Bilang 4 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 4:1-49

Ang mga Angkan ni Kohat

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 2“Isensus ninyo ang mga angkan ni Kohat na sakop ng mga Levita, ayon sa kanilang pamilya. 3Isama sa bilang ang lahat ng lalaking may edad na 30 hanggang 50 taong gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

4“Ang mga gawain ng mga angkan ni Kohat sa Toldang Tipanan ay ang pag-aasikaso ng pinakabanal na mga bagay. 5Kung aalis na kayo sa inyong pinagkakampuhan, si Aaron at ang mga anak niya ay papasok sa Tolda at kukunin ang kurtina sa loob at itataklob ito sa Kahon ng Kasunduan. 6At tatakluban pa nila ito ng magandang klase ng balat4:6 magandang klase ng balat: maaaring ang ibig sabihin nito sa Hebreo, balat ng “dolphin”. Ganoon din sa talatang 8, 10, 11, 12, 14. at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.

7“Sasapinan din nila ng asul na tela ang mesa na nilalagyan ng tinapay na iniaalay sa presensya ng Dios; at ilalagay nila sa mesa ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok, mga banga na lalagyan ng mga handog na inumin, at hindi aalisin ang mga tinapay na laging nasa mesa. 8Pagkatapos, tatakluban nila ito ng telang pula, at tatakluban pa ng magandang klase ng balat at pagkatapos ay isusuot ang mga pambuhat nito sa lalagyan.

9“Ang mga lalagyan ng ilaw ay babalutin nila ng telang asul, pati ang mga ilaw nito, ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw, ang mga lalagyan ng upos na mula sa ilawan at mga banga na lalagyan ng langis ng ilaw. 10Babalutin pa nila itong lahat ng magandang klase ng balat at itatali sa tukod na pambuhat.

11“Tatakluban din nila ng telang asul ang gintong altar at tatakluban pa ng magandang klase ng balat, at pagkatapos, isusuot sa mga argolya ang mga pambuhat nito. 12Ang mga natirang kagamitan ng Tolda na ginagamit sa paglilingkod sa templo ay babalutin din nila ng telang asul at tatakluban ng magandang klase ng balat ng hayop at itatali sa tukod na pambuhat.

13“Kailangang alisin ang abo sa altar, at tatakluban ng telang kulay ube. 14At ilalagay nila sa altar ang lahat ng kagamitan nito: Ang lalagyan ng baga, ang malalaking tinidor para sa karne, ang mga pala at ang mga mangkok. Tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at isusuot nila sa argolya ang mga pambuhat nito.

15“Matapos takluban ni Aaron at ng mga anak niya ang Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, dadalhin ito ng angkan ni Kohat kapag aalis na sila sa kanilang pinagkakampuhan. Pero hindi nila hahawakan ang mga banal na bagay para hindi sila mamatay. Ito nga ang mga kagamitan ng Toldang Tipanan na dadalhin ng mga angkan ni Kohat.

16“Si Eleazar na anak ng paring si Aaron ang responsable sa langis para sa mga ilaw, sa insenso, sa araw-araw na handog bilang pagpaparangal sa akin at sa langis na pamahid. Siya ang mamamahala sa buong Tolda at sa lahat ng kagamitan nito.”

17Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 18“Huwag ninyong pabayaang mawala ang pamilya ni Kohat sa mga Levita. 19Ganito ang inyong gagawin para hindi sila mamatay kapag lalapit sila sa pinakabanal na mga bagay: sasamahan sila ni Aaron at ng mga anak nito kapag papasok na sila sa Tolda at sasabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin at kung ano ang kanilang dadalhin. 20Kung hindi sila sasamahan, hindi sila dapat pumasok kahit sandali lang para tingnan ang banal na mga bagay, para hindi sila mamatay.”

Ang mga Angkan ni Gershon

21Sinabi ng Panginoon kay Moises, 22“Isensus ang mga angkan ni Gershon ayon sa kanilang pamilya. 23Isama sa sensus ang lahat ng lalaking may edad 30 hanggang 50 taong gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

24“Ang mga gawain ng mga angkan ni Gershon ay ang pagdadala ng mga sumusunod: 25ang mga kurtina ng Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, ang lahat ng pantaklob nito at ang mga kurtina sa pintuan, 26ang mga kurtina sa bakuran na nakapalibot sa Tolda at altar, ang kurtina sa pintuan ng bakuran, ang mga panali at ang lahat ng kagamitan na ginagamit sa paglilingkod sa Tolda. Sila ang gagawa ng lahat ng mga gawain na may kinalaman sa mga kagamitang ito. 27Si Aaron at ang mga anak niya ang mamamahala sa mga angkan ni Gershon tungkol sa kanilang mga gawain, magdadala man ng mga kagamitan o gagawa ng ibang mga gawain. Kayo ni Aaron ang magsasabi kung ano ang kanilang dadalhin. 28Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Gershon sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”

Ang mga Angkan ni Merari

29“Bilangin mo rin ang mga angkan ni Merari ayon sa kanilang pamilya. 30Isama sa bilang ang lahat ng lalaking may edad 30 hanggang 50 taong gulang may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan. 31Ito ang kanilang mga gawain sa Toldang Tipanan: sila ang magdadala ng mga balangkas ng Tolda, mga biga nito, mga haligi at ng mga pundasyon. 32Sila rin ang binigyan ng responsibilidad sa pag-aasikaso ng mga haligi na pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ang mga pundasyon, mga tulos at mga tali. At sila rin ang gagawa ng mga gawaing kaugnay sa mga kagamitang ito. Kayo ni Aaron ang magsasabi sa bawat isa sa kanila kung ano ang kanilang dadalhin. 33Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Merari sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”

Ang Pagbilang sa mga Levita

34-48Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, inilista nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ang mga angkan nina Kohat, Gershon at Merari ayon sa bawat pamilya nito. Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad 30 hanggang 50 taong gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan, at ito ang bilang nila:

Pamilya BilangKohat 2,750Gershon 2,630Merari 3,200

Ang kabuuang bilang nila ay 8,580. 49Kaya ayon sa utos ng Panginoon kay Moises, binilang ang bawat isa sa kanila at binigyan ng kanya-kanyang gawain at sinabihan kung ano ang kanilang dadalhin.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 4:1-49

哥辖子孙的职责

1耶和华对摩西亚伦说: 2“你要按宗族和家系统计利未人中哥辖子孙的人数, 3登记三十岁到五十岁、可在会幕司职的男子。 4他们在会幕里管理至圣之物。

5“拔营出发的时候,亚伦父子们要进会幕解下圣所和至圣所之间的幔子,用它遮盖约柜, 6再在上面依次盖上海狗皮和纯蓝色的布,然后穿上抬约柜的横杠。

7“要在摆放供饼的桌子上铺一块蓝布,把盘、碟、杯和献酒用的瓶子摆在上面。桌上要有供饼。 8这些东西上面要盖朱红色的布,再盖上海狗皮,然后穿上抬桌子的横杠。

9“要用蓝布把灯台、灯盏、蜡剪、蜡盘和盛油的器皿全遮盖起来, 10再在上面盖上海狗皮,然后放在抬架上。

11“金香坛上面要盖蓝色布,再盖上海狗皮,穿上抬金香坛的横杠。

12“圣所里面一切器皿都要用蓝色布包好,盖上海狗皮,放在抬架上。

13“要清除祭坛上的灰烬,铺上紫色布, 14然后把火鼎、肉叉、铲、碗等祭坛的器具放在上面,再盖上海狗皮,穿上抬祭坛的横杠。

15“拔营出发时,哥辖的子孙要等到亚伦父子们把圣所和圣所的器具都盖好后,才可以来抬。他们负责抬这些会幕的器具,但不可触摸这些圣物,免得死亡。 16亚伦祭司的儿子以利亚撒负责管理整个圣幕及里面的灯油、香料、素祭、膏油等一切物品。”

17耶和华对摩西亚伦说: 18“不要让哥辖宗族在利未人中灭绝。 19他们走近至圣之物以前,亚伦父子们要先进去指派他们做什么、抬什么,以免他们死亡。 20他们不可进去看圣物,一刻都不可,免得死亡。”

革顺子孙的职责

21耶和华对摩西说: 22“你要按宗族和家系统计革顺子孙的人数, 23登记三十岁到五十岁、可在会幕司职的男子。 24以下是他们负责的事务。

25“他们要抬圣幕的幔子、会幕、会幕顶盖、顶盖上的海狗皮、会幕门帘、 26围绕圣幕和祭坛的院子的帷幔、院门门帘、绳索等器具,还负责其他相关事务。 27你们要把任务分配给革顺的子孙,他们要遵照亚伦父子们的吩咐司职。 28这是革顺宗族的人在会幕里的职责,他们要按祭司亚伦的儿子以他玛的吩咐司职。

米拉利子孙的职责

29“你要按宗族和家系统计米拉利子孙的人数, 30登记三十岁到五十岁、可在会幕司职的男子。 31他们在会幕里负责抬圣幕的木板、横闩、柱子、带凹槽的底座, 32院子四周的柱子及其带凹槽的底座、橛子、绳索和其他相关器具。你们要把当抬的物件一一指派给他们。 33这是米拉利宗族的人在会幕的职责,由祭司亚伦的儿子以他玛监督。”

34于是,摩西亚伦和会众的首领按宗族和家系统计哥辖的子孙, 35登记了三十岁到五十岁、可在会幕司职的男子, 36共两千七百五十人。 37这是哥辖宗族在会幕司职的人数,是摩西亚伦照耶和华的吩咐统计的。

38-40按宗族和家系统计,革顺的子孙中三十岁到五十岁、可在会幕司职的共两千六百三十人。 41这是革顺宗族在会幕司职的人数,是摩西亚伦照耶和华的吩咐统计的。

42-44按宗族和家系统计,米拉利的子孙中三十岁到五十岁、可在会幕司职的共三千二百人。 45这是米拉利宗族的人数,是摩西亚伦照耶和华的吩咐统计的。

46摩西亚伦以色列人的首领按宗族和家系统计了利未人的人数, 47-48三十岁到五十岁可司职、搬运会幕器具的利未人共八千五百八十人。 49照耶和华对摩西的吩咐,每个人都被统计在内,都有指定的职责和当抬的器具。这样,照耶和华对摩西的吩咐,人口统计完毕。