Amos 8 – TCB & NIV

Tagalog Contemporary Bible

Amos 8:1-14

Ang Pangitain ni Amos tungkol sa Basket ng mga Prutas

1Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Dios: Nakita ko ang isang basket na may mga hinog na prutas. 2Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.” Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan8:2 katapusan: sa Hebreo, ang salitang “mga hinog na prutas” at ang salitang “katapusan” ay pareho kapag binigkas. ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan. 3Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo8:3 templo: o, palasyo. ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay.8:3 At wala nang … ingay: sa literal, Tahimik. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Kasalanan ng mga Mayayamang Israelita

4Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila. 5Inip na inip kayong matapos ang Pista ng Pagsisimula ng Buwan8:5 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. o Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na kayo ng mga inaning butil at makapandaya sa mga mamimili sa pamamagitan ng inyong madayang timbangan at pantakal ng trigo. 6Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, para makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas. 7Kaya sumumpa ang Panginoon, ang Dios na ipinagmamalaki ng mga lahi ni Jacob, “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kasamaan na ginawa ninyo. 8Dahil dito, palilindulin ko ang inyong lupain at mag-iiyakan kayo. Yayanigin ko nang husto ang inyong lupain na tulad ng Ilog na tumataas kapag may baha at bumababa tulad ng Ilog ng Nilo sa Egipto. 9Sa araw na iyon, palulubugin ko ang araw sa katanghaliang tapat, kaya didilim ang buong lupain kahit araw pa. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. 10Gagawin kong iyakan ang kasayahan sa inyong pista, at ang inyong pag-aawitan ay magiging panaghoy. Pagdadamitin ko kayo ng sako at uutusang magpakalbo para ipakita ang inyong pagdadalamhati, katulad ng mga magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak. Pero magiging mas masakit pa ang huling parusa.”

11Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Darating ang araw na padadalhan ko ng taggutom ang inyong lupain. Pero hindi ito pagkagutom sa pagkain o pagkauhaw sa tubig, kundi pagkagutom at pagkauhaw sa aking mga salita. 12Pagod na pagod na kayo sa paghahanap ng mga taong makakapagpahayag sa inyo ng aking salita, pero hindi ninyo matagpuan kahit saan kayo pumunta. 13Sa araw na iyon na parurusahan ko kayo, kahit na ang inyong magagandang dalaga at ang inyong malalakas na mga binata ay mawawalan ng malay dahil sa matinding uhaw. 14Kayong mga nanunumpa sa ngalan ng mga dios-diosan ng Samaria, Dan at Beersheba, lilipulin kayo at hindi na makakabangon.”

New International Version

Amos 8:1-14

A Basket of Ripe Fruit

1This is what the Sovereign Lord showed me: a basket of ripe fruit. 2“What do you see, Amos?” he asked.

“A basket of ripe fruit,” I answered.

Then the Lord said to me, “The time is ripe for my people Israel; I will spare them no longer.

3“In that day,” declares the Sovereign Lord, “the songs in the temple will turn to wailing.8:3 Or “the temple singers will wail Many, many bodies—flung everywhere! Silence!”

4Hear this, you who trample the needy

and do away with the poor of the land,

5saying,

“When will the New Moon be over

that we may sell grain,

and the Sabbath be ended

that we may market wheat?”—

skimping on the measure,

boosting the price

and cheating with dishonest scales,

6buying the poor with silver

and the needy for a pair of sandals,

selling even the sweepings with the wheat.

7The Lord has sworn by himself, the Pride of Jacob: “I will never forget anything they have done.

8“Will not the land tremble for this,

and all who live in it mourn?

The whole land will rise like the Nile;

it will be stirred up and then sink

like the river of Egypt.

9“In that day,” declares the Sovereign Lord,

“I will make the sun go down at noon

and darken the earth in broad daylight.

10I will turn your religious festivals into mourning

and all your singing into weeping.

I will make all of you wear sackcloth

and shave your heads.

I will make that time like mourning for an only son

and the end of it like a bitter day.

11“The days are coming,” declares the Sovereign Lord,

“when I will send a famine through the land—

not a famine of food or a thirst for water,

but a famine of hearing the words of the Lord.

12People will stagger from sea to sea

and wander from north to east,

searching for the word of the Lord,

but they will not find it.

13“In that day

“the lovely young women and strong young men

will faint because of thirst.

14Those who swear by the sin of Samaria—

who say, ‘As surely as your god lives, Dan,’

or, ‘As surely as the god8:14 Hebrew the way of Beersheba lives’—

they will fall, never to rise again.”