Gawa 28 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 28:1-31

Sa Malta

1Nang makaahon na kami at ligtas na sa panganib, nalaman namin na ang islang iyon ay tinatawag na Malta. 2Napakabait sa amin ng mga taga-roon at mabuti ang kanilang pagtanggap sa aming lahat. Nagsiga sila para makapagpainit kami, dahil umuulan at maginaw. 3Nanguha si Pablo ng isang bigkis ng kahoy na panggatong. Pero nang mailagay na niya ang mga kahoy sa apoy, biglang lumabas ang makamandag na ahas dahil sa init ng apoy, at tinuklaw ang kanyang kamay. 4Pagkakita ng mga taga-roon sa ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng dios ng katarungan na mabuhay pa siya.” 5Pero ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at hindi siya napano. 6Hinihintay ng mga tao na mamaga ang kamay ni Pablo o kayaʼy matumba siya at mamatay. Pero matapos nilang maghintay nang matagal, walang nangyari kay Pablo. Kaya nagbago ang kanilang iniisip. Sinabi nila, “Isa siyang dios!”

7Ang pangalan ng pinuno ng lugar na iyon ay si Publius. Ang kanyang lupa ay malapit lang sa lugar kung saan kami umahon. Mabuti ang kanyang pagtanggap sa amin, at doon kami tumuloy sa kanila sa loob ng tatlong araw. 8Nagkataon noon na ang ama ni Publius ay may sakit. May lagnat siya at disintirya. Kaya pumasok si Pablo sa kanyang silid at nanalangin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa may sakit at gumaling ito. 9Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng may sakit sa isla ay pumunta sa amin at pinagaling din sila. 10Marami silang ibinigay sa amin na regalo. At nang paalis na kami, binigyan pa nila kami28:10 binigyan pa nila kami: o, dinalhan pa nila kami sa barko. ng mga kakailanganin namin sa paglalakbay.

Mula Malta Papuntang Roma

11Matapos ang tatlong buwan na pananatili namin sa isla ng Malta, sumakay kami sa isang barkong nagpalipas doon ng tag-unos. Ang barkong itoʼy galing sa Alexandria, at nakalarawan sa unahan nito ang kambal na dios. 12Mula sa Malta, pumunta kami sa Syracuse at tatlong araw kami roon. 13Mula roon, bumiyahe kami hanggang sa nakarating kami sa Regium. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli. 14Doon may nakita kaming mga kapatid sa Panginoon. Hiniling nila sa amin na manatili roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma. 15Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Pamilihan ng Apius28:15 ng Apius: o, ni Apius. at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Dios at lumakas ang kanyang loob.

Sa Roma

16Pagdating namin sa Roma, pinahintulutan si Pablo na tumira kahit saan niya gusto, pero may isang sundalong magbabantay sa kanya.

17Pagkalipas ng tatlong araw, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng mga Judio sa Roma. Nang nagkakatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na wala akong nagawang kasalanan laban sa ating bayan o sa mga kaugaliang mula sa ating mga ninuno, dinakip nila ako sa Jerusalem at inakusahan sa gobyerno ng Roma. 18Nilitis ako ng mga Romanong opisyal, at nang malaman nila na wala akong nagawang masama para hatulan ng kamatayan, palalayain na sana nila ako. 19Pero tinutulan ng mga Judio, kaya napilitan akong lumapit sa Emperador, kahit wala akong paratang laban sa aking mga kababayan. 20Ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makita kayo, para makapagsalita ako sa inyo, dahil nakakadena ako ngayon dahil naniniwala ako sa inaasahan ng mga Judio.”

21Sinagot nila si Pablo, “Wala kaming natanggap na sulat mula sa Judea tungkol sa iyo. Ang mga kapwa natin Judio na dumating dito galing sa Jerusalem ay wala ring ibinalita o sinabi laban sa iyo. 22Pero gusto rin naming marinig kung ano ang iyong sasabihin, dahil alam namin na kahit saang lugar, minamasama ng mga tao ang sekta mong iyan.”

23Kaya nagtakda sila ng araw para magtipong muli. Pagdating ng araw na iyon, lalong dumami ang pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Pablo. Pinatunayan niya sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Dios, at ipinaliwanag niya ang tungkol kay Jesus sa pamamagitan ng mga Kautusan ni Moises at ng mga isinulat ng mga propeta para sumampalataya sila sa kanya. 24Ang iba ay naniwala sa kanyang sinabi, pero ang iba naman ay hindi. 25At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Pero bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias. 26Sapagkat sinabi niya,

‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa,

at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,

27dahil matigas ang puso ng mga taong ito.

Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata.

Dahil baka makakita sila at makarinig,

at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”28:27 Isa. 6:9-10.

28Sinabi pa ni Pablo, “Gusto ko ring sabihin sa inyo na ang salita ng Dios tungkol sa kaligtasan ay ibinalita na sa mga hindi Judio, at sila ay talagang nakikinig.” [29Pagkasabi nito ni Pablo, nag-uwian ang mga Judio na mainit na nagtatalo.]

30Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan. At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya. 31Tinuruan niya sila tungkol sa paghahari ng Dios at tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Hindi siya natakot sa kanyang pagtuturo at wala namang pumigil sa kanya.

New International Reader’s Version

Acts 28:1-31

On Shore at Malta

1When we were safe on shore, we found out that the island was called Malta. 2The people of the island were unusually kind. It was raining and cold. So they built a fire and welcomed all of us. 3Paul gathered some sticks and put them on the fire. A poisonous snake was driven out by the heat. It fastened itself on Paul’s hand. 4The people of the island saw the snake hanging from his hand. They said to one another, “This man must be a murderer. He escaped from the sea. But the female god Justice won’t let him live.” 5Paul shook the snake off into the fire. He was not harmed. 6The people expected him to swell up. They thought he would suddenly fall dead. They waited for a long time. But they didn’t see anything unusual happen to him. So they changed their minds. They said he was a god.

7Publius owned property nearby. He was the chief official on the island. He welcomed us to his home. For three days he took care of us. He treated us with kindness. 8His father was sick in bed. The man suffered from fever and dysentery. So Paul went in to see him. Paul prayed for him. He placed his hands on him and healed him. 9Then the rest of the sick people on the island came. They too were healed. 10The people of the island honored us in many ways. When we were ready to sail, they gave us the supplies we needed.

Paul Arrives in Rome

11After three months we headed out to sea. We sailed in a ship from Alexandria that had stayed at the island during the winter. On the front of the ship the figures of twin gods were carved. Their names were Castor and Pollux. 12We landed at Syracuse and stayed there for three days. 13From there we sailed to Rhegium. The next day the south wind came up. The day after that, we reached Puteoli. 14There we found some believers. They invited us to spend a week with them. At last we came to Rome. 15The believers there had heard we were coming. They traveled as far as the Forum of Appius and the Three Taverns to meet us. When Paul saw these people, he thanked God for them and was encouraged by them. 16When we got to Rome, Paul was allowed to live by himself. But a soldier guarded him.

Paul Preaches in Rome

17Three days later Paul called a meeting of the local Jewish leaders. When they came, Paul spoke to them. He said, “My brothers, I have done nothing against our people. I have also done nothing against what our people of long ago practiced. But I was arrested in Jerusalem. I was handed over to the Romans. 18They questioned me. And they wanted to let me go. They saw I wasn’t guilty of any crime worthy of death. 19But the Jews objected, so I had to make an appeal to Caesar. I certainly did not mean to bring any charge against my own people. 20I share Israel’s hope. That is why I am held with this chain. So I have asked to see you and talk with you.”

21They replied, “We have not received any letters from Judea about you. None of our people here from Judea has reported or said anything bad about you. 22But we want to hear what your ideas are. We know that people everywhere are talking against those who believe as you do.”

23They decided to meet Paul on a certain day. At that time even more people came to the place where he was staying. From morning until evening, he told them about God’s kingdom. Using the Law of Moses and the Prophets, he tried to get them to believe in Jesus. 24Some believed what he said, and others did not. 25They didn’t agree with one another. They began to leave after Paul had made a final statement. He said, “The Holy Spirit was right when he spoke to your people long ago. Through Isaiah the prophet the Spirit said,

26“ ‘Go to your people. Say to them,

“You will hear but never understand.

You will see but never know what you are seeing.”

27These people’s hearts have become stubborn.

They can barely hear with their ears.

They have closed their eyes.

Otherwise they might see with their eyes.

They might hear with their ears.

They might understand with their hearts.

They might turn, and then I would heal them.’ (Isaiah 6:9,10)

28-29“Here is what I want you to know. God has sent his salvation to the Gentiles. And they will listen!”

30For two whole years Paul stayed there in a house he rented. He welcomed all who came to see him. 31He preached boldly about God’s kingdom. He taught people about the Lord Jesus Christ. And no one could keep him from teaching and preaching about these things.