Deuteronomio 5 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 5:1-33

Ang Sampung Utos

(Exo. 20:1-17)

1Tinipon ni Moises ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila, “O mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntunin na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito. Pag-aralan ninyo ito at sundin. 2Gumawa sa atin ng kasunduan ang Panginoon na ating Dios sa Bundok ng Sinai.5:2 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb. 3Hindi niya ito ginawa sa ating mga ninuno kundi sa ating lahat na nabubuhay ngayon. 4At doon sa bundok nagsalita ang Panginoon sa inyo mula sa apoy na parang magkaharap lang kayo. 5Nakatayo ako sa pagitan ninyo at ng Panginoon nang oras na iyon para sabihin sa inyo ang mensahe ng Panginoon, dahil natatakot kayo sa apoy at ayaw ninyong umakyat sa bundok. Sinabi ng Panginoon,

6“ ‘Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin.

7“ ‘Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin.

8“ ‘Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. 9Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. 10Pero ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyon na nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11“ ‘Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Dios, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

12“ ‘Sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios, ayon sa iniutos ko sa inyo. 13Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, 14pero ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga asno at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin. 15Alalahanin ninyo na mga alipin din kayo noon sa Egipto, at ako ang Panginoon na inyong Dios ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Dios ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

16“ ‘Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina, ayon sa iniutos ko sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

17“ ‘Huwag kayong papatay.

18“ ‘Huwag kayong mangangalunya.

19“ ‘Huwag kayong magnanakaw.

20“ ‘Huwag kayong sasaksi ng hindi totoo laban sa inyong kapwa.

21“ ‘Huwag ninyong pagnanasahan ang asawa ng inyong kapwa o ang kanyang bahay, lupa, mga alipin, mga baka o mga asno, o alin mang pag-aari niya.’

22“Iyan ang mga utos ng Panginoon sa inyong lahat na nagtipon sa bundok. Nang nagsalita siya nang malakas mula sa gitna ng apoy na napapalibutan ng makapal na ulap, ibinigay niya ang mga utos na ito at wala nang iba pang sinabi. Isinulat niya ito sa dalawang malalapad na bato at ibinigay sa akin.

23“Nang marinig ninyo ang boses mula sa kadiliman habang naglalagablab ang bundok, lumapit sa akin ang lahat ng pinuno ng mga angkan at ang mga tagapamahala ninyo 24at sinabi nila, ‘Ipinakita sa atin ng Panginoon na ating Dios ang kanyang kapangyarihan, at narinig natin ang kanyang boses mula sa apoy. Nakita natin sa araw na ito na maaaring mabuhay ang tao kahit nakipag-usap ang Panginoon sa kanya. 25Ngunit hindi namin ilalagay sa panganib ang buhay namin. Sapagkat kung maririnig namin muli ang boses ng Panginoon na ating Dios, siguradong lalamunin kami ng apoy. 26May tao bang nanatiling buhay matapos niyang marinig ang boses ng Dios na buhay mula sa apoy tulad ng ating narinig? 27Ikaw na lang ang lumapit sa Panginoon na ating Dios, at pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Pagkatapos, sabihin mo sa amin ang lahat ng sinabi niya, dahil pakikinggan namin ito at susundin.’

28“Narinig ng Panginoon ang sinabi ninyo nang nakipag-usap kayo sa akin, at sinabi niya, ‘Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga taong ito sa iyo, at mabuti ang lahat ng kanilang sinabi. 29Sanaʼy palagi nila akong igalang at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman. 30Lumakad ka at sabihin sa kanila na bumalik sila sa kanilang mga tolda. 31Ngunit magpaiwan ka rito sa akin para maibigay ko sa iyo ang lahat ng utos at tuntunin na ituturo mo sa kanila, na kanilang susundin doon sa lupaing ibinibigay ko sa kanila bilang pag-aari.’

32“Kaya sundin ninyong mabuti ang iniutos ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Huwag ninyong susuwayin ang kahit isa sa kanyang mga utos. 33Mamuhay kayo ayon sa iniutos ng Panginoon na inyong Dios sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at masagana roon sa lupaing inyong mamanahin.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

申命记 5:1-33

十诫

1摩西把所有的以色列人召来,对他们说:“以色列人啊,要留心听我今天对你们宣讲的律例和典章,要学习并谨慎遵行。 2我们的上帝耶和华曾在何烈山与我们立约, 3这约不是与我们祖先立的,乃是与我们今天还活着的人立的。 4耶和华在山上的烈火中面对面跟你们说话。 5那时,因为你们害怕那烈火,没有到山上去,我就站在耶和华和你们中间,把耶和华的话传给你们。耶和华说,

6“‘我是你的上帝耶和华,曾把你领出埃及,使你不再受奴役。

7“‘除我以外,你不可有别的神。

8“‘不可为自己雕刻神像,不可仿照任何飞禽走兽或水族的样子造神像, 9不可跪拜它们,也不可供奉它们,因为我——你的上帝耶和华痛恨不贞,我必追讨背弃我之人的罪,从父到子直到三四代。 10但那些爱我、遵守我诫命的人,我必以慈爱待他们,直到千代。

11“‘不可妄用你上帝耶和华的名,违者必被耶和华定罪。

12“‘要遵照你的上帝耶和华的吩咐守安息日为圣日。 13你一周可工作六天, 14但第七天是你的上帝耶和华的安息日,你和儿女、仆婢、牛驴等牲畜以及你那里的外族人在这一天不可做任何工,好让仆婢和你一样得到休息。 15要记住,你曾在埃及做奴隶,你的上帝耶和华伸出臂膀,用大能的手把你从那里领出来。因此,你的上帝耶和华吩咐你守安息日。

16“‘要遵照你的上帝耶和华的吩咐孝敬父母,以便在你的上帝耶和华要赐给你的土地上享长寿,蒙祝福。

17“‘不可杀人。

18“‘不可通奸。

19“‘不可偷盗。

20“‘不可作伪证陷害人。

21“‘不可贪恋别人的妻子,不可贪图别人的房屋、田地、仆婢、牛驴或其他任何物品。’

22“这是耶和华在山上的烈火、乌云和幽暗中高声颁布给你们全体会众的诫命。此外,祂没有说别的。祂把这些话写在两块石版上交给我。 23当时,山上燃烧着烈焰,你们听见声音从黑暗中传来。你们各支派的首领和长老都到我跟前, 24说,‘看啊,我们的上帝耶和华向我们彰显了祂的荣耀和威严,我们听见了祂从火中发出的声音。今天我们已经看见,人听见上帝说话后还能活着。 25但我们何必冒死,被这烈火吞噬呢?我们若再次听到我们的上帝耶和华的声音,必然丧命。 26世上有谁像我们一样听见永活上帝从火中说话后还能活着呢? 27你去听听我们上帝耶和华所说的话,然后回来告诉我们,我们必听从、遵行。’

28“耶和华听见了你们的话,就对我说,‘我听见了众人对你说的话,他们所说的都对。 29但愿他们常常敬畏我,遵从我的一切诫命,以便他们和他们的子孙世世代代可以蒙福。 30你吩咐他们回到自己的帐篷, 31然后你再回到我这里来,我要把所有的诫命、律例和典章都赐给你,你要把这些传授给众人,使他们可以在我要赐给他们的土地上遵行。’ 32所以,你们要谨遵你们上帝耶和华的吩咐,不可偏离左右。 33这样,你们便得享长寿,并且可以在你们将要占领的土地上兴盛。