Bilang 25 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 25:1-18

Sumamba ang mga Israelita kay Baal

1Habang nagkakampo ang mga Israelita sa Shitim, nakipagtalik ang mga lalaki sa mga babaeng Moabita. 2Hinikayat sila ng mga babaeng ito sa paghahandog sa mga dios-diosan, at kumain sila ng mga handog na ito at sumamba sa mga dios-diosan ng Peor. 3Kaya nahikayat ang mga Israelita sa pagsamba kay Baal ng Peor. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila.

4Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang lahat ng pinuno ng mga taong ito, at patayin sila sa aking presensya habang nakatingin ang mga tao, para mawala na ang matindi kong galit sa Israel.” 5Kaya sinabi ni Moises sa mga hukom ng Israel, “Kailangang patayin ninyo ang mga taong sumamba kay Baal ng Peor.”

6Ngayon, may isang Israelitang nagdala ng isang Midianitang babae sa kanyang pamilya. Nakita ito ni Moises at ng buong kapulungan ng Israel habang nagluluksa sila roon sa pintuan ng Toldang Tipanan. 7Pagkakita rito ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron, umalis siya sa kapulungan at kumuha ng sibat. 8Sinundan niya ang tao sa loob ng tolda, at sinibat niya ang dalawa. Pagkatapos, huminto ang salot sa Israel, 9pero 24,000 ang namatay dahil sa salot.

10Sinabi ng Panginoon kay Moises, 11“Inalis ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron ang aking galit sa mga Israelita. Sa pamamagitan ng kanyang ginawa, ipinakita niya ang kanyang kagustuhan na protektahan ang aking karangalan sa gitna nila. Kaya hindi ko sila nilipol. 12Kaya sabihin mo sa kanya na gagawa ako ng kasunduan sa kanya na pagpapalain ko siya. 13At sa kasunduang ito, siya at ang kanyang mga angkan ang magiging mga pari magpakailanman dahil ipinakita niya ang aking galit at tinubos niya ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan.”

14Ang Israelitang namatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilya na lahi ni Simeon. 15At ang Midianitang babae ay si Cozbi na anak ni Zur. Si Zur ay isang pinuno ng isang pamilyang Midianita.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, 17“Ituring ninyong kaaway ang mga Midianita, at patayin ninyo sila, 18dahil itinuring din nila kayong kaaway sa pamamagitan ng panlilinlang sa inyo roon sa Peor at dahil din kay Cozbi na anak ng isang pinunong Midianita. Pinatay ang babaeng ito noong dumating ang salot sa Peor.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 25:1-18

以色列人被诱犯罪

1以色列人驻扎在什亭期间,有些人与摩押女子行淫。 2那些女子邀他们参加祭祀,他们吃了祭物,并跪拜她们的神明, 3结果使以色列巴力·毗珥苟合。耶和华大怒, 4摩西说:“把为首的人都抓起来,当着我的面在大白天处死他们,以消除我对以色列人的怒气。” 5于是,摩西以色列的审判官说:“你们各自把权下与巴力·毗珥苟合的人处死。”

6摩西以色列全体会众正在会幕门口痛哭的时候,有个以色列人当着他们的面把一个米甸女子带进自家的帐篷。 7亚伦祭司的孙子、以利亚撒的儿子非尼哈看见了,便起身离开会众,拿着矛枪, 8跟着进入那人的帐篷,一枪刺透那对男女的腹部。以色列人当中的瘟疫马上止住了, 9但已有两万四千人死于瘟疫。

10耶和华对摩西说: 11亚伦祭司的孙子、以利亚撒的儿子非尼哈消了我对以色列人的怒气。因为在会众中他与我一样痛恨不贞,我才没有在烈怒中消灭他们。 12你告诉他,我要赐给他平安的约, 13使他和他的后代凭此约可以永远做祭司,因为他为我除掉了不贞之人,为以色列人赎了罪。”

14米甸女子一同被杀的以色列人名叫心利,是撒路的儿子,是西缅支派的一个族长。 15被杀的米甸女子名叫哥斯比,她父亲苏珥米甸人的一个族长。 16耶和华对摩西说: 17“你要攻打米甸人,击杀他们。 18因为他们心存敌意,在毗珥陷害你们,他们的姊妹——米甸首领的女儿哥斯比诱惑你们,她在毗珥事件招来瘟疫之日被杀。”