Amos 3 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Amos 3:1-15

1Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng Panginoon sa Egipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo: 2Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.

Itinalaga ng Dios ang Gawain ng mga Propeta

3Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo? 4Umaatungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Aatungal ba siya sa loob ng kanyang yungib kung wala siyang nahuli? 5Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkas ba ang bitag kung walang nahuli? 6Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng Panginoon?

7Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Panginoong Dios na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.

8Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Panginoong Dios kung ang Panginoong Dios na mismo ang nagsasalita sa kanya?

Ang Hatol ng Dios sa Samaria

9Sabihin ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Ashdod3:9 Ashdod: Isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia. at Egipto na magtipon sila sa mga burol sa paligid ng Samaria3:9 Samaria: Ito ang kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. at tingnan nila ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito. 10-11Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Dios laban sa Samaria: “Hindi sila marunong gumawa ng matuwid. Ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod ay puno ng mga bagay na ninakaw at sinamsam. Kaya lulusubin sila ng mga kaaway at gigibain ang kanilang mga kampo. Sasamsamin ng mga kaaway ang mga ari-arian sa matitibay na bahagi ng kanilang lungsod.”

12Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: “Ang maililigtas lang ng isang pastol sa tupang sinisila ng leon ay maaaring dalawang paa o isang tainga lamang. Ganoon din ang mangyayari sa inyong mga Israelitang nakatira sa Samaria; wala kayong maililigtas kundi bahagi na lamang ng inyong magagandang higaan.”

13Sinabi ng Panginoong Dios, ang Dios na Makapangyarihan, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko at sabihin din ninyo ito sa mga lahi ni Jacob: 14Sa araw na parusahan ko ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan, wawasakin ko ang mga altar sa Betel.3:14 Betel: Isang lugar sa Israel na sinasambahan. Puputulin ko ang sungay ng mga sulok ng altar3:14 Puputulin … altar: Ayon sa 1 Hari 1:50 at 2:28, ang tao na inuusig ay pwedeng humawak sa mga sungay ng mga sulok ng altar, at walang gagalaw nito doon. Kaya ang mga inaasahan ng mga Israelita na magpoprotekta sa kanila ay wawasakin ng Panginoon. at mahuhulog ang mga ito sa lupa. 15Wawasakin ko ang kanilang mga bahay na pangtaglamig at ang mga bahay na pangtag-init. Wawasakin ko rin ang kanilang mamahalin3:15 mamahalin: Sa literal, mga bahay na may mga bahaging yari sa pangil ng elepante. at malalaking bahay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

阿摩司書 3:1-15

責備以色列人

1以色列人啊,

要聽耶和華責備你們的話,

責備我從埃及領出來的整個民族的話,

2『世上萬族之中,我只揀選了你們,

所以我要因你們的罪惡而懲罰你們。』」

3若非相約,

二人怎會同行呢?

4若非捕到獵物,

獅子怎會在林中咆哮呢?

若非獵獲食物,

猛獅怎會在洞中吼叫呢?

5若非設下誘餌,

鳥兒怎會陷入網羅呢?

若非有什麼陷進去,

網羅怎會收起來呢?

6若城中響起號角,

居民豈不恐懼顫抖?

若災禍降臨城中,

豈不是耶和華的作為?

7的確,主耶和華不向祂的僕人——眾先知顯明祂的計劃,

就不會採取任何行動。

8獅子吼叫,誰不懼怕呢?

主耶和華已發言,誰能不傳講呢?

9要向亞實突埃及的城堡宣告:

「你們要聚集到撒瑪利亞的山上,

看看城中的混亂和暴虐之事。

10他們不知正道,強取豪奪,

在他們的堡壘中積斂錢財。

這是耶和華說的。」

11所以,主耶和華說:

「敵人要圍攻此地,

攻破他們的防守,

搶掠他們的城堡。」

12耶和華說:

「牧人從獅口中救羊,

只能奪回兩條腿和一塊耳朵。

同樣,住在撒瑪利亞以色列人被救回的時候,

也僅剩一片床榻和一角臥椅。」

13主——萬軍之上帝耶和華說:

「你們要聽這話,去警告雅各家。

14我追討以色列人的罪時,

要摧毀伯特利的祭壇,

將祭壇的角砍落在地。

15我要拆毀過冬和避暑的房屋,

搗毀象牙裝飾的宮殿,

推倒許多宏偉的樓宇。

這是耶和華說的。」