Tagalog Contemporary Bible

Awit 1:1-17

1Ang pinakamagandang awit ni Solomon.1:1 ni Solomon: o, para kay Solomon; o, tungkol kay Solomon.

Babae

2Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig. 3Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo. 4Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid.

Mga Babae ng Jerusalem

Sa piling mo,1:4 Sa piling mo: Ang ibig sabihin, sa piling ng lalaki. kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin.

Babae

Tama lang na umibig sila sa iyo! 5O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, pero maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon. 6Huwag ninyo akong hamakin1:6 hamakin: o, tingnan. dahil sa kulay ng aking balat. Maitim nga pagkat nabibilad sa init ng araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki, at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila. Dahil ditoʼy napabayaan ko ang sarili ko.1:6 ang sarili ko: sa literal, ang sarili kong ubasan.

7Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin para hindi na ako maghanap pa sa iyo doon sa iyong mga kaibigan na nagpapastol din ng tupa. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran.

Lalaki

8Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga kambing moʼy doon mo na rin ipastol. 9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo na nagustuhan ng lalaking kabayo na humihila ng karwahe ng hari ng Egipto.1:9 hari ng Egipto: sa Hebreo, Faraon. 10Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga hiyas. O anong ganda rin ng leeg mong sinuotan ng kwintas. 11Ikaʼy igagawa namin ng alahas na yari sa mga ginto at pilak.

Babae

12Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa, pabango koʼy humahalimuyak. 13Parang samyo ng mira ang bango ng aking iniibig, habang sa aking dibdib siya ay nakahilig. 14Ang mahal koʼy tulad ng kumpol ng mga bulaklak na henna, na namumulaklak doon sa ubasan ng En Gedi.1:14 En Gedi: Isang lugar sa disyerto kung saan may tubig at halaman. Sa Ingles, oasis.

Lalaki

15Napakaganda mo, aking giliw. Mga mata moʼy kasing pungay ng mga mata ng kalapati.

Babae

16Kay kisig mo, mahal ko. Napakaganda mong pagmasdan habang tayo ay nakahiga sa mga damo, 17sa lilim ng mga punong sipres at sedro.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

雅歌 1:1-17

1这是所罗门的歌,是歌中最美妙的歌。

女子:

2深深地吻我吧!

因为你的爱情比美酒更香甜。

3你的美名如此芬芳,

如同倒出来的香膏,

难怪少女们都爱慕你。

4你带我走,让我们一起奔跑吧!

王啊,把我带进你的寝宫吧!

耶路撒冷的少女:

我们为你欢喜快乐,

我们要颂扬你那胜似美酒的爱情。

女子:

难怪少女们都爱慕你!

5耶路撒冷的少女啊!

我虽然黑似基达的帐篷,

却美如所罗门的锦帐。

6不要因为我被太阳晒黑就看不起我。

这是因为我的兄弟恼恨我,

要我在烈日之下看守葡萄园,

使我无暇照顾自己1:6 我无暇照顾自己”希伯来文是“我却无法照料自己的葡萄园。”

7我心爱的人啊,告诉我吧,

你在哪里牧羊?

中午带羊去哪里歇息?

我何必在你同伴的羊群旁流浪,

像风尘女子一样呢?

耶路撒冷的少女:

8绝色佳人啊!

要是你不知道,

就跟着羊群的足迹,

到牧人的帐篷边喂养你的山羊羔吧。

男子:

9我的爱人啊,

你好比法老战车上套的牝马,

引人注目。

10耳环辉映你的脸颊,

珠链轻衬你的颈项。

11我们要为你打造镶有银珠的金饰。

女子:

12王坐席的时候,

我身上的哪哒香膏芬芳四溢。

13我的良人靠在我怀中,

如同一袋没药。

14我的良人在我眼中,

好像隐·基底葡萄园中的凤仙花。

男子:

15我的爱人啊!

你真是美极了!美极了!

你的眼神纯情专一,好像鸽子的眼睛。

女子:

16我的良人啊!

你真英俊!真可爱!

我们以青草作床榻,

17以香柏树作屋梁,

以松树作椽子。