Amos 5 – TCB & KJV

Tagalog Contemporary Bible

Amos 5:1-27

Ang Panawagan sa Pagsisisi

1Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo:

2Ang Israel na katulad ng isang babaeng birhen ay nabuwal at hindi na muling makabangon.

Pinabayaan siyang nakahandusay sa sarili niyang lupain at walang tumutulong para ibangon siya.

3Ito ang sinabi ng Panginoong Dios, “Sa 1,000 sundalo na ipapadala ng isang lungsod sa Israel, 100 na lang ang matitira. At sa 100 sundalo na kanyang ipapadala, 10 na lang ang matitira. 4Kaya kayong mga Israelita, dumulog kayo sa akin at mabubuhay kayo. 5Huwag na kayong pumunta sa Betel, sa Gilgal, o sa Beersheba, upang sumamba roon. Sapagkat siguradong bibihagin ang mga mamamayan ng Gilgal at mawawala ang Betel. 6Dumulog kayo sa akin, kayong mga lahi ni Jose, at mabubuhay kayo. Dahil kung hindi, lulusubin ko kayo na parang apoy. Kaya malilipol ang Betel at walang makakapigil nito.5:6 Kaya malilipol … makakapigil nito: sa literal, Kaya masusunog ang Betel at walang makakapatay nito. 7Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi5:7 marumi: sa literal, mapait na tanim. at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!”

8Ang Dios ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan para pumunta sa mga ulap upang muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Panginoon ang kanyang pangalan. 9Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan,5:9 napapaderang bayan: o, malalakas na kawal. at dinudurog ang napapaderang lungsod.

10Kayong mga taga-Israel, napopoot kayo sa humahatol nang tama at nagsasabi ng totoo sa hukuman. 11Inaapi ninyo ang mga mahihirap at pinipilit na magbigay sa inyo ng kanilang ani.5:11 magbigay sa inyo ng kanilang ani bilang buwis o upa sa lupa. Kaya hindi kayo makakatira sa ipinatayo ninyong mansyon, at hindi kayo makakainom ng katas mula sa itinanim ninyong mga ubas. 12Sapagkat alam ko5:12 ko: o, ng Dios. kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan at kinikikilan pa ninyo. Hindi ninyo binibigyan ng hustisya sa hukuman ang mga mahihirap. 13Dahil naghahari ngayon ang kasamaan, ang marurunong ay tumatahimik na lang. 14Gawin na lamang ninyo ang mabuti at huwag ang masama para mabuhay kayo, at sasamahan kayo ng Panginoong Dios na Makapangyarihan, gaya nang inyong sinasabi. 15Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.

16Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Dios na Makapangyarihan: “Darating ang araw na maririnig ang mga iyakan at panaghoy sa mga plasa at mga lansangan. Ipapatawag ang mga magsasaka para umiyak sa mga patay5:16 Ipapatawag … umiyak sa mga patay: Ang ibig sabihin, ang mga magsasaka ay makikipaglibing sa mga umusig sa kanila. na kasama ng mga taong inupahan para umiyak. 17May mga iyakan din sa inyong mga taniman ng ubas.5:17 Ang ubasan ay lugar ng kasayahan lalo na kapag panahon ng pagpitas ng mga bunga nito. Pero magiging lugar ito ng iyakan. Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ang Araw ng Paghatol ng Dios

18Nakakaawa kayong naghihintay ng araw ng Panginoon. Huwag ninyong isipin na araw iyon ng inyong kaligtasan. Sapagkat iyon ang araw na parurusahan kayo. 19Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siya dahil nakatakas siya sa leon, pero nasalubong naman niya ang oso. O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siya dahil nasa loob na siya ng kanyang bahay, pero nang isinandal niya ang kanyang kamay sa dingding, tinuklaw ito ng ahas. 20Tiyak na darating ang araw ng Panginoon at itoʼy magdudulot ng kaparusahan at hindi kaligtasan; katulad ito ng dilim na walang liwanag kahit kaunti man lang.

Ang Gusto ng Panginoon na Dapat Gawin ng Kanyang mga Mamamayan

21Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Napopoot ako sa inyong mga pista; hindi ako nalulugod sa inyong ginagawang pagtitipon. 22Kaya kahit dalhan pa ninyo ako ng sari-saring handog, kahit pa ang pinakamabuting handog ay hindi ko tatanggapin. 23Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan. Ayokong makinig sa tugtog ng inyong mga alpa. 24Sa halip, nais kong makita na pinaiiral ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.

25“Mga mamamayan ng Israel, noong nasa ilang ang inyong mga ninuno sa loob ng 40 taon, naghandog ba sila sa akin? Hindi! 26At ngayon ay buhat-buhat ninyo si Sakut, ang dios-diosang itinuturing ninyong hari, at si Kaiwan, ang dios-diosan ninyong bituin. Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin. 27Kaya ipapabihag ko kayo at dadalhin sa kabila pa ng Damascus.” Ito nga ang sinabi ng Panginoon na tinatawag na Dios na Makapangyarihan.

King James Version

Amos 5:1-27

1Hear ye this word which I take up against you, even a lamentation, O house of Israel. 2The virgin of Israel is fallen; she shall no more rise: she is forsaken upon her land; there is none to raise her up. 3For thus saith the Lord GOD; The city that went out by a thousand shall leave an hundred, and that which went forth by an hundred shall leave ten, to the house of Israel.

4¶ For thus saith the LORD unto the house of Israel, Seek ye me, and ye shall live: 5But seek not Beth-el, nor enter into Gilgal, and pass not to Beer-sheba: for Gilgal shall surely go into captivity, and Beth-el shall come to nought. 6Seek the LORD, and ye shall live; lest he break out like fire in the house of Joseph, and devour it, and there be none to quench it in Beth-el. 7Ye who turn judgment to wormwood, and leave off righteousness in the earth, 8Seek him that maketh the seven stars and Orion, and turneth the shadow of death into the morning, and maketh the day dark with night: that calleth for the waters of the sea, and poureth them out upon the face of the earth: The LORD is his name: 9That strengtheneth the spoiled against the strong, so that the spoiled shall come against the fortress.5.9 spoiled: Heb. spoil 10They hate him that rebuketh in the gate, and they abhor him that speaketh uprightly. 11Forasmuch therefore as your treading is upon the poor, and ye take from him burdens of wheat: ye have built houses of hewn stone, but ye shall not dwell in them; ye have planted pleasant vineyards, but ye shall not drink wine of them.5.11 pleasant…: Heb. vineyards of desire 12For I know your manifold transgressions and your mighty sins: they afflict the just, they take a bribe, and they turn aside the poor in the gate from their right.5.12 a bribe: or, a ransom 13Therefore the prudent shall keep silence in that time; for it is an evil time. 14Seek good, and not evil, that ye may live: and so the LORD, the God of hosts, shall be with you, as ye have spoken. 15Hate the evil, and love the good, and establish judgment in the gate: it may be that the LORD God of hosts will be gracious unto the remnant of Joseph.

16Therefore the LORD, the God of hosts, the Lord, saith thus; Wailing shall be in all streets; and they shall say in all the highways, Alas! alas! and they shall call the husbandman to mourning, and such as are skilful of lamentation to wailing. 17And in all vineyards shall be wailing: for I will pass through thee, saith the LORD. 18Woe unto you that desire the day of the LORD! to what end is it for you? the day of the LORD is darkness, and not light. 19As if a man did flee from a lion, and a bear met him; or went into the house, and leaned his hand on the wall, and a serpent bit him. 20Shall not the day of the LORD be darkness, and not light? even very dark, and no brightness in it?

21¶ I hate, I despise your feast days, and I will not smell in your solemn assemblies.5.21 in…: or, your holy days 22Though ye offer me burnt offerings and your meat offerings, I will not accept them: neither will I regard the peace offerings of your fat beasts.5.22 peace…: or, thank offerings 23Take thou away from me the noise of thy songs; for I will not hear the melody of thy viols. 24But let judgment run down as waters, and righteousness as a mighty stream.5.24 run: Heb. roll 25Have ye offered unto me sacrifices and offerings in the wilderness forty years, O house of Israel? 26But ye have borne the tabernacle of your Moloch and Chiun your images, the star of your god, which ye made to yourselves.5.26 the tabernacle…: or, Siccuth your king 27Therefore will I cause you to go into captivity beyond Damascus, saith the LORD, whose name is The God of hosts.