Ezekiel 43 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 43:1-27

Bumalik sa Templo ang Dakilang Presensya ng Dios

1Pagkatapos, dinala na naman ako ng tao sa daanan sa gawing silangan. 2At doon ay nakita ko na dumarating mula sa silangan ang makapangyarihang presensya ng Dios ng Israel. Ang tunog ng pagdating niya ay parang rumaragasang tubig at ang lupain ay lumiliwanag dahil sa kanyang dakilang presensya. 3Ang pangitaing ito ay katulad din ng pangitaing nakita ko noong winasak ng Dios ang lungsod ng Jerusalem, at tulad din ng pangitaing nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa.

4Pagkatapos, pumasok ang dakilang presensya ng Panginoon sa templo. Doon siya dumaan sa pintuan sa gawing silangan. 5Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon. 6Habang nakatayo ang tao sa tabi ko, may narinig akong tinig mula sa templo. 7Ang sinabi sa akin, “Anak ng tao, ito ang aking trono, at ang patungan ng aking paa. Dito ako mananahan kasama ng mga Israelita magpakailanman. Hindi na muling lalapastanganin ng mga Israelita maging ng kanilang mga hari ang aking pangalan, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan43:7 pagsamba sa mga dios-diosan: sa literal, pangangalunya ng lalaki., o sa mga monumento ng namatay nilang mga hari. 8Noong una, nagtayo sila ng mga altar para sa mga dios-diosan nila malapit sa altar ko at pader lang ang pagitan. Dinungisan nila ang banal kong pangalan sa pamamagitan ng kasuklam-suklam na gawang iyon. Kaya nilipol ko sila. 9Ngayoʼy kinakailangan na silang tumigil sa pagsamba sa mga dios-diosan at sa mga monumento ng namatay nilang mga hari. Sa gayon, mananahan akong kasama nila magpakailanman.”

10Sinabi pa ng tinig, “Anak ng tao, ilarawan mo sa mga mamamayan ng Israel ang templo na ipinakita ko sa iyo. Sabihin mo sa kanila ang anyo nito upang mapahiya sila dahil sa mga kasalanan nila. 11Kapag napahiya na sila sa lahat ng ginawa nila, ilarawan mo sa kanila kung paano gagawin ito, ang mga daanan, pinto, at ang buong anyo ng gusali. Isulat mo ang mga tuntunin sa pagpapagawa nito habang nakatingin sila para masunod nila ito nang mabuti. 12At ito ang pangunahing kautusan tungkol sa templo: Ituring ninyong banal ang lahat ng lugar sa paligid ng bundok doon sa itaas na pagtatayuan ng templo.

Ang Altar

13“Ito ang sukat ng altar ayon sa umiiral na panukat: Sa paligid ng altar ay gagawa kayo ng parang kanal na 20 pulgada ang luwang at 20 pulgada rin ang lalim at may sinepa sa paligid na anim na pulgada ang kapal. 14-17May tatlong palapag ang altar na parisukat lahat. Ang ibabang palapag ay 27 talampakan ang haba at luwang. Ang taas naman ay tatlong talampakan. Ang gitnang palapag ay 24 na talampakan ang haba at luwang at pitong talampakan naman ang taas. May kanal sa paligid nito na 20 pulgada ang lalim, at may sinepa sa palibot na sampung pulgada ang luwang. Ang palapag sa itaas ay 20 talampakan ang haba at luwang at pitong talampakan naman ang taas. Dito sinusunog ang mga handog. Ang apat na sulok ng altar ay may parang mga sungay ng hayop. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan.”

18Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Dios: Kapag nagawa na ang altar, italaga ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na sinusunog at pagwiwisik ng dugo ng hayop na inihandog. 19Sa araw na iyon, ang mga paring naglilingkod sa akin na mga Levitang mula sa pamilya ni Zadok ay bibigyan ng isang batang toro na iaalay nila bilang handog sa paglilinis. 20Kumuha ka ng dugo nito at ipahid mo sa apat na sungay na nasa sulok ng pangalawang palapag ng altar at sa sinepa nito. Sa ganitong paraan ay malilinis ang altar. 21Pagkatapos, kunin mo ang batang toro na handog sa paglilinis, at sunugin mo sa lugar na pinagsusunugan sa labas ng templo. 22Kinabukasan, maghandog ka ng lalaking kambing na walang kapintasan at ihandog mo sa paglilinis ng altar, katulad ng ginawa mo sa batang toro. 23Pagkatapos, kumuha ka ng isang batang toro at isang tupa na walang kapintasan, 24at ihandog mo sa Panginoon. Lalagyan ito ng asin ng mga pari bago nila ialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog.

25“Sa loob ng isang linggo, maghandog ka sa bawat araw ng isang lalaking kambing, isang toro at isang tupa na pawang walang kapintasan at ialay mo ito bilang handog sa paglilinis. 26Sa ganitong paraan, malilinis ang altar at maaari nang gamitin pagkatapos. 27At mula sa ikawalong araw, maghahandog na ang mga pari ng inyong mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.43:27 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. At tatanggapin ko kayo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

New International Reader’s Version

Ezekiel 43:1-27

The Glory of God Returns to the Temple

1Then the man brought me to the east gate. 2There I saw the glory of the God of Israel. He was coming from the east. His voice was like the roar of rushing waters. His glory made the land shine brightly. 3The vision I saw was like the one I had when he came to destroy the city. It was also like the visions I had seen by the Kebar River. I fell with my face toward the ground. 4The glory of the Lord entered the temple through the east gate. 5Then the Spirit lifted me up. He brought me into the inner courtyard. The glory of the Lord filled the temple.

6The man was standing beside me. I heard someone speaking to me from inside the temple. 7He said, “Son of man, this is the place where my throne is. The stool for my feet is also here. I will live here among the people of Israel forever. They will never again treat my name as if it were not holy. They and their kings will not serve other gods anymore. The people will no longer make funeral offerings for their kings. 8The people of Israel placed their own doorway next to my holy doorway. They put their doorposts right beside mine. Nothing but a thin wall separated us. They treated my name as if it were not holy. I hated it when they did that. So I became angry with them and destroyed them. 9Now let them stop serving other gods. Let them stop making funeral offerings for their kings. If they obey me, I will live among them forever.

10“Son of man, tell the people of Israel about the temple. Then they will be ashamed of their sins. Let them think carefully about how perfect it is. 11What if they are ashamed of everything they have done? Then show them all the plans of the temple. Explain to them how it is laid out. Tell them about its exits and entrances. Show them exactly what it will look like. Give them all its rules and laws. Write everything down so they can see it. Then they will be faithful to its plan. And they will obey all its rules.

12“Here is the law of the temple. The whole area on top of Mount Zion will be very holy. That is the law of the temple.”

The Great Altar Is Rebuilt

13The man said, “Here is the size of the altar. The standard measurement I am using is 21 inches. The altar has a drain on the ground. The drain is 21 inches deep and 21 inches wide. It has a rim that is nine inches wide around the edge. Here is how high the altar is. 14From the drain to the lower ledge is three and a half feet. The lower ledge goes around the altar and is 21 inches wide. From the lower ledge to the upper ledge is seven feet. The upper ledge also goes around the altar and is 21 inches wide. 15The top part of the altar is where the sacrifices are burned. It is seven feet high. A horn sticks out from each of its four corners. 16The top part of the altar is square. It is 21 feet long and 21 feet wide. 17The upper ledge is also square. It is 25 feet long and 25 feet wide. The drain goes all the way around the altar. The rim of the drain is 11 inches wide. The steps leading up to the top of the altar face east.”

18Then the man said to me, “Son of man, the Lord and King speaks. He says, ‘Here are the rules for the altar when it is built. Follow them when you sacrifice burnt offerings and splash blood against it. 19Give a young bull to the priests as a sin offering. They are Levites from the family of Zadok. They approach me to serve me,’ announces the Lord and King. 20‘Get some of the bull’s blood. Put it on the four horns of the altar. Also put it on the four corners of the upper ledge of the altar and all around the rim. That will make the altar pure and “clean.” 21Use the bull for the sin offering. Burn it in the proper place outside the temple.

22“ ‘On the second day offer a male goat. It must not have any flaws. It is a sin offering to make the altar pure and “clean.” So do the same thing with the goat that you did with the bull. 23When you finish making the altar pure, offer a young bull and a ram from the flock. They must not have any flaws. 24Offer them to me. The priests must sprinkle salt on them. Then they must sacrifice them as a burnt offering to me.

25“ ‘Provide a male goat each day for seven days. It is a sin offering. Also provide a young bull and a ram from the flock. They must not have any flaws. 26For seven days the priests must make the altar pure and “clean.” That is how they will set it apart to me. 27From the eighth day on, the priests must bring your burnt offerings and friendship offerings. They must sacrifice them on the altar. Then I will accept you,’ announces the Lord and King.”