2 Samuel 8 – TCB & KLB

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 8:1-18

Ang mga Pagtatagumpay ni Haring David

(1 Cro. 18:1-17)

1Kinalaunan, natalo at nasakop ni David ang mga Filisteo. Inagaw niya mula sa kanila ang Meteg Amma. 2Natalo rin ni David ang mga Moabita. Nakahanay na pinahiga niya ang mga ito sa lupa, at sinukat niya ang mga ito sa pamamagitan ng isang lubid. Ang mga napabilang sa sukat na dalawang lubid ay pinagpapatay, at ang mga napabilang naman sa sukat ng pangatlong lubid ay hinayaang mabuhay. Ang mga Moabitang hinayaang mabuhay ay nagpasakop kay David at nagbayad sa kanya ng buwis.

3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob, habang papunta si Hadadezer sa lupaing malapit sa Ilog ng Eufrates para bawiin ito. 4Naagaw nila David ang 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe,8:4 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint (at sa 1 Cro. 18:4). Sa Hebreo, 1,700 mangangarwahe. at 20,000 sundalo. Pinilayan nila David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa 100 kabayo na itinira nila para gamitin.

5Nang dumating ang mga Arameo8:5 Arameo: o, taga-Syria. Ganito rin sa talatang 6. mula sa Damascus para tulungan si Hadadezer, pinatay nila David ang 22,000 sa mga ito. 6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damascus, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya. 7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na pag-aari ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8Kinuha rin niya ang napakaraming tanso sa Beta8:8 Beta: Sa ibang mga tekstong Septuagint (at sa 1 Cro. 18:8), Teba. at Berotai, mga bayang sakop ni Hadadezer.

9Nabalitaan ni Haring Tou8:9 Tou: o, Toi. ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Hadadezer. 10Kaya pinapunta niya ang anak niyang si Joram kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Joram ng mga regalong gawa sa pilak, ginto at tanso. 11Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula lahat ng bansang tinalo niya – 12ang Edom,8:12 Edom: Ito ay ayon sa Septuagint, Syriac at sa iba pang tekstong Hebreo. Sa ibang tekstong Hebreo, Aram. Moab, Ammon, Filistia at Amalek. Inihandog din niya ang mga nasamsam nila mula kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob. 13Naging tanyag pa si David nang mapatay niya ang 18,000 Edomita8:13 Edomita: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint at Syriac; sa Hebreo, Aram (na ang ibig sabihin, mga Arameo.) sa lambak na tinatawag na Asin. 14Naglagay siya ng mga kampo sa buong Edom, at sinakop niya ang mga Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pinupuntahan niya.

Ang mga Opisyal ni David

15Naghari si David sa buong Israel. Ginawa niya ang matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya. 16Si Joab na anak ni Zeruya ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehoshafat naman na anak ni Ahilud ang namamahala sa mga kasulatan ng kaharian. 17Sina Zadok na anak ni Ahitub at Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga punong pari. Si Seraya ang kalihim. 18Si Benaya na anak ni Jehoyada ang namumuno sa mga Kereteo at Peleteo na mga personal niyang tagapagbantay. At ang mga anak niyang lalaki ang mga tagapayo8:18 tagapayo: o, pari. niya.

Korean Living Bible

사무엘하 8:1-18

다윗의 승리

1그 후에 다윗은 블레셋 사람을 다시 침략하여 그들의 제일 큰 성인 8:1 히 ‘메덱-암마’가드를 점령하고 그들에게 항복을 받았다.

2그는 또 모압을 쳐서 포로들을 땅바닥에 나란히 눕혀 놓고 줄로 재어 3분의 2는 죽이고 3분의 1은 살려 주었다. 그리고 살아 남은 모압 사람들은 다윗의 종이 되어 그에게 조공을 바쳤다.

3그런 다음 다윗은 르홉의 아들인 소바 왕 하닷에셀을 공격했는데 이것은 하닷에셀이 유프라테스강 상류 일대를 다시 장악하려고 했기 때문이었다.

4그 전투에서 다윗은 마병 1,700명과 보병 20,000명을 생포하고 전차 100대의 말을 제외한 나머지 말들은 모조리 발의 힘줄을 끊어 버렸다.

5그는 또 하닷에셀을 도우러 온 다마스커스의 시리아군 22,000명을 죽이고

6다마스커스에 주둔군을 두었다. 그때부터 시리아 사람은 다윗의 종이 되어 그에게 조공을 바쳤다. 이와 같이 여호와께서는 다윗이 가는 곳마다 그에게 승리를 주셨다.

7다윗은 하닷에셀왕의 신하들이 사용하던 금방패를 빼앗아 예루살렘으로 가져왔고

8또 하닷에셀이 통치하던 성인 베다와 베로대에서 아주 많은 양의 놋도 빼앗아 왔다.

9하맛 왕 도이는 다윗이 하닷에셀과의 전투에서 승리했다는 말을 듣고

10그를 축하하기 위해 자기 아들 8:10 대상 18:10에는 ‘하도람’요람을 보냈다. 이것은 하닷에셀과 도이가 서로 적대 관계에 있었기 때문이었다. 그는 다윗에게 은과 금과 놋 제품을 선물로 보냈다.

11-12다윗은 이 모든 것을 시리아, 모압, 암몬, 블레셋, 아말렉, 그리고 소바 왕 하닷에셀에게서 빼앗은 전리품과 함께 여호와께 바쳤다.

13다윗은 ‘소금 골짜기’ 에서 에돔 사람 18,000명을 죽이고 돌아왔을 때 더욱 유명해졌다.

14그가 에돔의 전 지역에 주둔군을 두었으므로 에돔 사람들도 다윗의 종이 되었다. 이와 같이 여호와께서는 다윗이 가는 곳마다 그에게 승리를 주셨다.

15다윗은 이스라엘 전역을 다스리며 모든 백성을 위해 언제나 공정하고 옳은 일을 하였다.

16당시 그의 군대 총사령관은 스루야의 아들 요압이었고 그의 역사관은 아힐룻의 아들 여호사밧이었으며

17제사장은 아히둡의 아들 사독과 아비아달의 아들 아히멜렉이었다. 그리고 궁중 서기관은 스라야였으며

18그의 8:18 또는 ‘여호야다의 아들 브나야는 그렛 사람과 블렛 사람을 관할하고’경호대장은 여호야다의 아들 브나야였고 궁중 자문관은 그의 아들들이었다.