Gawa 15 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 15:1-41

Ang Pagpupulong sa Jerusalem

1May mga taong galing sa Judea na pumunta sa Antioc at nagturo sa mga kapatid doon na silang mga hindi Judio ay hindi maliligtas kung hindi sila magpapatuli ayon sa kaugaliang itinuro ni Moises. 2Hindi ito sinang-ayunan nina Pablo at Bernabe, at naging mainit ang pagtatalo nila tungkol dito. Kaya nagkaisa ang mga mananampalataya roon na papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang iba pang mga mananampalataya sa Antioc, para makipagkita sa mga apostol at sa mga namumuno sa iglesya tungkol sa bagay na ito.

3Kaya pinapunta ng iglesya sina Pablo. At nang dumaan sila sa Fenicia at sa Samaria, ibinalita nila sa mga kapatid na may mga hindi Judio na sumampalataya kay Cristo. Nang marinig nila ito, tuwang-tuwa sila. 4Pagdating nina Pablo sa Jerusalem tinanggap sila ng iglesya, ng mga apostol, at ng mga namumuno sa iglesya. Ibinalita nila ang lahat ng ginawa ng Dios sa pamamagitan nila. 5Pero tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga hindi Judio at utusang sumunod sa Kautusan ni Moises.”

6Kaya nagpulong ang mga apostol at ang mga namumuno sa iglesya para pag-usapan ang bagay na ito. 7Pagkatapos ng mahabang pag-uusap, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyo na pinili ako ng Dios noong una mula sa inyo para ituro ang Magandang Balita sa mga hindi Judio, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya. 8Alam ng Dios ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga hindi Judio, dahil binigyan din sila ng Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon. 9Sa paningin ng Dios, tayong mga Judio at silang mga hindi Judio ay pare-pareho lang. Dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila. 10Ngayon, bakit nʼyo sinusubukan ang Dios? Bakit nʼyo pinipilit ang mga hindi Judiong tagasunod ni Jesus na sumunod sa mga kautusan na kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi makasunod? 11Naniniwala tayo na maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, at ganito rin naman sa mga hindi Judio.”

12Nang marinig nila iyon, tumahimik silang lahat. At pinakinggan nila ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga himala at kamangha-manghang bagay na ginawa ng Dios sa mga hindi Judio sa pamamagitan nila. 13Pagkatapos nilang magsalita, sinabi ni Santiago, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin. 14Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Dios sa mga hindi Judio para may mga tao ring mula sa kanila na maging kanya. 15Itoʼy ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan,

16‘Pagkatapos nito, babalik ako,

at itatayo kong muli ang kaharian ni David na bumagsak.

Ibabangon ko itong muli mula sa pagkaguho,

17para hanapin ako ng ibang tao – ang lahat ng hindi Judio na aking tinawag na maging akin.

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito,

18at matagal ko na itong ipinahayag.’ ”

19Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga hindi Judio na lumalapit sa Dios. 20Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Iwasan nila ang sekswal na imoralidad. At huwag kakain ng dugo o karne ng hayop na namatay nang hindi tumulo ang dugo. 21Ito ang mga utos ni Moises na dapat nilang sundin para hindi mandiri ang mga Judio sa kanila, dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Judio sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”

Ang Sulat para sa mga Hindi Judio

22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga namumuno sa iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioc, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya, 23at sila ang magdadala ng sulat na ito:

Mula sa mga apostol at mga namumuno sa iglesya.

Mahal naming mga kapatid na hindi Judio riyan sa Antioc, Syria at Cilicia:

24“Nabalitaan namin na may mga taong mula rito sa amin na pumunta riyan at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro. Hindi namin sila inutusan na pumunta riyan at magturo ng ganoon. 25Kaya nang marinig namin ito, napagkaisahan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo para sabihin ang mga bagay na aming napagkasunduan. Kasama nila sina Bernabe at Pablo na minamahal nating mga kapatid. 26Sina Bernabe at Pablo ay naglaan ng kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 27Sasabihin din nina Judas at Silas na aming ipinadala sa inyo ang tungkol sa mga nilalaman ng sulat na ito. 28Nagkasundo kami ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu na huwag nang dagdagan pa ang mga dapat ninyong sundin maliban sa mga ito: 29Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan; huwag kayong kakain ng dugo o karne ng hayop na namatay nang hindi tumulo ang dugo. At iwasan ninyo ang sekswal na imoralidad. Mabuting iwasan ninyo ang mga bagay na ito. Hanggang dito na lang.”

30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioc, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang sulat. 31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng sulat na nakapagpasigla sa kanila. 32Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid para palakasin ang kanilang pananampalataya. 33Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa Jerusalem, sa mga nagpadala sa kanila. Pero bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [34Pero nagpasya si Silas na magpaiwan doon.] 35Nanatili sina Pablo at Bernabe ng ilang araw sa Antioc. Marami silang kasamang nagtuturo at nangangaral ng salita ng Panginoon.

Naghiwalay sina Pablo at Bernabe

36Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid para malaman natin ang kalagayan nila.” 37Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos. 38Pero ayaw pumayag ni Pablo, dahil noong una nakasama nila si Marcos pero iniwan sila nito noong nasa Pamfilia sila. 39Matindi ang kanilang pagtatalo, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at pumunta sila sa Cyprus. 40Isinama naman ni Pablo si Silas. Bago sila umalis, ipinanalangin sila ng mga kapatid na tulungan sila ng Panginoon sa kanilang paglalakbay. 41Pumunta sina Pablo sa Syria at sa Cilicia at pinatatag nila ang mga iglesya roon.

Persian Contemporary Bible

اعمال رسولان 15:1-41

شورای اورشليم

1در همان زمان كه پولس و برنابا در انطاكيه بودند، عده‌ای از يهوديه آمدند و به مسيحيان تعليم غلط داده، می‌گفتند: «اگر كسی به آداب و رسوم قديمی يهود وفادار نماند و ختنه نشود، محال است بتواند نجات پيدا كند.» 2پولس و برنابا در اين باره با ايشان به تفصيل گفتگو كردند تا بالاخره قرار شد مسيحيان انطاكيه، پولس و برنابا را با چند نفر از ميان خود به اورشليم بفرستند تا عقيدهٔ رسولان و كشيشان كليسای آنجا را در اين باره جويا شوند. 3پس ايشان با بدرقهٔ كليسا، به سوی اورشليم حركت كردند و سر راهشان، در شهرهای فينيقيه و سامره نيز به مسيحيان سر زدند و مژده دادند كه غيريهوديان هم مسيحی شده‌اند؛ و همه از شنيدن اين خبر شاد شدند.

4وقتی به اورشليم رسيدند اعضای كليسا و كشيشان و رسولان، ايشان را با آغوش باز پذيرفتند. فرستادگان نيز آنچه را كه خدا بوسيلهٔ ايشان انجام داده بود گزارش دادند. 5آنگاه چند نفر از مسيحيان كه قبلاً از فرقهٔ فريسيان بودند، برخاسته، گفتند: «تمام غيريهوديانی كه مسيحی شده‌اند بايد ختنه شوند و تمام آداب و رسوم يهود را نگاه دارند.» 6پس رسولان و كشيشان كليسا تصميم گرفتند در يک جلسهٔ ديگر به اين موضوع رسيدگی كنند.

7در اين جلسه، پس از مباحثهٔ بسيار، پطرس برخاست و به ايشان گفت: «برادران، شما همه می‌دانيد كه از مدتها پيش خدا مرا از ميان خودتان انتخاب كرد تا پيغام انجيل را به غيريهوديان برسانم تا ايشان آن را بشنوند و ايمان آورند. 8خدا كه از دل مردم باخبر است، روح‌القدس را همانطور كه به ما داد، به غيريهوديان نيز ارزانی داشت تا اين حقيقت را ثابت كند كه ايشان را نيز مانند ما می‌پذيرد.

9«پس خدا ميان ما و آنان هيچ فرقی نگذاشت، چون همانطور كه دل ما را با ايمان پاک كرد، دل آنان را نيز پاک نمود. 10حال، چرا می‌خواهيد از كار خدا ايراد بگيريد و باری روی دوش ديگران بگذاريد كه نه ما توانستيم حمل كنيم و نه اجداد ما؟ 11مگر ايمان نداريد كه با هديهٔ رايگان عيسای خداوند، همه يكسان نجات پيدا می‌كنند؟»

12بدين ترتيب، بحث خاتمه يافت. سپس حضار به برنابا و پولس گوش دادند و ايشان معجزاتی را كه خدا در ميان غيريهوديان به عمل آورده بود، بازگو كردند.

13پس از ايشان، نوبت به يعقوب رسيد. او برخاست و گفت: «برادران، گوش كنيد. 14پطرس برای شما بيان كرد كه چگونه خدا برای نخستين بار بر غيريهوديان ظاهر شد تا برای جلال خود، از ميان ايشان قومی جديد انتخاب كند. 15و اين درست همان است كه پيغمبران خدا پيشگويی كردند. برای مثال، عاموس نبی می‌گويد: 16خداوند می‌فرمايد: از اين پس باز می‌گردم و سلطنت افتادهٔ داوود را بر پا می‌دارم و خرابیهای آن را بنا می‌كنم 17تا غيريهوديان نيز بتوانند به سوی خدا بازگردند، يعنی تمام كسانی كه نام خود را بر ايشان مهر زده‌ام. 18اين است آنچه خداوند می‌گويد، خداوندی كه نقشه‌های ازلی خود را اكنون فاش می‌كند.

19«بنابراين، عقيدهٔ من اين است كه نبايد در مورد غيريهوديانی كه به سوی خدا باز می‌گردند، اصرار كنيم كه قوانين يهودی را نگاه دارند. 20فقط بنويسيم كه گوشت حيواناتی را كه برای بتها قربانی شده‌اند و خون و حيوانات خفه شده را نخورند و زنا نيز نكنند. 21چون سالهاست كه روزهای شنبه در هر شهر در كنيسه‌ها اين شريعت موسی موعظه شده است.»

نامه به ايمانداران غيريهودی

22پس رسولان و كشيشان كليسا با تمام اعضای كليسا رأی دادند كه دو نفر را همراه پولس و برنابا به انطاكيه بفرستند تا نتيجهٔ اين جلسه را به ايشان اطلاع دهند. اين دو نفر يكی يهودا معروف به برسابا بود و ديگری سيلاس. ايشان هر دو از افراد سرشناس كليسا بودند. 23متن نامه‌ای كه با خود بردند، از اين قرار بود:

«ما رسولان، كشيشان كليسا و برادران اهل اورشليم به شما برادران غيريهودی اهل انطاكيه، سوريه و قيليقيه سلام می‌رسانيم.

24«از قرار معلوم، بعضی از ايمانداران اينجا آمده، شما را مشوش ساخته و رنجانده‌اند و بدون دستور ما به شما گفته‌اند كه برای نجات يافتن، بايد شريعت يهود را نگاه داريد. 25پس، ما تصميم گرفتيم از طرف خود اين دو نماينده را همراه عزيزانمان برنابا و پولس نزد شما بفرستيم. 26‏-27نمايندگان ما، يهودا و سيلاس كه به خاطر خداوند ما عيسی مسيح هر دو از جان خود گذشته‌اند، به شما خواهند گفت كه نظر ما دربارهٔ مشكل شما چيست.

28‏-29«زيرا با هدايت روح‌القدس صلاح ديديم كه از قوانين يهود باری بر دوش شما نگذاريم. فقط گوشت حيواناتی كه برای بتها قربانی می‌شوند و گوشت حيوانات مردار و خون نخوريد و هرگز زنا نكنيد. اگر از اين چيزها بپرهيزيد كار خوبی خواهيد كرد. همين و بس.»

30اين چهار نفر بی‌درنگ به انطاكيه رفتند و تمام مسيحيان را دور هم جمع كردند و آن نامه را به ايشان دادند. 31وقتی نامه را خواندند بی‌اندازه شاد شدند.

32‏-33سپس، يهودا و سيلاس كه هر دو نبی بودند و خدا از طريق آنان به مؤمنين پيام می‌داد، مدتی در آنجا ماندند. آنان مسيحيان را نصيحت و تشويق می‌كردند كه در ايمان استوار باشند. سپس به اورشليم بازگشتند و سلامهای مسيحيان انطاكيه را به آنان رساندند. 34‏-35ولی پولس و برنابا در انطاكيه ماندند تا به همراه ديگران، كلام خدا را تعليم و بشارت می‌دادند.

جدايی پولس از برنابا

36پس از چندی، پولس به برنابا پيشنهاد كرد كه بازگردند و به شهرهايی كه قبلاً در آنجا موعظه كرده بودند سر بزنند تا ببينند مسيحيان جديد در چه حالند. 37برنابا موافقت كرد و خواست يوحنا معروف به مرقس را نيز با خود ببرند. 38ولی پولس با اين كار مخالف بود چون می‌گفت مرقس در پمفليه آنان را ترک نموده و با ايشان همكاری نكرده است. 39اختلاف آنان بر سر اين موضوع به قدری شدت گرفت كه از هم جدا شدند. برنابا و مرقس به قبرس رفتند؛ 40‏-41ولی پولس با سيلاس، پس از آنكه ايمانداران برای ايشان دعا كردند، به سوريه و قيليقيه رفتند تا كليساهای آنجا را تشويق و تقويت نمايند.