Amos 9 – TCB & OL

Tagalog Contemporary Bible

Amos 9:1-15

Walang Makakatakas sa Parusa ng Dios

1Sinabi ni Amos: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa altar at sinabi niya, “Hampasin mo ang itaas na bahagi ng mga haligi ng templo upang mawasak ang bubong9:1 mawasak ang bubong: o, mayanig ang pundasyon. at nang mabagsakan ang mga tao. Ang matitirang buhay ay mamamatay sa digmaan. Wala ni isa mang makakatakas o makakaligtas. 2Kahit magtago pa sila sa ilalim ng lupa, sa lugar ng mga patay, kukunin ko pa rin sila. Kahit na umakyat pa sila sa langit, hihilahin ko pa rin sila pababa. 3Kahit na magtago pa sila sa tuktok ng Bundok ng Carmel, hahanapin ko sila roon at huhulihin. Magtago man sila sa kailaliman ng dagat, uutusan ko ang ahas na tuklawin sila. 4Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.”

5Kapag hinipo ng Panginoong Dios na Makapangyarihan ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Egipto.

6Ang Dios ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit.

At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa.

Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa.

Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

7Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia.9:7 taga-Etiopia: sa literal, taga-Cush. Totoong inilabas ko kayo sa Egipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor9:7 Caftor: o, Crete. at ang mga Arameo9:7 Arameo: o, taga-Syria. sa Kir. 8Ako, ang Panginoong Dios ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo ng lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 9Tingnan ninyo! Mag-uutos na ako; sasalain ko kayong mga mamamayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa, tulad ng pagsala sa mga butil. At kung paanong hindi nakakalusot ang maliliit na bato sa salaan, 10hindi rin makakalusot sa akin ang masasama sa inyo, kundi mamamatay silang lahat sa digmaan, silang mga nagsasabi na wala raw masamang mangyayari sa kanila.

Muling Itatayo ang Israel

11“Darating ang araw na muli kong itatayo ang kaharian ni David na tulad sa kubong nawasak. Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagiba at itatayong muli kagaya noong una, 12upang masakop ng mga Israelita ang natitirang lupain ng Edom at ang iba pang mga bansa na sinakop nila noon, na itinuring kong akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ang mga bagay na ito.”

13Sinabi pa ng Panginoon tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito.9:13 Ang panahon ng pag-ani ng trigo sa Israel ay sa buwan ng Abril at Mayo, at ang panahon ng pagtatanim naman ay sa buwan ng Oktubre at Nobyembre. Ang panahon ng pagpisa ng ubas para gawing alak ay sa buwan ng Septyembre, at ang pagtatanim naman ng ubas ay sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. 14Pababalikin ko ang mga mamamayan kong Israelita sa kanilang lupain mula sa pagkakabihag.9:14 Pababalikin … pagkakabihag: o, Ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng mga mamamayan kong Israelita. Muli nilang itatayo ang kanilang mga nasirang bayan at doon na sila maninirahan. Magtatanim sila ng ubas at iinom ng katas nito. Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan, at kakainin nila ang mga bunga nito. 15Patitirahin ko silang muli sa lupaing ibinigay ko sa kanila at hindi na muling paaalisin.” Ito nga ang sinabi ng Panginoon na inyong Dios.

O Livro

Amós 9:1-15

Israel será destruído

1Vi o Senhor em pé, junto do altar, e disse-me: “Esmaga o cimo dos pilares e abala o templo, até que as colunas se desmoronem e o teto se abata sobre o povo que está em baixo. Ainda que fujam a correr, não escaparão; todos morrerão.

2Ainda que cavem até ao mundo dos mortos9.2 Sheol., alcançá-los-ei e tirá-los-ei dali; se treparem até ao céu, farei com que desçam. 3Mesmo que se escondam entre rochas, no cimo do Carmelo, irei ali procurá-los e prendê-los. Podem esconder-se no fundo dos oceanos; mandarei contra eles a serpente marítima que os morderá e liquidará. 4Ainda que vão para o cativeiro na frente dos seus inimigos, mandarei a espada para os matar ali. Velarei para que lhes aconteça o mal e não o bem.”

5O Senhor, o Deus dos exércitos, toca a Terra e esta derrete-se; todos os seus habitantes chorarão de desespero. A Terra será avassalada como numa enchente do Nilo, no Egito, e depois afundar-se-á. 6Os últimos andares da sua moradia estão no céu, os seus fundamentos estão na Terra. Concentra a humidade tirada do oceano e derrama-a sobre a terra em chuva. Senhor é o seu nome.

7Ó povo de Israel, serão vocês para mim mais do que os cuchitas? Se vos tirei do Egito, também os filisteus tirei de Caftor e os arameus de Quir.

8Os olhos do Senhor Deus estão voltados para Israel, este reino pecaminoso; hei de desenraizá-los daqui e espalhá-los por todo o mundo. Mas não destruirei de todo a casa de Jacob, diz o Senhor. 9É verdade que dei ordens para que Israel seja sacudido pelas outras nações como se sacode o grão na peneira; mas sem que caia um grão no chão! 10No entanto, todos esses pecadores que dizem: “Deus não nos há de tocar”, esses morrerão pela espada.

A restauração de Israel

11“Nesse tempo, reconstruirei o tabernáculo de David que agora está em ruínas; restaurá-lo-ei à sua glória primitiva. 12Israel possuirá o que ficou abandonado por Edom e por todas as nações que me pertencem.” Foi assim que falou o Senhor e ele realiza os seus planos.

13“Há de vir um tempo de tal abundância de searas que o tempo da ceifa será bem pouco para que o lavrador possa semear novamente. As vinhas sobre os outeiros darão vinho aromático! 14Restabelecerei a prosperidade do meu povo de Israel; reconstruirão as cidades em ruínas, viverão nelas novamente, plantarão vinhas e pomares; comerão das suas searas e beberão do vinho que é seu. 15Plantá-los-ei com segurança na terra que lhes dei! Não sairão dela nunca mais!”, diz o Senhor, o vosso Deus.