Tagalog Contemporary Bible

Efeso 1:1-23

1Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios.

Mahal kong mga pinabanal1:1 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. Ganito rin sa talatang 15 at 18. sa Efeso, mga matatapat na nakay Cristo Jesus:

2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

3-4Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya, 5noong una paʼy itinalaga na niya tayo para maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban. 6Purihin natin ang Dios dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.

7-8Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa 9para maunawaan ang kanyang lihim na plano na nais niyang matupad sa pamamagitan ni Cristo 10pagdating ng itinakdang panahon. At ang plano niyaʼy pag-isahin ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, at ipasailalim sa kapangyarihan ni Cristo.

11Ginagawa ng Dios ang lahat ng bagay ayon sa plano niya at kalooban. At ayon nga sa plano niya noon pang una, pinili niya kami para maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. 12Ginawa niya ito para kaming mga naunang sumampalataya kay Cristo ay magbigay-puri sa kanya. 13Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo. 14Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Dios ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!

Ang Panalangin ni Pablo

15Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang pananampalataya nʼyo sa ating Panginoong Jesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga pinabanal, 16walang tigil ang pasasalamat ko sa Dios dahil sa inyo. At lagi ko kayong ipinapanalangin. 17Hinihiling ko sa Dios, ang dakilang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, para lalo nʼyo pa siyang makilala. 18Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan para maunawaan nʼyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga pinabanal. 19-20Ipinapanalangin ko rin na malaman nʼyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Dios para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang kapangyarihan ding ito ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Cristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit. 21Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. Ang titulo niya ay hindi mapapantayan ninuman, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon. 22Ipinailalim ng Dios kay Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang pangulo ng lahat para sa ikabubuti ng iglesya 23na siyang katawan ni Cristo. Ang iglesya ay ang kabuuan ni Cristo na siyang bumubuo sa lahat.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以弗所书 1:1-23

1我是奉上帝旨意做基督耶稣使徒的保罗,写信给以弗所忠于基督耶稣的众圣徒。

2愿我们的父上帝和主耶稣基督赐给你们恩典和平安!

基督徒的属灵恩福

3赞美我们主耶稣基督的父上帝!祂在基督里赐给了我们天上各样属灵的恩福。 4早在创造世界以前,祂已经在基督里拣选了我们,使我们在祂眼中成为圣洁无瑕的人。

5上帝因为爱我们,就按照祂自己美好的旨意,预定我们借着耶稣基督得到做祂儿女的名分。 6我们赞美祂奇妙无比的恩典,这恩典是上帝借着祂的爱子赐给我们的。 7我们借着祂爱子的血蒙救赎,过犯得到赦免,这都是出于祂的洪恩。 8上帝用各种智慧和聪明把这恩典丰丰富富地赐给我们, 9照着祂在基督里所定的美好计划叫我们知道祂旨意的奥秘, 10等所定的时候一到,叫天地万物一同归在基督的名下。

11我们也在基督里被拣选成为祂的子民。这都是按自己旨意行万事的上帝预先定下的计划, 12好让我们这些首先在基督里得到盼望的人都来颂赞祂的荣耀。

13你们听过真理之道,就是那使你们得救的福音,而且也信了基督。你们既然信祂,就领受了上帝应许赐下的圣灵为印记。 14圣灵是我们领受产业的担保,直到上帝的子民得到救赎,使祂的荣耀受到颂赞。

保罗的祷告

15我听到你们对主耶稣的信心和对众圣徒的爱心后, 16不断地为你们感谢上帝,祷告的时候常常提到你们。 17我求我们主耶稣基督的上帝——荣耀的父把赐智慧和启示的灵给你们,好使你们更深地认识祂。 18我也求上帝照亮你们心中的眼睛,使你们知道祂的呼召给你们带来了何等的盼望,祂应许赐给众圣徒的产业有何等丰富的荣耀, 19并且祂在我们这些信的人身上所运行的能力是何等浩大。 20上帝曾用这大能使基督从死里复活,使基督在天上坐在自己右边, 21远远超越今生永世所有执政的、掌权的、有能力的、做主宰的和一切的权势。 22祂又使万物降服在基督脚下,使基督为教会做万物的元首。 23教会是基督的身体,蕴涵着那无所不在、充满万物者的丰盛。