Deuteronomio 30 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 30:1-20

Ang mga Dapat Gawin upang Pagpalain ng Dios

1“Kapag nangyari na sa inyo ang mga bagay na ito – ang mga pagpapala at ang mga sumpa na aking sinabi sa inyo – at maalala ninyo ito kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan ipinabihag kayo ng Panginoon na inyong Dios, 2at kung sa mga oras na iyon ay magbabalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Dios, at susundin ninyo nang buong puso at kaluluwa ang lahat ng iniutos ko sa inyo ngayon, 3kaaawaan kayo ng Panginoon na inyong Dios at titipunin mula sa lahat ng bansa kung saan ipinabihag niya kayo, at pagkatapos ay muling magiging mabuti ang kalagayan ninyo. 4Kahit itinaboy pa niya kayo sa pinakamalayong bahagi ng mundo, titipunin pa rin kayo ng Panginoon na inyong Dios 5at pababalikin sa lupain ng inyong mga ninuno, at aangkinin ninyo ito. Pauunlarin at padadamihin pa niya kayo kaysa sa inyong mga ninuno. 6Babaguhin ng Panginoon na inyong Dios ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi para mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal. 7Ipaparanas ng Panginoon na inyong Dios ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo. 8Muli ninyong susundin ang Panginoon at tutuparin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 9Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoong pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno. 10Mangyayari ito kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at tutuparin ang lahat ng utos niya at tuntuning nakasulat sa Aklat ng Kautusan, at kung manunumbalik kayo sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa.

11“Hindi mahirap unawain at gawin ang mga utos na ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 12Wala ito sa langit para magtanong kayo, ‘Sino ba ang aakyat sa langit para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?’ 13Wala rin naman ito sa kabila ng dagat para magtanong kayo, ‘Sino ba ang tatawid sa dagat para kunin ito at ipahayag sa atin upang masunod natin?’ 14Nasa inyo ito, sa bibig at puso ninyo, kaya sundin ninyo ito.

15“Makinig kayo! Sa araw na ito, pinapapili ko kayo: buhay o kamatayan, kasaganaan o kahirapan. 16Inuutusan ko kayo ngayon na mahalin ang Panginoon na inyong Dios, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kung gagawin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

17“Ngunit kung tatalikod kayo at hindi susunod sa kanya, at kung sasamba kayo at maglilingkod sa ibang mga dios; 18ngayon pa lang, binabalaan ko na kayo na siguradong mamamatay kayo. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing titirhan ninyo at mamanahin doon sa kabila ng Jordan.

19“Sa araw na ito, tinawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.30:19 mga anak: o, lahi. 20Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kung gagawin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

申命记 30:1-20

归向耶和华必蒙福

1“当我向你们陈明的这些祝福和咒诅都应验在你们身上时,如果你们在你们的上帝耶和华驱逐你们去的各国中回想这些话, 2归向你们的上帝耶和华,你们及子孙照我今天的吩咐全心全意地听从祂的话, 3祂必改变你们被掳的境遇,怜悯你们,把你们从祂驱逐你们去的列国招聚回来。 4即使你们被驱逐到天涯,你们的上帝耶和华也会把你们带回来, 5带到你们祖先的土地上,使你们拥有那片土地,比你们祖先更加人丁兴旺、繁荣昌盛。 6你们的上帝耶和华要洁净你们和你们子孙的心,好让你们全心全意地爱祂,并且存活。 7你们的上帝耶和华要把所有的咒诅加在你们的仇敌及憎恶你们、迫害你们的人身上。 8你们必再次听从耶和华,遵行今天祂借我吩咐你们的一切诫命。 9-10倘若你们听从你们的上帝耶和华的话,遵守这律法书上的诫命和律例,全心全意地归向祂,祂必使你们凡事蒙福、儿女众多、牛羊成群、五谷丰登。因为祂必乐意再次赐福你们,像从前赐福你们祖先一样。

生死抉择

11“我今天颁布给你们的诫命,对你们来说不难遵行,也非遥不可及。 12这诫命并非在天上,以致你们说,‘谁替我们上天取下来,讲给我们听,让我们遵行呢?’ 13这诫命也不在海的彼岸,以致你们说,‘谁替我们过海取来,讲给我们听,好让我们遵行呢?’ 14这诫命近在咫尺,就在你口里,在你心中,好让你们遵行。

15“看啊,今天我把生死祸福摆在你们面前。 16我今天吩咐你们要爱你们的上帝耶和华,遵行祂的旨意,遵守祂的诫命、律例和典章,以便你们可以存活,人口兴旺,在你们将要占领的土地上蒙祂赐福。 17但倘若你们心中偏离,不肯听从,被引诱去祭拜、供奉别的神明, 18我今天警告你们,你们必定灭亡,在约旦河对岸——你们将要占领的土地上无法长久。 19今天,我叫天地为你们作证,我已把生死祸福摆在你们面前。选择生命吧,以便你们及子孙可以存活。 20要爱你们的上帝耶和华,听从祂的话,倚靠祂,因为祂是你们的生命,祂必使你们长久住在祂起誓赐给你们祖先亚伯拉罕以撒雅各的土地上。”