-bungol lamang kamo sa mga mensahe sa Dios tungod kay dili ninyo gusto nga motuman sa iyang mga gi-ingon kaninyo. Kanunay ninyong supakon ang Espiritu Santo. Sama gayod kamo sa inyong mga katigulangan. 52Walay propeta niadtong panahona nga wala nila lutosa. Bisan ang mga nagsulti mahitungod sa pag-abot sa Matarong nga Sulugoon7:52 Ang buot ipasabot, si Jesus. gipatay usab nila. Ug sa pag-abot dinhi ni Jesus, kamo mao ang nagluib ug mipatay kaniya. 53Nadawat ninyo ang kasugoan nga gihatag sa Dios pinaagi sa mga anghel, apan wala ninyo kini tumana.”

Gibato si Esteban

54Pagkadungog niini sa mga miyembro sa Korte, nasuko kaayo sila kang Esteban. Nagkagot gayod ang ilang mga ngipon sa hilabihang kasuko. 55Apan si Esteban nga gigamhan sa Espiritu Santo mihangad sa langit ug nakita niya ang gahom sa Dios nga nagasidlak ug si Jesus nga nagatindog sa tuong dapit sa Dios. 56Pagkakita niya niini miingon siya, “Tan-awa ninyo! Nakita ko nga naabli ang langit ug atua didto si Jesus nga Anak sa Tawo nga nagatindog sa tuong dapit sa Dios!” 57Misinggit ang mga miyembro sa Korte ug gitabonan nila ang ilang mga dalunggan aron dili nila madungog ang gisulti ni Esteban. Ug nagdungan sila sa paghasmag kaniya. 58Gidala nila si Esteban sa gawas sa siyudad ug didto gibato nila. Gihukas sa mga nagsaksi batok kang Esteban ang ilang mga kupo ug gibilin didto sa usa ka batan-on nga ginganlan ug Saulo aron mas sayon ang ilang pagbato kang Esteban. 59Samtang gibato nila si Esteban, nagaampo siya sa Ginoo nga nagaingon, “Ginoong Jesus, dawata ang akong espiritu.” 60Ug miluhod siya ug misinggit sa kusog nga tingog, “Ginoo, ayaw sila paningla niining sala nga ilang gihimo.” Ug sa pagsulti niya niini, namatay siya.