Gawa 22 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 22:1-30

1“Mga kapatid at mga magulang, pakinggan muna ninyo ang sasabihin ko bilang pagtatanggol sa aking sarili!” 2Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Hebreo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita: 3“Akoʼy isang Judiong ipinanganak sa Tarsus na sakop ng Cilicia, pero lumaki ako rito sa Jerusalem. Dito ako nag-aral at naging guro ko si Gamaliel. Sinanay akong mabuti sa Kautusan na sinunod din ng ating mga ninuno. Gaya ninyo ngayon, masigasig din akong naglilingkod sa ating Dios. 4Inusig ko at sinikap na patayin ang mga sumusunod sa pamamaraan ni Jesus. Hinuli ko sila at ikinulong, lalaki man o babae. 5Ang punong pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio ay makapagpapatunay sa lahat ng sinasabi ko. Sila mismo ang nagbigay sa akin ng sulat para sa mga kapatid nating Judio doon sa Damascus. At sa bisa ng sulat na iyon, pumunta ako sa Damascus para hulihin ang mga sumasampalataya kay Jesus at dalhin pabalik dito sa Jerusalem para parusahan.

Ikinuwento ni Pablo Kung Paano Niya Nakilala si Jesus

6“Tanghaling-tapat na noon at malapit na kami sa Damascus. Biglang kumislap sa aming paligid ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. 7Napasubsob ako sa lupa at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’ 8Nagtanong ako, ‘Sino po kayo?’ Sumagot ang tinig, ‘Akoʼy si Jesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.’ 9Nakita ng mga kasama ko ang liwanag pero hindi nila narinig22:9 hindi nila narinig: Maaaring ang ibig sabihin ay hindi nila naunawaan. ang boses na nagsasalita sa akin. 10At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damascus, at sasabihin sa iyo roon ang lahat ng iyong gagawin.’ 11Nabulag ako sa tindi ng liwanag. Kaya inakay ako ng aking mga kasama papuntang Damascus.

12“Doon sa Damascus, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Dios at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Judiong naninirahan doon. 13Pumunta siya sa akin at sinabi, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon din ay gumaling ako at nakita ko si Ananias. 14Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Dios ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at para makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Jesus. 15Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. 16Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon para maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

Inutusan si Pablo na Mangaral sa mga Hindi Judio

17“Pagkatapos, bumalik ako sa Jerusalem. At habang nananalangin ako sa templo, nagkaroon ako ng pangitain. 18Nakita ko si Jesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’ 19Sinabi ko sa kanya, ‘Ngunit bakit hindi sila maniniwala, Panginoon, samantalang alam nila na inikot ko noon ang mga sambahan ng mga Judio para hulihin at gulpihin ang mga taong sumasampalataya sa iyo? 20At nang patayin si Esteban na iyong saksi, naroon ako at sumasang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbabantay ng mga damit ng mga pumapatay sa kanya.’ 21Pero sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Umalis ka sa Jerusalem, dahil ipapadala kita sa malayong lugar para ipangaral mo ang Magandang Balita sa mga hindi Judio!’ ”

22Pagkasabi nito ni Pablo, ayaw na siyang pakinggan ng mga tao. Sumigaw sila, “Patayin ang taong iyan! Hindi siya dapat mabuhay dito sa mundo!” 23Patuloy ang kanilang pagsigaw, habang ibinabalibag nila ang kanilang mga damit at inihahagis ang alikabok paitaas.

24Kaya iniutos ng kumander sa kanyang mga sundalo na dalhin si Pablo sa loob ng kampo at hagupitin para ipagtapat niya ang kanyang nagawang kasalanan. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon na lamang ang sigawan ng mga tao laban sa kanya. 25Nang iginagapos na nila si Pablo para hagupitin, sinabi niya sa kapitan na nakatayo roon, “Naaayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang Romano kahit hindi pa napatunayang may kasalanan siya?” 26Nang marinig ito ng kapitan, pumunta siya sa kumander at sinabi, “Ano itong ipinapagawa mo? Romano pala ang taong iyon!” 27Kaya pumunta ang kumander kay Pablo at nagtanong, “Romano ka ba?” “Opo,” sagot ni Pablo. 28Sinabi ng kumander, “Ako rin ay naging Romano sa pamamagitan ng pagbayad ng malaking halaga.” Sumagot si Pablo, “Pero akoʼy isinilang na isang Romano!” 29Umurong agad ang mga sundalo na mag-iimbestiga sana sa kanya. Natakot din ang kumander dahil ipinagapos niya si Pablo, gayong isa pala siyang Romano.

Dinala si Pablo sa Korte ng mga Judio

30Gusto talagang malaman ng kumander kung bakit inaakusahan ng mga Judio si Pablo. Kaya kinabukasan, ipinatawag niya ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio. Pagkatapos, ipinatanggal niya ang kadena ni Pablo at iniharap siya sa kanila.

New International Reader’s Version

Acts 22:1-30

1“Brothers and fathers,” Paul began, “listen to me now. I want to give you reasons for my actions.”

2When they heard that he was speaking to them in Aramaic, they became very quiet.

Then Paul said, 3“I am a Jew. I was born in Tarsus in Cilicia, but I grew up here in Jerusalem. I studied with Gamaliel. I was well trained by him in the law given to our people long ago. I wanted to serve God as much as any of you do today. 4I hurt the followers of the Way of Jesus. I sent many of them to their death. I arrested men and women. I threw them into prison. 5The high priest and the whole Council can be witnesses of this themselves. I even had some official letters they had written to their friends in Damascus. So I went there to bring these people as prisoners to Jerusalem to be punished.

6“I had almost reached Damascus. About noon a bright light from heaven suddenly flashed around me. 7I fell to the ground and heard a voice speak to me. ‘Saul! Saul!’ it said. ‘Why are you opposing me?’

8“ ‘Who are you, Lord?’ I asked.

“ ‘I am Jesus of Nazareth,’ he replied. ‘I am the one you are opposing.’ 9The light was seen by my companions. But they didn’t understand the voice of the one speaking to me.

10“ ‘What should I do, Lord?’ I asked.

“ ‘Get up,’ the Lord said. ‘Go into Damascus. There you will be told everything you have been given to do.’ 11The brightness of the light had blinded me. So my companions led me by the hand into Damascus.

12“A man named Ananias came to see me. He was a godly Jew who obeyed the law. All the Jews living there respected him very much. 13He stood beside me and said, ‘Brother Saul, receive your sight!’ At that very moment I was able to see him.

14“Then he said, ‘The God of our people has chosen you. He wanted to tell you his plans for you. You have seen the Blameless One. You have heard words from his mouth. 15Now you will tell everyone about what you have seen and heard. 16So what are you waiting for? Get up and call on his name. Be baptized. Have your sins washed away.’

17“I returned to Jerusalem and was praying at the temple. Then it seemed to me that I was dreaming. 18I saw the Lord speaking to me. ‘Quick!’ he said. ‘Leave Jerusalem at once. The people here will not accept what you tell them about me.’

19“ ‘Lord,’ I replied, ‘these people know what I used to do. I went from one synagogue to another and put believers in prison. I also beat them. 20Stephen was a man who told other people about you. I stood there when he was killed. I had agreed that he should die. I even guarded the coats of those who were killing him.’

21“Then the Lord said to me, ‘Go. I will send you far away to people who are not Jews.’ ”

Paul the Roman Citizen

22The crowd listened to Paul until he said this. Then they shouted, “Kill him! He isn’t fit to live!”

23They shouted and threw off their coats. They threw dust into the air. 24So the commanding officer ordered that Paul be taken into the fort. He gave orders for Paul to be whipped and questioned. He wanted to find out why the people were shouting at him like this. 25A commander was standing there as they stretched Paul out to be whipped. Paul said to him, “Does the law allow you to whip a Roman citizen who hasn’t even been found guilty?”

26When the commander heard this, he went to the commanding officer and reported it. “What are you going to do?” the commander asked. “This man is a Roman citizen.”

27So the commanding officer went to Paul. “Tell me,” he asked. “Are you a Roman citizen?”

“Yes, I am,” Paul answered.

28Then the officer said, “I had to pay a lot of money to become a citizen.”

“But I was born a citizen,” Paul replied.

29Right away those who were about to question him left. Even the officer was alarmed. He realized that he had put Paul, a Roman citizen, in chains.

Paul Is Taken to the Sanhedrin

30The commanding officer wanted to find out exactly what the Jews had against Paul. So the next day he let Paul out of prison. He ordered a meeting of the chief priests and all the members of the Sanhedrin. Then he brought Paul and had him stand in front of them.