Tagalog Contemporary Bible

2 Timoteo 1:1-18

1Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios. Sinugo ako ng Dios para ipahayag ang tungkol sa buhay na ipinangako niyang makakamtan nating mga nakay Cristo Jesus.

2Timoteo, minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang galing sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Pasasalamat sa Dios at Paalala kay Timoteo

3Nagpapasalamat ako sa Dios na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi. 4Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, kaya nasasabik akong makita ka para maging lubos ang kagalakan ko. 5Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ngayon. 6Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Dios, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay. 7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

8Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Dios, makibahagi ka sa mga paghihirap dahil sa Magandang Balita. 9Iniligtas at tinawag tayo ng Dios para maging kanya, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mundo. 10Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Tinanggalan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

11Pinili ako ng Dios na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito. 12Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.1:12 ipinagkatiwala ko sa kanya: o, ipinagkatiwala niya sa akin. 13Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Cristo Jesus. 14Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.

15Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelus at Hermogenes. 16Kaawaan sana ng Dios si Onesiforus at ang pamilya niya, dahil lagi niya akong tinutulungan,1:16 tinutulungan: o, inaaliw. at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo. 17Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako. 18At alam na alam mo kung paano niya ako tinulungan noong nasa Efeso ako. Kaawaan sana siya ng Panginoon sa Araw ng Paghuhukom.

Bibelen på hverdagsdansk

2. Timoteusbrev 1:1-18

Indledende hilsen

1Dette brev er fra Paulus, som efter Guds vilje er blevet apostel i tjenesten for Jesus Kristus. Min livsmission er at forkynde om det evige liv, som Gud har lovet dem, der tror på Jesus Kristus.

2Kære Timoteus, min elskede søn i troen. Må du opleve barmhjertighed, nåde og fred fra Gud, vores Far, og Jesus Kristus, vores Herre.

Paulus udtrykker sin taknemmelighed for Timoteus

3Jeg takker Gud for dig, hver gang jeg tænker på dig, om det så er dag eller nat, den Gud, som jeg tjener med en ren samvittighed, og som min familie har tjent gennem mange generationer.1,3 Mere ordret: „fra (mine) forældres/forfædres (tid)”. 4Jeg glæder mig til at mødes med dig igen, for jeg husker dine tårer, da vi sidst sagde farvel til hinanden.

5Jeg tænker tit på din helhjertede tro på Herren. Både din mor, Eunike, og din mormor, Lois, havde en stærk tro, og jeg er overbevist om, at du har den samme stærke tro.

Personlig formaning og opmuntring til Timoteus

6Derfor vil jeg også opfordre dig til at opflamme den nådegave fra Gud, som du fik, da jeg bad for dig under håndspålæggelse. 7Gud har ikke givet os en Ånd, der gør os frygtsomme, men en Ånd, der giver os kraft, kærlighed og sund fornuft.

8Du må ikke skamme dig over at fortælle andre om vores Herre, og du må ikke tabe modet, fordi jeg sidder i fængsel. Vær parat til at lide for budskabet om Kristus, ligesom jeg gør, og søg kraft dertil fra Gud, 9som frelste os og kaldte os til at tjene ham. Det var ikke noget, vi gjorde os fortjent til. Det var ene og alene, fordi han, længe før verden blev til, havde besluttet at vise os sin nåde gennem Jesus Kristus. 10Den plan blev åbenbaret for alle, da vores Frelser, Jesus Kristus, kom til jorden. Han tilintetgjorde dødens magt og åbenbarede vejen til liv og udødelighed gennem troen på ham. 11Og Gud udvalgte mig til at være forkynder, lærer og apostel for dette budskab. 12Det er derfor, jeg må igennem de her lidelser. Men det har ikke slået mig ud, for jeg kender ham, jeg har sat min lid til, og jeg er sikker på, at han har magt til at værne om den tjeneste, han har betroet mig, indtil den sidste dag.

13Det, du har lært af mig, skal være din rettesnor for sund forkyndelse, og du skal udføre din tjeneste med den trofasthed og kærlighed, som kommer fra Jesus Kristus selv.1,13 Kan også oversættes: „du skal udføre din tjeneste i tro og kærlighed til Jesus Kristus.” 14Ved hjælp af Helligånden, som bor i os, skal du værne om den gode tjeneste, du har fået betroet.

Paulus i fængsel

15Du ved, at alle mine medarbejdere fra provinsen Asien har forladt mig, deriblandt Fygelos og Hermogenes.

16Herren velsigne Onesiforos og hans familie! Han har flere gange besøgt mig og opmuntret mig, og han har aldrig skammet sig over, at jeg sidder i lænker. 17Tværtimod, da han kom til Rom, søgte han straks efter mig og fandt ud af, hvor jeg var. 18Må Herren vise ham nåde på dommens dag. Og du ved bedst selv, hvor stor en hjælp han var for os, da vi var i Efesos sammen.