1Ito ang mensahe ni Amos na isang pastol ng mga tupa na taga-Tekoa. Ang mensaheng ito ay tungkol sa Israel. Ipinahayag ito sa kanya ng Dios dalawang taon bago lumindol, noong panahon na si Uzia ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Joash ang hari ng Israel.
2Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang Panginoon mula sa Zion;1:2 Zion: Isa ito sa mga tawag sa Jerusalem. dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”
Ang Parusa sa Bansang Syria
3Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Syria: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Damascus,1:3 Damascus: Ito ang kabisera ng Syria at kumakatawan sa buong bansa ng Syria. parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim. 4Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damascus na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben Hadad. 5Wawasakin ko ang pintuan ng Damascus at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet Eden.1:5 Lambak ng Aven at ng Bet Eden: Itoʼy mga lugar na sakop ng Syria. Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Syria.1:5 Syria: sa Hebreo, Aram. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Ang Parusa sa Bansang Filistia
6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Gaza,1:6 Gaza: Ang Gaza ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia. parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom. 7Kaya susunugin ko ang mga pader1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak. ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito. 8Lilipulin ko ang mga pinuno ng Ashdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron.1:8 Ashdod … Ashkelon … Ekron: Itoʼy mga lugar na sakop ng Filistia. At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”
Ang Parusa sa Bansang Tyre
9Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tyre: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Tyre, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito. 10Kaya susunugin ko ang mga pader ng Tyre at ang matitibay na bahagi ng lungsod nito.”
Ang Parusa sa Bansang Edom
11Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kaanak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita. 12Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bozra.”1:12 Teman … Bozra: Itoʼy mga lugar na sakop ng Edom.
Ang Parusa sa Bansang Ammon
13Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Ammon: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Ammon, parurusahan ko sila. Sapagkat nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead nang salakayin nila ito, upang mapalawak ang kanilang lupain. 14Kaya susunugin ko ang mga pader ng Rabba1:14 Rabba: Ito ang kabisera ng Ammon. at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito habang nagsisigawan ang mga kaaway na sumasalakay sa kanila, na parang umuugong na bagyo. 15At bibihagin ang hari ng Ammon gayon din ang kanyang mga opisyal. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
1Речи Амоса које је видео за Израиљ, док је био међу сточарима из Текује. Било је то две године пре земљотреса, у време Озије, цара Јуде, и за време Јеровоама, цара Израиља, Јоасовог сина.
2Он је рекао:
„Господ риче са Сиона,
из Јерусалима глас свој пушта.
Тугују пастирски пашњаци
и врх Кармила се суши.“
Суд над околним народима
3Овако каже Господ:
„Због три преступа Дамаска,
а и због четири, своју казну нећу да повучем,
јер су Галад овршили
гвозденом вршилицом.
4Бацићу огањ на кућу Азаилову
и спалиће Вен-Ададова утврђења.
5Изломићу преворнице на Дамаску,
истребићу живаљ из те долине Авен1,5 Или: долине идолатрије, што је погрдан назив за Дамаск и цара Арама.
и онога што у Вет-Едену жезло држи.
У изгнанство, у Кир ће отићи Арамов народ –
каже Господ.“
6Овако каже Господ:
„Због три преступа Газе,
а и због четири, своју казну нећу да повучем,
јер су све изгнанике одвели у ропство
и предали их Едому.
7Бацићу огањ на зидине Газе
и спалиће њена утврђења.
8Истребићу живаљ из Азота
и онога што у Аскалону жезло држи.
Руку ћу своју да окренем на Акарон,
и пострадаће остатак филистејски
– говори Господ Бог.“
9Овако каже Господ:
„Због три преступа Тира,
а и због четири, своју казну нећу да повучем,
јер су све изгнанике предали Едому.
Нису се сетили братског савеза.
10Бацићу огањ на зидине Тира
и спалиће његова утврђења.“
11Овако каже Господ:
„Због три преступа Едома,
а и због четири, своју казну нећу да повучем,
јер је мачем свога брата прогонио
и потиснуо своје смиловање.
У свом га је бесу сатирао стално
и довека разјарен био.
12Бацићу огањ на Теман
и спалиће утврђења Восоре.“
13Овако каже Господ:
„Због три преступа синова Амонових,
а и због четири, своју казну нећу да повучем,
јер су распорили труднице Галада
да би међу своју проширили.
14Запалићу огањ на зидинама Раве
и спалиће њена утврђења,
све уз поклич на дан боја
и уз вихор олујнога дана.
15А њихов ће цар отићи у изгнанство,
заједно – он и главари његови“ –
каже Господ.