Bilang 2 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 2:1-34

Ang Pagkakaayos ng Kampo ng mga Israelita

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 2“Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ang Toldang Tipanan ay ilalagay sa gitna ng kampo. 3-8Ang mga lahi nina Juda, Isacar at Zebulun ay magkakampo sa silangan, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi Pinuno BilangJuda Nashon na anak ni Aminadab 74,600Isacar Netanel na anak ni Zuar 54,400Zebulun Eliab na anak ni Helon 57,400

9Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Juda ay 186,400. Sila ang nasa unahan kapag naglalakbay ang mga Israelita.

10-15“Ang mga lahi nina Reuben, Simeon at Gad ay magkakampo sa timog, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi Pinuno BilangReuben Elizur na anak ni Sedeur 46,500Simeon Selumiel na anak ni Zurishadai 59,300Gad Eliasaf na anak ni Deuel 45,650

16Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Reuben ay 151,450. Sila ang ikalawang grupo sa linya kapag naglalakbay ang mga Israelita.

17“Kasunod nila ang mga Levita na nagdadala ng Toldang Tipanan. Ang lahat ng lahi ay maglalakad ng magkakasunod gaya ng kanilang posisyon kapag nagkakampo sila, bawat lahi ay nasa ilalim ng kani-kanilang bandila.

18-23“Ang mga lahi nina Efraim, Manase at Benjamin ay magkakampo sa kanluran, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi Pinuno BilangEfraim Elishama na anak ni Amihud 40,500Manase Gamaliel na anak ni Pedazur 32,200Benjamin Abidan na anak ni Gideoni 35,400

24Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Efraim ay 108,100. Sila ang susunod sa lahi ni Levi kapag naglalakbay ang mga Israelita.

25-30“Ang mga lahi nina Dan, Asher at Naftali ay magkakampo sa hilaga, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi Pinuno BilangDan Ahiezer na anak ni Amishadai 62,700Asher Pagiel na anak ni Ocran 41,500Naftali Ahira na anak ni Enan 53,400

31Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang grupo sa linya kapag naglalakbay ang mga Israelita.”

32Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na nailista ayon sa kanilang lahi ay 603,550 lahat. 33Pero hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

34Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 2:1-34

营地的安排

1耶和华对摩西亚伦说: 2以色列人要各归本旗,按本族的旗号,在会幕四围稍远的地方安营。” 3东边,即日出的方向,是犹大营区及其旗号。犹大人的首领是亚米拿达的儿子拿顺4率领七万四千六百人。 5犹大支派旁边安营的是以萨迦支派,首领是苏押的儿子拿坦业6率领五万四千四百人。 7然后是西布伦支派,首领是希伦的儿子以利押8率领五万七千四百人。 9犹大营区的人共十八万六千四百人,他们是开路先锋。

10南边是吕便营区及其旗号。吕便人的首领是示丢珥的儿子以利苏11率领四万六千五百人。 12吕便支派旁边安营的是西缅支派,首领是苏利沙代的儿子示路蔑13率领五万九千三百人。 14然后是迦得支派,首领是丢珥的儿子以利雅萨15率领四万五千六百五十人。 16吕便营区共十五万一千四百五十人,他们是第二队。 17随后是会幕和利未人的营区,在其他各营中间。他们各就各位,各归本旗,照安营时的次序出发。

18西边是以法莲营区及其旗号。以法莲人的首领是亚米忽的儿子以利沙玛19率领四万零五百人。 20以法莲支派旁边是玛拿西支派,首领是比大苏的儿子迦玛列21率领三万二千二百人。 22然后是便雅悯支派,首领是基多尼的儿子亚比但23率领三万五千四百人。 24以法莲营区共十万八千一百人,他们是第三队。

25北边是营区及其旗号。人的首领是亚米沙代的儿子亚希以谢26率领六万二千七百人。 27支派旁边安营的是亚设支派,首领是俄兰的儿子帕结28率领四万一千五百人。 29然后是拿弗他利支派,首领是以南的儿子亚希拉30率领五万三千四百人。 31营区共有十五万七千六百人,他们是后队。

32以上照宗族和队伍统计的以色列人共六十万三千五百五十名。 33照耶和华对摩西的吩咐,利未人没被统计在其中。

34于是,以色列人照耶和华对摩西的吩咐,各按自己的旗号安营,各按自己的宗族启行。