Exodus 29 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 29:1-46

Ang Pagtatalaga kay Aaron at sa mga Anak Niyang Lalaki Bilang mga Pari

(Lev. 8:1-36)

1“Ito ang gagawin mo sa pag-ordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang kapintasan. 2Kumuha ka rin ng magandang klaseng harina at magluto ka ng tinapay na walang pampaalsa. Makapal na tinapay na hinaluan ng langis ang lutuin mo, at manipis na tinapay na pinahiran ng langis. 3Pagkatapos, ilagay mo ang mga tinapay sa basket at ihandog sa akin kasama ang batang toro at dalawang lalaking tupa.

4“Dadalhin mo sa may pintuan ng Toldang Tipanan si Aaron at ang mga anak niyang lalaki, at papaliguin mo sila. 5Pagkatapos, ipasuot mo kay Aaron ang damit-panloob, ang damit-panlabas, ang espesyal na damit,29:5 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.” at ang bulsa na nasa dibdib. Itali mo nang mabuti ang espesyal na damit gamit ang hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa. 6Ipasuot mo sa ulo niya ang turban, at ikabit sa harapan ng turban ang ginto na simbolo ng pagbubukod sa kanila ng Panginoon. 7Kunin mo rin ang langis at ibuhos ito sa ulo ni Aaron sa pagtatalaga sa kanya. 8Italaga rin ang mga anak niyang lalaki at pagsuotin sila ng damit-panloob, 9turban at sinturon at ordinahan din sila. Magiging pari sila habang buhay. Sa pamamagitan nito, ordinahan mo si Aaron at ang mga anak niya.

10“Dalhin mo ang batang toro sa harap ng Toldang Tipanan, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kamay nila sa ulo ng toro. 11Pagkatapos, katayin ang baka sa presensya ng Panginoon, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 12Kumuha ka ng dugo ng baka at ipahid mo ito sa parang sungay sa mga sulok ng altar, at ibuhos mo sa ilalim ng altar ang matitirang dugo. 13Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba sa tiyan ng baka, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati na ang mga taba nito, at sunugin ito sa altar. 14Pero sunugin mo ang laman, balat at bituka nito sa labas ng kampo bilang handog sa paglilinis.

15“Pagkatapos, kunin mo ang isa sa lalaking tupa at ipatong mo ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa. 16Katayin ito, at iwisik ang dugo sa palibot ng altar. 17Hiwa-hiwain mo ang tupa at hugasan ang mga lamang loob at paa, ipunin mo ito pati ang ulo at ang iba pang parte ng hayop. 18Sunugin mo itong lahat sa altar bilang handog na sinusunog para sa akin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa akin.

19“Pagkatapos, kunin mo ang isa pang lalaking tupa, at ipatong ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa. 20Katayin ninyo ito at kumuha ka ng dugo, at ipahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ni Aaron at ng mga anak niya, at sa mga kanang hinlalaki ng kanilang kamay at paa. Pagkatapos, iwiwisik ang natirang dugo sa palibot ng altar. 21Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at ihalo ito sa langis na pamahid,29:21 pamahid: o, pambuhos. iwisik ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa kanilang mga damit. Sa pamamagitan nito, maitatalaga si Aaron at ang mga anak niya, pati na ang mga damit nila.

22“Pagkatapos, kunin ninyo ang taba ng tupa, ang matabang buntot, at ang lahat ng taba sa lamang-loob, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati ang taba nito, at ang kanang hita. Ito ang tupang handog para sa pagtatalaga sa mga pari. 23Kumuha ka sa basket ng mga tinapay na walang pampaalsa na ihahandog para sa akin: tinapay na hindi hinaluan ng langis, makapal na tinapay na hinaluan ng langis at manipis na tinapay. 24Ipahawak mo itong lahat kay Aaron at sa mga anak niya, at itataas nila ito sa akin bilang mga handog na itinataas. 25Kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar kasama ng mga handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa akin. 26Kunin mo rin ang dibdib ng tupa at itaas nʼyo ito sa akin bilang mga handog na itinataas. Ito ang parte mo sa tupang handog para sa pagtatalaga kay Aaron at ng mga anak niyang lalaki.

27“Ialay mo rin sa akin ang mga parte ng tupang inihandog para sa pagtatalaga kay Aaron at ng mga anak niya, kasama na rito ang dibdib at hitang itinaas mo sa akin. 28Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog para sa mabuting relasyon, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.

29“Kapag namatay na si Aaron, ang banal na mga damit niya ay ibibigay sa mga anak niyang papalit sa kanya bilang punong pari, para ito ang isuot nila kapag ordinahan na sila. 30Ang mga angkan ni Aaron na papalit sa kanya bilang punong pari ang magsusuot ng mga damit na ito sa loob ng pitong araw kapag papasok siya sa Toldang Tipanan para maglingkod sa Banal na Lugar.

31“Kunin mo ang tupa na inialay sa pagtatalaga at lutuin ang karne nito sa isang banal na lugar. 32Kakainin ito ni Aaron at ng mga anak niya, kasama ang tinapay sa basket, doon sa pintuan ng Toldang Tipanan. 33Sila lang ang makakakain ng karneng ito at tinapay na inihandog para sa kapatawaran ng mga kasalanan nila nang inordinahan sila. Walang ibang maaaring kumain nito dahil banal ang pagkaing ito. 34Kung may matirang pagkain, sa kinaumagahan dapat itong sunugin. Hindi ito dapat kainin, dahil itoʼy banal.

35“Sundin mo ang iniuutos kong ito sa iyo tungkol sa pag-ordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Gawin mo ang pag-ordina sa kanila sa loob ng pitong araw. 36Bawat araw, maghandog ka ng isang baka bilang handog sa paglilinis para maging malinis ang altar, at pagkatapos, pahiran mo ito ng langis para sa pagtatalaga nito. 37Gawin mo ito sa loob ng pitong araw; at magiging pinakabanal ang altar, at dapat banal din ang humahawak nito.

Ang Araw-araw na mga Handog

(Bil. 28:1-8)

38“Dalawang tupa na isang taong gulang ang ihandog mo sa altar araw-araw. 39Isa sa umaga at isa sa hapon. 40Sa paghahandog mo ng tupa sa umaga, maghandog ka rin ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis mula sa pinigang olibo. Maghandog ka rin ng isang litrong katas ng ubas bilang handog na inumin. 41Sa paghahandog mo ng tupa sa hapon, ihandog mo rin ang mga nabanggit na harina at inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa akin. 42-43Ang mga handog na sinusunog ay kailangang ihandog araw-araw ng susunod pang mga henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipag-usap sa iyo at makikipagkita sa mga Israelita. Magiging banal ang Tolda dahil sa makapangyarihan kong presensya. 44Oo, gagawin kong banal ang Toldang Tipanan at ang altar, at ibubukod ko si Aaron at ang mga anak niya sa paglilingkod sa akin bilang mga pari. 45Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at akoʼy magiging Dios nila. 46Malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Dios na naglabas sa kanila sa Egipto para makapanirahan akong kasama nila. Oo, Ako ang Panginoon na kanilang Dios.

Persian Contemporary Bible

خروج 29:1-46

مراسم تقديس هارون و پسرانش به مقام كاهنی

(لاويان 8‏:1‏-36)

1«مراسم تقديس هارون و پسرانش به مقام كاهنی به اين ترتيب برگزار شود: يک گوساله و دو قوچ بی‌عيب، 2نان بدون خميرمايه، قرصهای نان بدون خميرمايهٔ روغنی و قرصهای نازک نان بدون خميرمايهٔ روغن مالی شده، كه از آرد نرم مرغوب پخته شده باشد، فراهم‌آور. 3‏-4نانها را در يک سبد بگذار و با گوساله و قوچها، دم در عبادتگاه بياور. دم در ورودی، هارون و پسران او را غسل بده. 5آنگاه پيراهن، ردا، ايفود29‏:5 نگاه کنيد به 25‏:7.‏ و سينه‌بند هارون را به او بپوشان و بند كمر را روی ايفود ببند. 6عمامه را با نيم تاج طلا بر سرش بگذار. 7بعد روغن مسح را بر سرش ريخته، او را مسح كن. 8سپس لباسهای پسرانش را به ايشان بپوشان 9و کلاهها را بر سر ايشان بگذار. بعد كمربندها را به كمر هارون و پسرانش ببند. مقام كاهنی هميشه از آن ايشان و فرزندانشان خواهد بود. بدين ترتيب هارون و پسرانش را برای كاهنی تقديس كن.

10«گوساله را نزديک عبادتگاه بياور تا هارون و پسرانش دستهای خود را بر سر آن بگذارند 11و تو گوساله را در حضور خداوند در برابر در عبادتگاه قربانی كن. 12خون گوساله را با انگشت خود بر شاخهای قربانگاه بمال و بقيه را در پای آن بريز. 13سپس همهٔ چربيهای درون شكم گوساله، سفيدی روی جگر، قلوه‌ها و چربی دور آنها را بگير و بر قربانگاه بسوزان، 14و بقيه لاشهٔ گوساله را با پوست و سرگين آن بيرون از اردوگاه ببر و همه را به عنوان قربانی گناهان در همانجا بسوزان.

15‏-16«آنگاه هارون و پسرانش دستهای خود را بر سر يكی از قوچها بگذارند و آن را قربانی كنند. خون قوچ بر چهار طرف قربانگاه پاشيده شود. 17قوچ را به چند قطعه تقسيم كن و احشا و پاچه‌هايش را بشوی. سپس آنها را با كله و ساير قطعه‌های قوچ، 18روی قربانگاه بگذار و بسوزان. اين قربانی سوختنی كه بر آتش به خداوند تقديم می‌شود مورد پسند خداوند است.

19‏-20«بعد قوچ دوم را بگير تا هارون و پسرانش دستهای خود را بر آن بگذارند و آن را قربانی كنند. خون آن را بردار و بر نرمهٔ گوش راست هارون و پسرانش و بر شست دست راست و شست پای راست آنها بمال. بقيهٔ خون را بر چهار طرف قربانگاه بپاش. 21آنگاه مقداری از خونی كه روی قربانگاه است بردار و با روغن مسح بر هارون و پسران او و بر لباسهایشان بپاش. بدين وسيله خود آنان و لباسهایشان تقديس می‌شوند.

22«آنگاه پيه، دنبه، پيه داخل شكم، سفيدی روی جگر، قلوه‌ها و چربی دور آنها و ران راست قوچ را بگير، 23و از داخل سبد نان بدون خميرمايه كه در حضور خداوند است يک نان و يک قرص نان روغنی و يک نان نازک بردار، 24و همهٔ آنها را به دست هارون و پسرانش بده تا به عنوان هديهٔ مخصوص در حضور خداوند تكان دهند. 25سپس آنها را از دست ايشان بگير و بر قربانگاه همراه با قربانی سوختنی بسوزان. اين قربانی كه بر آتش تقديم می‌شود مورد پسند خداوند است. 26آنگاه سينهٔ قوچی را كه برای تقديس هارون است به دست بگير و آن را به نشانهٔ هديهٔ مخصوص در حضور خداوند تكان بده و آنگاه آن را برای خود بردار.

27‏-28«سينه و ران اين قوچ را تقديس كن و به هارون و پسرانش بده. بنی‌اسرائيل بايد هميشه اين قسمت از قربانی، يعنی سينه و ران قوچ را كه قسمتی از قربانی سلامتی آنهاست، به خداوند تقديم كنند تا از آن كاهن باشد.

29«لباسهای مقدس هارون بايد برای پسرانش و نسلهای بعد كه جانشين او هستند نگاهداری شوند تا هنگام برگزاری مراسم تقديس آنها را بپوشند. 30كسی كه به جای او به مقام كاهنی می‌رسد تا در قدس مشغول خدمت شود، بايد هفت روز آن لباس را بر تن كند.

31«گوشت قوچ مخصوص مراسم تقديس را بگير و آن را در يک جای مقدس در آب بپز. 32هارون و پسرانش بايد گوشت قوچ را با نانی كه در سبد است در برابر در خيمهٔ عبادت بخورند. 33آنها بايد تنها خودشان آن قسمتهايی را كه در موقع اجرای مراسم، برای تقديس و كفارهٔ ايشان منظور شده است، بخورند؛ افراد معمولی نبايد از آن بخورند چون مقدس است. 34اگر چيزی از اين گوشت و نان تا صبح باقی بماند آن را بسوزان، نبايد آن را خورد زيرا مقدس می‌باشد.

35«به اين طريق مراسم تقديس هارون و پسرانش برای مقام كاهنی اجرا شود. مدت اين مراسم بايد هفت روز باشد. 36در اين هفت روز، روزی يک گوساله برای كفارهٔ گناهان، روی قربانگاه قربانی كن. با اين قربانی، قربانگاه را طاهر ساز و با روغن زيتون آن را تدهين كن تا مقدس شود. 37برای مدت هفت روز، هر روز برای قربانگاه كفاره كن تا قربانگاه تقديس شود. به اين ترتيب، قربانگاه، جايگاه بسيار مقدسی می‌شود و هر كسی نمی‌تواند به آن دست زند.

هدايای روزانه

(اعداد 28‏:1‏-8)

38«هر روز دو برهٔ يک ساله روی قربانگاه قربانی كن. 39يک بره را صبح و ديگری را عصر قربانی كن. 40با برهٔ اول يک كيلو آرد مرغوب كه با يک ليتر روغن زيتون مخلوط شده باشد تقديم كن. يک ليتر شراب نيز به عنوان هديهٔ نوشيدنی تقديم نما. 41برهٔ ديگر را موقع عصر قربانی كن و با همان مقدار آرد و روغن و شراب تقديم كن. اين قربانی كه بر آتش تقديم می‌شود مورد پسند خداوند خواهد بود.

42«اين قربانی سوختنی، هميشگی خواهد بود و نسلهای آيندهٔ شما نيز بايد در كنار در عبادتگاه، آن را به حضور من تقديم كنند. در آنجا من شما را ملاقات نموده، با شما سخن خواهم گفت. 43در آنجا بنی‌اسرائيل را ملاقات می‌كنم و عبادتگاه از حضور پرجلال من تقديس می‌شود. 44بله، عبادتگاه، قربانگاه، و هارون و پسرانش را كه كاهنان من هستند تقديس می‌كنم. 45من در ميان بنی‌اسرائيل ساكن شده، خدای ايشان خواهم بود 46و آنها خواهند دانست كه من خداوند، خدای ايشان هستم كه آنها را از مصر بيرون آوردم تا در ميان ايشان ساكن شوم. من خداوند، خدای آنها هستم.