Ezekiel 30 – TCB & CST

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 30:1-26

Ang Pagparusa sa Egipto

1Sinabi ng Panginoon sa akin, 2“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinapasabi ko sa mga taga-Egipto. Sabihin mong ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Umiyak kayo nang malakas dahil sa kapahamakang darating sa inyo. 3Sapagkat malapit nang dumating ang araw na iyon, ang araw ng paghatol ng Panginoon. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon para sa mga bansa. 4Sasalakayin ang Egipto at maghihirap ang Etiopia.30:4 Etiopia: sa Hebreo, Cush. Ganito rin sa talatang 5 at 9. Maraming mamamatay na taga-Egipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito. 5Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Egipto. 6Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, mapapahamak ang mga kakampi ng Egipto at mababalewala ang ipinagmamalaki niyang kapangyarihan. Mamamatay ang mga mamamayan niya mula sa Migdol hanggang sa Aswan.30:6 Aswan: o, Seyene. 7Magiging mapanglaw ang Egipto sa lahat ng bansa at ang mga lungsod niya ang magiging pinakawasak sa lahat ng lungsod. 8Kapag sinunog ko na ang Egipto at mamatay ang lahat ng kakampi niya, malalaman nila na ako ang Panginoon.

9“Sa panahong iyon, magsusugo ako ng mga tagapagbalita na sasakay sa mga barko para takutin ang mga taga-Etiopia na hindi nababahala. Matatakot sila sa oras na mawasak ang Egipto, at ang oras na iyon ay tiyak na darating.”

10Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Gagamitin ko si Haring Nebucadnezar ng Babilonia para patayin ang mga mamamayan ng Egipto. 11Siya at ang mga sundalo niya, na siyang pinakamalulupit na sundalo sa lahat ng bansa ang ipapadala ko sa Egipto para wasakin ito. Lulusubin nila ito at kakalat ang mga bangkay sa buong lupain. 12Patutuyuin ko ang Ilog ng Nilo at ipapasakop ko ang Egipto sa masasamang tao. Wawasakin ko ang buong bansa ng Egipto at ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng mga dayuhan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

13Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Wawasakin ko ang mga dios-diosan sa Memfis.30:13 Memfis: sa Hebreo, Nof, Ganito rin sa talatang 16. Wala nang mamumuno sa Egipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito. 14Gagawin kong mapanglaw ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.30:14 Tebes: sa Hebreo, No. Ganito rin sa 15-16. 15Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium,30:15 Pelosium: sa Hebreo, Sin. Ganito rin sa talatang 16. ang matibay na tanggulan ng Egipto, at papatayin ko ang maraming taga-Tebes. 16Susunugin ko ang Egipto! Magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis. 17Mamamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki ng Heliopolis30:17 Heliopolis: sa Hebreo, Awen. at Bubastis,30:17 Bubastis: sa Hebreo, Pi Biset. at ang mga matitirang tao sa mga lungsod na itoʼy bibihagin. 18Kapag inalis ko na ang kapangyarihan ng Egipto, magiging madilim ang araw na iyon para sa Tapanhes. Mawawala na ang ipinagmamalaking kapangyarihan ng Egipto. Matatakpan siya ng ulap, at ang mga mamamayan sa mga lungsod niya ay bibihagin. 19Ganyan ang magiging parusa ko sa Egipto at malalaman ng mga mamamayan niya na ako ang Panginoon.”

20At noong ikapitong araw ng unang buwan, nang ika-11 taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin, 21“Anak ng tao, binali ko ang braso ng Faraon na hari ng Egipto. Walang gumamot sa kanya para gumaling at lumakas upang muling makahawak ng espada. 22Kaya sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing laban ako sa kanya. Babaliin ko ang isa pa niyang braso para mabitawan niya ang kanyang espada. 23Ikakalat ko ang mga taga-Egipto sa ibaʼt ibang bansa. 24Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia at pahahawakan ko sa kanya ang aking espada. Pero babaliin ko ang mga braso ng Faraon, at dadaing siyang sugatan at halos mamatay na sa harap ng hari ng Babilonia. 25Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia, pero gagawin kong inutil ang mga braso ng Faraon. Kapag ipinahawak ko ang aking espada sa hari ng Babilonia at gamitin niya ito laban sa Egipto, malalaman ng mga taga-Egipto na ako ang Panginoon. 26Pangangalatin ko ang mga taga-Egipto sa lahat ng bansa at malalaman nila na ako ang Panginoon.”

Nueva Versión Internacional (Castilian)

Ezequiel 30:1-26

Lamento por Egipto

1El Señor me habló diciendo: 2«Hijo de hombre, profetiza y adviérteles:

»Así dice el Señor:

“Gemid: ‘¡Ay de aquel día!’

3El día del Señor se acerca,

sí, ya se acerca el día.

Día cargado de nubarrones,

día nefasto para los pueblos.

4Vendrá una espada contra Egipto

y Etiopía será presa de la angustia.

Cuando caigan heridos los egipcios,

serán saqueadas sus riquezas

y destruidos sus cimientos.

5Etiopía, Fut, toda Arabia y Lidia

caerán a filo de espada,

lo mismo que los hijos del país del pacto.

6»”Así dice el Señor;

esto afirma el Señor omnipotente:

Caerán los aliados de Egipto,

se derrumbará el orgullo de su poder.

Desde Migdol hasta Asuán

caerán a filo de espada.

7Sus ciudades quedarán en ruinas,

entre las más desoladas de las tierras.

8Cuando yo le prenda fuego a Egipto

y sean destrozados todos sus aliados,

sabrán que yo soy el Señor.

9»”En aquel día saldrán en barcos mis mensajeros para aterrorizar a la confiada Etiopía; en el día de Egipto, que ya está a la puerta, les sobrevendrá la angustia.

10»”Así dice el Señor omnipotente:

»”Por medio de Nabucodonosor, rey de Babilonia,

acabaré con la opulencia de Egipto.

11Nabucodonosor y su ejército,

el más poderoso de las naciones,

vendrán a destruir el país.

Desenvainarán la espada contra Egipto

y llenarán de cadáveres el país.

12Secaré los cauces del Nilo,

y entregaré el país en manos de gente malvada.

Por medio de manos extranjeras

desolaré el país y cuanto haya en él.

Yo, el Señor, lo he dicho.

13»”Así dice el Señor omnipotente:

»”Voy a destruir todos los ídolos de Menfis;

pondré fin a sus dioses falsos.

Haré que cunda el pánico por todo el país,

y no habrá más príncipes en Egipto.

14Devastaré a Patros,

le prenderé fuego a Zoán,

y dictaré sentencia contra Tebas.

15»”Desataré mi ira sobre Sin, la fortaleza de Egipto, y extirparé la riqueza de Tebas. 16Le prenderé fuego a Egipto, y Sin se retorcerá de dolor. Se abrirán brechas en Tebas, y Menfis vivirá en constante angustia. 17Los jóvenes de On y de Bubastis caerán a filo de espada, y las mujeres irán al cautiverio. 18Cuando yo haga pedazos el yugo de Egipto, el día se oscurecerá en Tafnes. Así llegará a su fin el orgullo de su fuerza. Egipto quedará cubierto de nubes, y sus hijas irán al cautiverio. 19Este será su castigo, y así Egipto sabrá que yo soy el Señor”».

20El día siete del mes primero del año undécimo, el Señor me habló diciendo: 21«Hijo de hombre, yo le he quebrado el brazo al faraón, rey de Egipto. Nadie se lo ha vendado ni curado para que recobre su fuerza y pueda empuñar la espada. 22Por eso, así dice el Señor: “Estoy contra el faraón, rey de Egipto. Le quebraré los dos brazos, el sano y el fracturado, y haré que la espada se le caiga de la mano. 23Voy a dispersar a los egipcios entre las naciones; voy a esparcirlos entre los países. 24Fortaleceré a su vez los brazos del rey de Babilonia: pondré mi espada en sus manos y quebraré los brazos del faraón. Entonces él gemirá ante su enemigo como herido de muerte. 25Fortaleceré los brazos del rey de Babilonia, y haré que desfallezcan los brazos del faraón. Y, cuando ponga yo mi espada en manos del rey de Babilonia, y él la extienda contra Egipto, se sabrá que yo soy el Señor. 26Dispersaré por las naciones a los egipcios; los esparciré entre los países. Entonces sabrán que yo soy el Señor”».