Deuteronomio 32 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 32:1-52

1O langit, makinig, sapagkat magsasalita ako!

O lupa, pakinggan ang aking mga salita.

2Ang aking mga katuruan ay papatak gaya ng ulan at hamog.

Ang aking mga salita ay katulad ng patak ng ulan sa mga damo;

katulad rin ng ambon sa mga pananim.

3Ipahahayag ko ang pangalan ng Panginoon.

Purihin natin ang kadakilaan ng ating Dios!

4Siya ang Bato na kanlungan;

matuwid ang lahat ng gawa niya

at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan.

Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala;

makatarungan siya at maaasahan.

5Ngunit nagkasala kayo sa kanya at hindi na kayo itinuring na mga anak niya,

dahil sa inyong kasamaan.

Makasalanan kayo at madayang henerasyon!

6Ganito pa ba ang igaganti ninyo sa Panginoon, kayong mga mangmang at kulang sa pang-unawa?

Hindi baʼt siya ang inyong ama na lumikha sa inyo at nagtaguyod na kayoʼy maging isang bansa?

7Alalahanin ninyo ang mga taon na lumipas;

isipin ninyo ang mga lumipas na henerasyon.

Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at ihahayag nila ito sa inyo.

8Nang binigyan ng Kataas-taasang Dios ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang mga mamamayan,

nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Dios.32:8 mga anghel ng Dios: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Dead Sea Scrolls, mga anak ng Dios. Sa tekstong Masoretic, mga anak ni Israel.

9Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niya.

10Nakita niya sila sa disyerto, sa lugar na halos walang tumutubong pananim.

Binabantayan niya sila at iniingatan katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mata.

11Binantayan niya sila gaya ng pagbabantay ng agila sa kanyang mga inakay habang tinuturuan niya itong lumipad.

Ibinubuka niya ang kanyang mga pakpak para saluhin at buhatin sila.

12Ang Panginoon lang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan,

walang tulong mula sa ibang mga dios.

13Sila ang pinamahala niya sa mga kabundukan,

at pinakain ng mga ani ng lupa.

Inalagaan niya sila sa pamamagitan ng pulot mula sa batuhan at ng langis ng olibo mula sa mabatong lupa.

14Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing,

at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan.

Binigyan din niya sila ng pinakamagandang trigo at pinainom ng katas ng ubas.

15Naging maunlad ang mga Israelita32:15 mga Israelita: sa Hebreo, Jeshurun; ang ibig sabihin, mga matuwid. pero nagrebelde sila.

Tumaba sila at lumakas,

ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila,

at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas.

16Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon dahil sa kanilang pagsamba sa mga dios na kasuklam-suklam.

17Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw,

at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.

18Kinalimutan nila ang Dios na Bato na kanlungan na lumikha sa kanila.

19Nakita ito ng Panginoon,

at dahil sa kanyang galit, itinakwil niya sila na kanyang mga anak.

20Sinabi niya, “Tatalikuran ko sila, at titingnan ko kung ano ang kanilang kahihinatnan,

sapagkat silaʼy masamang henerasyon, mga anak na hindi matapat.

21Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na dios,

at ginalit nila ako sa kanilang walang kwentang mga dios-diosan.

Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi.

Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa.

22Naglalagablab na parang apoy ang aking galit;

susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon,

pati ang kailaliman ng lupa,32:22 kailaliman ng lupa: o, lugar ng mga patay. at ang pundasyon ng mga bundok.

23“Padadalhan ko sila ng mga kalamidad, at tatamaan sila ng aking mga pana.

24Gugutumin ko sila; at mangamamatay sila sa gutom at karamdaman.

Padadalhan ko sila ng mababangis na hayop para atakihin sila at mga ahas para silaʼy tuklawin.

25Sa labas ng kanilang bahay, marami ang mamamatay sa labanan,

at sa loob nitoʼy maghahari ang takot.

Mamamatay ang lahat, maging ang mga kabataan, matatanda at mga bata.

26Sinabi ko na pangangalatin ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo.

27Ngunit hindi ko papayagang magyabang ang kanilang mga kaaway. Baka sabihin nila, ‘Natalo natin sila. Hindi ang Panginoon ang gumawa nito.’ ”

28Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa.

29Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan.

30Paano ba mahahabol ng isang tao ang 1,000 Israelita?

Paano matatalo ng dalawang tao ang 10,000 sa kanila?

Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng Panginoon na kanilang Bato na kanlungan.

31Sapagkat ang Bato na kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan;

at kahit sila ay nakakaalam nito.

32Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodom at Gomora ang ating mga kaaway,

katulad ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,

33at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas.

34Nalalaman ng Panginoon ang kanilang ginagawa,

iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon para parusahan sila.

35Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila,

sapagkat darating ang panahon na madudulas sila.

Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”

36Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan;

kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.

37At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo?

38Nasaan na ngayon ang inyong mga dios na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog?

Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang proteksyon!

39Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios!

Wala nang iba pang dios maliban sa akin.

Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay;

ako ang sumusugat at nagpapagaling,

at walang makatatakas sa aking mga kamay.

40Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa,

‘Ako na nabubuhay magpakailanman,

41hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa:

Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin.

42Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan.

Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo.

Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.’ ”

43Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng Panginoon.32:43 purihin … Panginoon: o, mangagalak kayo kasama ng mga mamamayan ng Panginoon. Sa Dead Sea Scrolls at sa tekstong Griego, Mangagalak kayong kasama niya, O langit, at lahat ng mga anghel ng Dios ay dapat sambahin siya.

Sapagkat gaganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod.

Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.

44Ito nga ang inawit ni Moises kasama si Josue sa harapan ng mga Israelita. 45-46Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi ni Moises sa mga tao, “Itanim ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng sinasabi ko sa inyo sa araw na ito. Ituro rin ninyo ito sa inyong mga anak para matupad nilang mabuti ang lahat ng sinasabi sa mga utos na ito. 47Hindi lang karaniwang salita ang mga utos na ito; magbibigay ito sa inyo ng buhay. Kung susundin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal sa lupain na aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”

Ipinaalam ang Kamatayan ni Moises

48Nang araw ding iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, 49“Pumunta ka sa Moab, sa kabundukan ng Abarim, at umakyat ka sa bundok ng Nebo na nakaharap sa Jerico. Tanawin mo roon ang Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa mga Israelita na kanilang aangkinin. 50Sapagkat sa bundok na iyan ka mamamatay at isasama na sa iyong mga kamag-anak na sumakabilang buhay na, gaya ni Aaron na iyong kapatid nang mamatay siya sa Bundok ng Hor at isinama na rin sa mga kamag-anak niya na sumakabilang buhay na. 51Sapagkat dalawa kayong nawalan ng pagtitiwala sa akin sa harap ng mga Israelita nang naroon kayo sa tubig ng Meriba sa Kadesh, sa ilang ng Zin. Hindi ninyo pinarangalan ang aking kabanalan sa kanilang harapan. 52Kaya makikita mo lang sa malayo ang lupaing ibinibigay ko sa mga Israelita, pero hindi ka makakapasok doon.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

申命记 32:1-52

摩西之歌

1“诸天啊,请留心听;

大地啊,请听我说。

2愿我的教导如雨降下,

愿我的话语如露滴落,

像水滴滋润嫩草,

像甘霖浇灌草木。

3我要宣扬耶和华的名,

你们要颂赞我们上帝的伟大。

4“祂是磐石,

祂的作为完美,

祂按公义行事,

祂信实可靠,公平正直。

5狡诈、堕落的一代啊,

你们却对祂不忠,行事败坏,

不配做祂的儿女。

6愚昧无知的人啊,

你们就这样报答耶和华吗?

祂是你们的父,你们的创造主,

祂创造了你们,塑造了你们。

7“要回顾往昔,追溯历史;

问你们的父亲,

他们必回答你们;

问你们的长者,

他们必告诉你们。

8当初,至高者赐万国产业,

把人类分开,

祂依照天使32:8 天使”希伯来文是“以色列的儿子”。的数目,

为万族定疆界。

9以色列人属于耶和华,

雅各是祂的产业。

10“在荒凉的旷野,

在野兽吼叫的荒野,

耶和华找到他们,

庇护他们,看顾他们,

保护他们如同保护眼中的瞳仁,

11又如老鹰搅动窝巢,

盘旋在雏鹰之上,展开双翼,

背着雏鹰飞翔。

12耶和华独自带领他们,

身边没有外族神明。

13耶和华使他们驰骋在大地的高处,

吃田间的五谷,

磐石中的蜂蜜,

石头地产的油;

14吃牛酪和羊奶,

肥美的羔羊,

巴珊的绵羊和山羊,

上好的麦子;

喝葡萄汁酿的酒。

15“但耶书仑32:15 耶书仑”是以色列的昵称。吃饱喝足,

养肥长壮后,就得意忘形,

背弃造他们的上帝,

藐视救他们的磐石。

16他们拜外族的神明,令祂愤恨;

行可憎之事,惹祂发怒。

17他们祭拜的不是真神,

而是鬼魔,

是他们素不认识的新神明,

是他们祖先所不敬畏的。

18他们轻视生他们的磐石,

忘记养他们的上帝。

19“耶和华看见祂儿女的恶行,

就愤然厌弃他们,

20说,‘这堕落的子民,

不忠的儿女!

我要掩面不理他们,

看他们的结局如何。

21他们拜假神,让我愤恨;

供虚无之物,惹我发怒。

我要借无名之民挑起他们的嫉妒,

用愚昧的国民激起他们的怒气。

22我的怒火已经点燃,

要烧到阴间的尽头,

吞灭大地及其出产,

甚至烧毁山的根基。

23“‘我要使灾祸连连临到他们,

我的箭都射向他们。

24他们必饱受饥荒之苦,

被瘟疫和灾祸吞噬,

被猛兽和毒蛇袭击。

25外有刀剑杀戮,

内有恐惧笼罩,

少男、少女、婴儿、

老人无一幸免。

26我本要消灭他们,

使世人忘记他们;

27但我不愿让敌人夸口,

宣称这是他们的胜利,

而非我的作为。’

28以色列人愚昧无知,毫无见识。

29如果他们有智慧,

就能明白这一切、

知道自己的结局。

30若不是他们的磐石卖掉他们,

若不是耶和华抛弃他们,

一人怎能赶散他们千人?

二人怎能击溃他们万人?

31我们的敌人也承认他们的磐石不如我们的磐石。

32他们犹如来自所多玛

长在蛾摩拉的葡萄树,

结的葡萄粒粒有毒,串串苦涩;

33酿的酒如蛇的毒液,

如眼镜蛇的毒液。

34“祂说,‘我把这一切积存起来,

封在我的仓库里。

35申冤在我,我必报应,

到时候他们必站不住脚,

他们遭祸的日子近了,

他们的末日来了。’

36“耶和华见自己的子民力量衰竭,

奴隶和自由人所剩无几,

必为他们主持公道,

怜悯祂的仆人。

37祂必说,‘你们的神明在哪里?

庇护你们的磐石在哪里?

38它们吃你们祭牲的脂肪,

喝你们的奠酒。

让它们起来帮助你们,

庇护你们吧!

39“‘你们要知道,

唯有我是上帝;

除我之外,别无他神。

我掌管生死,我打伤、我医治;

无人能逃出我的掌心。

40我向天伸手,

凭我的永恒起誓,

41我要磨快闪亮的剑,

主持公道,报应仇敌,

惩罚恨我的人。

42我要使我的箭饱饮鲜血,

被杀被掳之人的血;

我的剑要吞噬人肉,

敌人将领的肉。’

43“列邦啊,

你们当与祂的子民一同欢乐!

因为祂要为自己的仆人报血仇,

报应祂的仇敌,

洁净祂的土地和子民。”

44摩西的儿子约书亚把这首诗歌读给会众听。

摩西的遗嘱

45读完后,摩西又对以色列人说: 46“要谨记我今天警告你们的话,要吩咐你们的子孙谨遵这律法上的话。 47这律法不是空话,而是你们的生命。你们若遵守这律法,就必长住在约旦河对岸你们将要占领的土地上。”

预言摩西的死

48当天,耶和华对摩西说: 49“你去耶利哥对面的摩押,登上亚巴琳山区的尼波山,观看我要赐给以色列人作产业的迦南50之后,你会死在山上,归到你祖先那里,如亚伦何珥山离世归祖一样。 51因为在旷野,在加低斯米利巴泉旁,你和亚伦对我不忠,没有在以色列人中尊我为圣。 52所以,你只能远远地观看我要赐给以色列人的土地,却不能进去。”