Exodus 27 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 27:1-21

Ang Altar na Pagsusunugan ng Handog

(Exo. 38:1-7)

1“Magpagawa ka ng altar na gawa sa akasya. Pitoʼt kalahating talampakan ang haba, pitoʼt kalahating talampakan din ang lapad, at apat at kalahating talampakan ang taas. 2Palagyan ito ng parang mga sungay sa apat na sulok, na kasama nang ginawa nang gawin ang altar. Pabalutan ng tanso ang altar. Ang lahat ng kagamitan ng altar ay kailangang gawa sa tanso – 3ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga. 4Magpagawa ka rin ng parilyang tanso para sa altar, at lagyan ito ng argolyang27:4 argolya: Tingnan ang “footnote” sa 26:29. tanso sa bawat sulok. 5Pagkatapos, ilagay mo ito sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa bandang gitna ng altar. 6Magpagawa ka rin ng tukod na pambuhat sa altar. Kailangang galing ito sa kahoy na akasya, at nababalutan ng tanso. 7Ipasok ang tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar para mabuhat ang altar. 8Ang ipapagawa mong altar ay tabla at dapat bakante sa loob. Ipagawa ito ayon sa planong sinabi ko sa iyo roon sa bundok.

Ang Bakuran ng Toldang Sambahan

(Exo. 38:9-20)

9“Palagyan ng bakuran ang Toldang Sambahan, at palibutan ito ng kurtina na gawa sa pinong telang linen. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan. 10Ikabit ang kurtina sa 20 haliging tanso na nakasuksok sa 20 pundasyong tanso. Ang pagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa baras na pilak sa mga haligi. 11Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba. Ikabit din ito sa 20 haliging tanso na nakasuksok sa 20 pundasyong tanso. Ang pagkakabitan ng mga kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

12“Ang kurtina sa bandang kanluran ay may sukat na 75 talampakan ang haba at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok sa sampung pundasyon. 13Ang kurtina sa bandang silangan ay 75 talampakan ang haba. 14Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina rin ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay 22 at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring pundasyon. 15Ang kurtina sa kaliwa ay 22 at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit din ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring pundasyon.

16“Ang pintuan ng bakuran ay palagyan mo ng kurtina na 30 talampakan ang haba. Kailangang gawa ang kurtina mula sa pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. Kailangang napakaganda ng pagkakaburda nito. Pagkatapos, isabit ang kurtina sa apat na haligi na nakasuksok sa apat na pundasyon. 17Kailangang may kawit at baras na pilak ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran, at kailangan ding may mga tansong pundasyon. 18Ang buong sukat ng bakuran ay 150 talampakan ang haba at 75 talampakan ang lapad. Napapalibutan ito ng kurtinang pinong telang linen, na pitoʼt kalahating talampakan ang taas. Ang mga haligi nito ay nakasuksok sa mga pundasyong tanso. 19Kailangang purong tanso ang lahat ng kagamitan sa Toldang Sambahan pati na ang lahat ng tulos ng Tolda at sa bakuran nito.

Ang Pangangalaga sa Ilawan ng Toldang Sambahan

(Lev. 24:1-4)

20“Utusan mo ang mga Israelita na dalhan ka nila ng purong langis na mula sa pinigang olibo para sa mga ilaw ng Tolda, para tuloy-tuloy ang pag-ilaw nito. 21Ilagay ang lalagyan ng ilaw sa labas ng kurtina na tumatakip sa Kahon ng Kasunduan. Si Aaron at ang mga anak niyang lalaki ang mag-aasikaso sa mga ilaw sa Toldang Tipanan.27:21 Toldang Tipanan: Ang Toldang Sambahan. Sisindihan nila ito sa aking presensya araw at gabi. Ang tuntuning itoʼy dapat sundin ng mga Israelita at ng susunod pa nilang mga henerasyon.

Persian Contemporary Bible

خروج 27:1-21

قربانگاه

(خروج 38‏:1‏-7)

1«قربانگاه را از چوب اقاقيا بساز، به شكل چهارگوش كه طول هر ضلع آن دو و نيم متر و بلنديش يک و نيم متر باشد. 2آن را طوری بساز كه در چهار گوشهٔ آن چهار زائده به شكل شاخ باشد. تمام قربانگاه و شاخها، روكش مفرغی داشته باشند. 3لوازم آن كه شامل سطلهايی برای برداشتن خاكستر، خاک‌اندازها، كاسه‌ها، چنگكها و آتشدانها می‌باشد بايد همگی از مفرغ باشند. 4‏-5يک منقل مشبک مفرغی كه در هر گوشهٔ آن يک حلقه مفرغی باشد، برای آن بساز و آن را تا نيمهٔ قربانگاه فرو ببر تا روی لبه‌ای كه در آنجا وجود دارد، قرار گيرد. 6‏-7برای جابه‌جا كردن قربانگاه، دو چوب از درخت اقاقيا با روكش مفرغی درست كن و چوبها را در حلقه‌هايی كه در دو طرف قربانگاه نصب شده فرو كن. 8همانطور كه در بالای كوه نشان دادم، قربانگاه بايد درونش خالی باشد و از تخته درست شود.

حياط عبادتگاه

(خروج 38‏:9‏-20)

9‏-10«سپس برای عبادتگاه، حياطی درست كن كه ديوارهايش از پرده‌های كتان لطيف ریز‌بافت باشد. طول پرده‌های سمت جنوب پنجاه متر باشد و پرده‌ها را از بيست ستون مفرغی آويزان كن. برای هر يک از اين ستونها پايه‌های مفرغی و قلابها و پشت‌بندهای نقره‌ای درست كن. 11برای سمت شمالی حياط نيز همين كار را بكن. 12طول ديوار پرده‌های سمت غربی حياط بايد بيست و پنج متر باشد با ده ستون و ده پايه. 13طول ديوار پرده‌های سمت شرقی هم بايد بيست و پنج متر باشد. 14‏-15پرده‌های هر طرف در ورودی بايد هفت و نيم متر باشد. برای نگاه داشتن اين پرده‌ها هم سه ستون و سه پايه در هر طرف بساز.

16«برای در ورودی حياط يک پرده به طول ده متر از كتان لطيف ريزبافت تهيه كن و با نخهای آبی، ارغوانی و قرمز گلدوزی نما و آن را از چهار ستون كه روی چهار پايه قرار دارند آويزان كن. 17تمام ستونهای اطراف حياط بايد به‌وسیلهٔ پشت‌بندها و قلابهای نقره‌ای به هم مربوط شوند. ستونها بايد در پايه‌های مفرغی قرار گيرند. 18پس حياط بايد پنجاه متر طول و بيست و پنج متر عرض و دو و نيم متر بلندی داشته باشد. پرده‌های آن نيز از كتان لطيف ریز‌بافت و پايه‌های آن از مفرغ باشد.

19«تمام وسايل ديگری كه در خيمه به کار برده می‌شوند و تمام ميخهای خيمه و حياط آن بايد از مفرغ باشند.

نگهداری از چراغها

(لاويان 24‏:1‏-4)

20«به بنی‌اسرائيل دستور بده روغن زيتون خالص برای ريختن در چراغدان عبادتگاه بياورند تا عبادتگاه هميشه روشن باشد. 21هارون و پسرانش چراغدان را در قدس بگذارند و شب و روز در حضور خداوند از آن نگاهداری كنند تا شعله‌اش خاموش نشود. اين برای تمام نسلهای بنی‌اسرائيل يک قانون جاودانی است.